MUNICIPALITY OF MAJAYJAY (LAGUNA), Historical Data of Part IV - Philippine Historical Data MUNICIPALITY OF MAJAYJAY (LAGUNA), Historical Data of Part IV - Philippine Historical Data

MUNICIPALITY OF MAJAYJAY (LAGUNA), Historical Data of Part IV

Municipality of Majayjay, Laguna

PART IV

PART I | PART II | PART III | PART IV

About these Historical Data

[p. 30]

30. Puzzles and Riddles:

(1) Naaabot na ng kamay, ikukuha pa ng tulay. Sipit ng baga
(2) Magdamag na nagputukan, di rin nagkatamaan. Binusang mais
(3) Matapang ako sa dalawa, duwag ako sa isa. Tulay
(4) Dalawang pinda-pinda, nagsinlapad magsinganda. Tainga
(5) Matanda na ang nuno ay di pa naliligo. Pusa
(6) Buto't balat, lumilipad. Saranggola
(7) Walang sala'y iginapos, niyapakan pagkatapos. Sapatos
(8) Pagsipot ng maliwanag ay kulubot na ang balat. Ampalaya
(9) Dala ko siya, dala ako niya. Bakya
(10) Balong malalim, puno ng patalim Bibig
(11) Kung araw ay bumbungan, kung gabi'y karagatan. Banig
(12) Eto na, eto na, hindi pa makita. Hangin
(13) Isang butil na palay, puno ang buong bahay. Ilaw
(14) Hinigit ko ang bagin, nagkakara ang matsin. Kampana
(15) Nang maala-ala ay iniwan, dinala ng makalimutan. Mangkit
(16) May bibig, walang ngipin, may tiyan walang bituka, may suso walang gatas, may puwit walang butas. Bayong
(17) Hinalo ko ang nilugao, nagtatakbo ang inihaw. Bangka
(18) Baboy ko sa Panghulo, balahibo'y pako. Nangka
(19) Oo nga't langka, nasa loob ang taba. Niyog
(20) Oo nga't niyog, nasa loob ang bunot. Mangga
(21) Oo nga't mangga, lumalakad walang paa. Suso
(22) Oo nga't suso, walang butas tumutulo. Ulan
(23) Oo nga't ulan, nasan loob ang katawan. Pagong
(24) Oo nga't pagong, nasa ilalim ang bubong. Bangka
(25) Oo nga't bangka, lumalakad, lumuluha. Pluma
(26) Oo nga't pluma, nasa labas ang mata. Piña
(27) Walang pintong dinaanan, nakapasok sa kalooban. Pag-iisip
(28) Baboy ko sa Sorsogon, kung di sakyan ay di lalamon. Kudkuran
(29) Tatlong magkakapatid, sin kukulay ng dibdib. Tungkung-kalan
(30) Bahay ni Santa Ana, punong-puno ng bala. Papaya
(31) Hindi dagat, hindi ilog, may tulay na malayog. Karitan

[p. 31]

(32) Payong ng prinsesa, sa gubat nakuha. Kabuti
(33) Isang munting kaluluwa, nag-adyo sa bunga. Kuwitib
(34) Dumaan sa ilog, hindi nalunod; dumaan sa apoy, hindi nasunog. Anino
(35) Kabiyak na niyog, nag-aalipod. Buan
(36) Sinaing ni Mang Itong, nakulo'y walang gatong. Tuba
(37) Wala sa langit, wala sa lupa, nadahon ng sariwa. Dapo
(38) Kahoy ko sa bundok, abot dito ang hutok. Bahaghari
(39) Tagain ko'y gapok, ulitin ko'y tigas, buksan ko'y dagat. Niyog
(40) Bugtong-kalabugtong, bunga ay galong, laman ay dulong. Lukban
(41) Baboy ko sa sapa-sapa, sapin-sapin ang taba. Saha
(42) Nanganak ang virgen, itinapon ang lampin. Puso ng saging
(43) Siga ni Kaka, usok ay nawawala. Alapaap
(44) Hindi fiesta, hindi Pasko, nanghihingi ng aguinaldo. Pulubi
(45) Tumitindig ay walang paa, lumuluha ay walang mata. Kandila
(46) Nakaluhod kung gawain, nakatingala kung kanin. Chocolate
(47) Hindi hari, hindi pari, nagdadamit ng sari-sari. Sampayan
(48) Malayo pa ang sibat, nakanganga na ang sugat. Bibig
(49) Pitakilya ng hari, nabuksa'y di maisauli. Itlog
(50) Pitak-pitak, silid-silid, pinto ma'y di masilip. Kawayan
(51) Isaltik mo ako nang makita mo ang gara ko. Posporo
(52) Puno ay tao, gitna ay kawayan, dulo ay bakal. Kawit ng niyog
(53) Nang maliit ay inaalagaan, nang lumaki ay pinupugutan. Palay
(54) Baka ko sa Maynila, abot dito ang uñga. Kulog
(55) Dulong naging puno, punong naging dulo. Tubo
(56) Isang dulong kawayan, laman ay kamatayan. Baril
(57) Mataas kung naka-upo, mahaba kung nakatayo. Aso
(58) Alin dito sa mundo, lahat ay inahing puro? Kuto
(59) Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan. Piña
(60) Tinaga ko sa puno, sa dulo nagdurugo. Kasubha

[p. 32]

(61) Ako'y nagtanim ng isang punong granada, sa tapat ng piling karsada, pito ang buko, pito ang buka, pitong sakristan ang nakakuha, pitong pari ang nagdala. Pitong Sacramento
(62) Ang ama ay kantor, ang ina ay kantora, ang anak ay puti, ang bituka ay pula. Itlog
(63) Dalawang prinsesa, haliling pumasyada. Araw at buan
(64) Isang daang apostoles, iisa ang bigkis. Walis
(65) Hindi hayop, hindi tao, tatlo ang ulo. Tungko
(66) Dalawang pinggang magkataklob, sari-sari ang laman sa loob. Langit at lupa
(67) Habang aking pinapatay, lalong humahaba ang buhay. Kandila
(68) Di platero, di panday, lapat ang pinto ng kanyang bahay. Bituo, tulya
(69) Dalawang katawan, tagusan ang tadyang. Hagdan
(70) Halamang hindi malanta kahit natabas na. Buhok
(71) Pag munti ay may tapis, paglagi'y nag-aalis. Kawayan
(72) Tubig na naging bato, batong naging tubig. Yelo
(73) Patay na nasa kabaong, sinilaban muna bago itapon. Posporo
(74) Baboy ko sa kaingin, nalaki'y walang pagkain. Kamoteng-bagin
(75) Isang munting kaluluwa, hila-hila ang bituka. Karayom at sinulid
(76) Nang alpasan ay nahiga, nang itali ay gumala. Sapatos
(77) Rubing naggaling sa brilyante, brilyanteng nanggaling sa rubi. Itlog
(78) Nagkukula ay walang mantsa, nagsisisi'y walang sala. Kulasisi
(79) Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas. Gata ng niyog
(80) Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta. Akasya
(81) Hindi tao, hindi ibon, bumabalik kung itapon. Yoyo
(82) Eto na si bayaw, dala-dala'y ilaw. Alitaptap
(83) Eto na si Lelong, bubulong-bulong. Bubuyog
(84) Isang daang dalaga, iisa ang bituka. Kuwintas
(85) Apat na tao, iisa ang sombrero. Lamesa
(86) Puting parang busilak, itim na parang uwak, nakakatawid ng dagat, sa hari'y nakikipag-usap. Sulat

[p. 33]

(87) Napuno'y di nilalagyan, nabawasan ay di kinukunan. Tubig-niyog
(88) Pagdating ni Negro, nañgamatay ang mga tao. Gabi
(89) Bakas ko pa noong taon, nababakas ko pa ngayon. Pal-am na niyog
(90) Puno at dulo ay nasa gubat, ang gitna ay nasa dagat. Bangka
(91) Baboy ko sa Alabang, nasa likod ang tiyan. Binti
(92) Hindi Pasko, hindi fiesta, palaging buka ang bandera. Payong
(93) Nagtapis nang nagtapis, labas din ang bulbuis. Mais
(94) May sunong, may kilik, may tasak sa puwit. Pinya
(95) Umulan man at uminit, hanggang tuhod ay lilis. Manok
(96) Manok ko sa tagbakan, pulang-pula sa tapang. Sili
(97) Isang malaking bayabas, pito ang butas. Ulo ng tao
(98) Manok kong puti, nagtalon sa pulasi. Hugas-bigas
(99) Nang iulos ko'y tuyo, nang bunutin ko'y tumutulo. Tabo
(100) Panyo ni Kaka, hindi mabasa-basa. Lain
(101) Malingit pa si Nene, marunong nang manahi. Lawa-lawa
(102) May malaking babae, sa tabi natae. Gilingan
(103) Sinampal ko muna bago ko inalok. Sampalok
(104) Bahay ni Giring-giring, butas-butas ang dingding. Bithay
(105) Kinuha ko'y iisa, itinapon ko'y dalawa. Tuliya
(106) Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis. Sili
Oo nga't sili, nasa loob ang haligi.
Alimañgo
Oo nga't alimañgo, nasa loob ang ulo.
Pagong
Oo nga't pagong, nasa loob ang tombong.
Niyog
Oo nga't niyog, nasa loob ang bunot.
Mangga
Oo nga't mangga, nasa loob ang mata.
Pinya
Oo nga't pinya, naghubo ng saya.
Labong
(107) Maitim na parang tinta, pumuputi'y hindi kinukula. Buhok
(108) Eto na si amain, nagbibili ng hangin. Musikero
(109) Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw. Batingaw
(110) Humangin at umulan, dala-dala'y balutan. Kuba
(111) Malalim kung bawasan, mababaw kung dagdagan. Tapayan
(112) Nanganak ang asuang, sa tuktok nagdaan. Saging
(113) Hinipan ko si kaibigan, nakabuhay ng patay. Hihip

[p. 34]

(114) Kung kailan tahimik, saka nakakabuwisit. Lamok
(115) May ulo'y walang tiyan, may liig ay walang bayawang. Frasco
(116) Nagbibigay na, sinasakal pa. Bote
(117) Isang matang tubigan, sa palibot tinubuan. Bahay
(118) Walang binhing itinanim, taon-taon ay kinakain. Kabuti
(119) Hinigit ko ang siit, bumaba ang langit. Payong
(120) Tungkod ni Mang Juan, hindi mapigil-pigilan. Ahas
(121) Kabayo kong si Moro, pitong bundok ang nilulukso. Papahirin
(122) Buhok ni Adan, hindi mabilang. Ulan
(123) Kalamay ni Kaka, hindi mahiwa. Tubig
(124) Iisa ang pinasukan, tatlo ang nilabasan. Kamiseta
(125) Walang utang, walang kargo, mahigpit ang pagkapreso. Baboy
(126) Pintong sagrado'y bukas, ang tao'y nakalabas. Kuadro
(127) Gilong ng gilong, walang nahahayon. Ilohan
(128) Salaping di magasta, salaping di makuha. Lipong na pare

[p. 35]

31. Proverbs and Sayings:

"Ang hanap sa bula-bula, sa bula mawawala."
"Ang taong mapanaghiliin, lumaya man ay sawi rin."
"Ang dalaga kapag magaslaw, parang hamak na sawsawan."
"Aanhin mong kumain sa pinggang ginto kung pasusukahin ka ng dugo."
"Kung mapalad man ang nauuna, lalong ang nahuhuli pa."
"Ang taong hindi marunong magbata*, walang hinintaying ginhawa."
"Kung anong taas magpakadakila, siya ring taas** ang bagsak sa lupa."
"Kawayan habang tumutubo, langit na mataas ang itinuturo, kapag ito'y lumaki at lumago, sa lupang mababa ito yumuyuko."
"Iyo nga't nasa iyo, huwag mong aasahang iyo. Kanin mang isusubo mo, nalalaglag pang mumo."
"Nagsisi ka man at huli, wala nang mangyayari."
"Ang taong magandang asal ay namamahal nino man."
"Ang masama sa iyo ay huwag mong gawain sa iba."
"Ang buhay na hindi laan sa mabuting layon ay tulad ng kahoy na walang lilim, o isang damong lason."
"Ang taong mahirap nguni't tahimik ay daig ang mayamang lagi sa ligalig."
"Kung sino ang masalita, siya ang kulang sa gawa."
"Kapag ang tao ay hinaw ng hinaw, asahan mo't marumi ang kamay."
"Di man magmana ng ari ay magmana ng ugali."
"Walang yumaman at guminhawa na di pinagpunan ng iba."
"Ang taong mapagpakumbaba ay nagtatamo ng biyaya."
"Hindi sukat maniwala sa sabi at wika, patag na patag man ang lupa, sa ilalim ay may lungga."
* Unless "magbata" is dialect local to this town, then it is possible this is a typo. Possible words to replace it are "magbasa" or "magbatak."
** The word "lakas" instead of "taas" is likely more correct.

[p. 36]

"Sabihin man o di, ipagbadya sa kilos nakikilala."
"Kapag ang tubig ay matining, arukin mo at malalim."
"Ang taong humihihip sa lusong, sa mukha niya natatapon."
"Sa tinipak-tipak ng munting palakol, nakabubuwal din ng malaking kahoy."
"Lumalakad ang kalabasa, naiiwan ang bunga."
"Malakas ang loob, mahina ang tuhod."
"Munti man dao ang sili, daig ang larang malaki."
"Pag hangin ang itinanim, bagyo ang aanihin."
"Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo."
"Makikita sa batiya ang naglalangoy na isda."
"Malayo man daw at ibig, ay nahahayong pilit."
"Iisa man at duro ay daig ang tatlo."
"Ang hanap sa malayo, habang daan ay nabububo."
"Pag labis ang kasakiman, namumulas ang kayamanan."
"Ang taong may magandang asal, minamahal ng kasamahan."
"Ano mang haba ng procesion, sa simbahan din ang urong."
"Bahay man ay bato at ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang kubo na ang nakatira ay tao."
"Kung sino ang palasumpain ay siyang sinuñgaling."
"Ang puri ay nasa nagbibigay at hindi sa pinagbibigyan."
"Ang dila ay hindi patalim, nguni't kung humiwa'y napakalalim."
"Kamay na hindi malabanan ay yukuan at halikan."
"Walang mataas na bakod sa taong natatakot."
"Pag may sinuksok ay may titingalain."
"Pag ang tao'y may pilak, saan man ay may alak."

[p. 37]

32. Methods of measuring time, special calendars:

a. A post or stake stuck in the ground to throw a shadow is believed to be the earliest method of telling time.

b. Another method is that of a slowly burning rope with knots set evenly apart. A certain amount of time elapsed with the burning of each knot.

c. A marked candle with was a variation of the burning rope was also used to tell time. The time was indicated by the remaining length of the burning candle.

d. The early inhabitants calculated the time by looking at the sun and determined its position in relation to the sky.

33. Other folktales:

a. Once upon a time, there was a "tuba-gatherer" by the name of Saturnino. Rain or shine, everyday he faithfully attended to his occupation. But one cloudy day as he was atop a coconut tree, deeply engrossed in his work, he noticed three women of exquisite beauty under the coconut palms. The first impulse he felt was to know and befriend these three women, so he went down the tree to at once meet the beauties. It did not take long for him to get acquainted with them. He learned that these three maidens laundered and took a bath in the nearby river. Saturnino could not refrain from adoring them till he requested that he be allowed to escort them home. They all consented to his request.

Great was his amazement when he saw the trail strewn with fresh and beautiful flowers. When they reached their destination, he was welcomed to their abode. He was stricken with awe and bewilderment to see the house and all the furnishings made of pure lustrous bold. In his amazement, he uttered aloud, "Jesus, Maria, Joseph, what a beautiful house!" At the mention of the Holy Family, the three beauties as well as the house of gold faded away and vanished. Saturnino found himself sitting alone up high on the branch of a big "balete" tree, four kilometers from his tuba palms.

[p. 38]

b. Now as of old, there are supposed to exist in Majayjay many supernatural beings who continue to terrify the simpler folk. Especially in the remoter part of the municipality, belief in these strange creatures still exerts a great deal of influence over the lives of the people. The common tao believes that they may be angered or propitiated, and takes particular care to keep them friendly, for he believes that if the hostility of such spirits is incurred, misfortune, sickness, and even death may follow. The most common of these beings are the ASUANG, the NUNO, the DUENDE, the TIANAK, the TIKBALANG, and the MATANDA SA PUNSO.

The asuang is the most feared of these. The asuang is really a human being who can, if he is a man, change his shape into that of an animal — usually a pig or a big dog, sometimes a bird, but never a dove — and disappear and reappear at will. Female asuangs do not change their human shapes, but are capable of separating the upper part of their bodies from the lower. The lower extremities are hidden in some safe place and the head, trunk, and arms of the asuang then flies through the air making a sound like that of a rustling buri mat. Asuangs are ghouls and feed on the bodies of recently deceased persons and newly-born children, which they carry off, feeding only on the liver and the heart. After nightfall, they hover above the homes of people who expect the birth of a child. The croaking of a flock of crows is believed to be a certain sign that an asuang is about. In some place, it is believed that the asuang may be detected by a certain disagreeable odor. In this town, it is the practice to suspend a lighted lamp and the tail of a stingray under the roof of an expectant mother. The tail of the ray is thought to be the only thing an asuang is afraid of, but in some barrios of the municipality, the people wear charms of shark's bone and crocodile's teeth.

The Matanda sa Punsos are gray little old men who live in anay (white ant) homes. These dwarves kidnap children, it is said, in revenge for people's unfriendly treatment of them when they lived in the town. The possess the power to disfigure the faces of children and to otherwise harm them. They release the children seized by them, however, soon after they have worked their will on them. There are no known measures to take against them.

The Tianaks live in the forest and take a mischievous delight in misdirecting travelers. They are

[p. 39]

very strange satyr-like creatures with very long ears, long grasshopper like legs, and goatlike hooves. When sitting on the ground, their knees come up to the tops of their heads. When one wishes to outwit them, all one has to do is to turn his coat wrong-side out, and they will burst out laughing and scamper back into the forest. Failing to do this and falling into their hands, rescue depends upon whether one's relatives and friends can make enough noise to scare the tianak away.

A story is told of an old fisherman who went to fish in the river one day. He failed to return home and the barrio folks suspected that the tianaks had gotten him. They organized a searching party, the members of which were equipped with tin cans which they belabored vigorously with the hope of frightening the tianaks into giving up their victim. After three days of deafening noise-making, the found the old man asleep high up in a mangrove tree. The tianaks are believed to be especially fond of children with whom they often make away. There is no known charm against them.

The tikbalang is the unbaptized spirit of a man or child, but he is always seen as a tall, thin, and black man with a horse's head and terrible teeth. He lives in the forests, and at night, one can hear his cries. Like the tianak, he bedevils travlers, but he does it by causing fever and termporary bewilderment or insanity on his victims. It is only the expert herbolario who can drive the tikbalang from the body of a victim.

The duendes, although feared, are also liked by some people. They live in old churches, especially in the towers, and sally forth at night on pilfering expeditions. They are pygmies, with one eye in the middle of the forehead, and a huge nose with only one nostril. The old townspeople are eager for their friendship because "anting-antings" or charms may be obtained from them, which will protect one against all harm. They also give their human friends sums of money, but this money must be immediately spent or it vanishes. A bad thing about the deundes is, however, that when one wins their friendship, it must be retained, or one meets with an untimely death.

[p. 40]

Part Three: Other Informatoin

34. Information on books and documents treating of the Philippines and the names of their owners:

a. Official Handbook of the Philippines - 1903; The Philippine Exposition Board.
b. Census of the Philippine Islands - 1918, Volume Four, Part I.
c. Censo de las Islas Filipinas - 1903, Tomo I - Geografia, Historia y Poblacion.
d. Censo de las Islas Filipinas - 1903, Tomo II - Poblacion.
e. Censo de las Islas Filipinas - 1903, Tomo III - Mortalidad y Instruccion.
f. Censo de las Islas Filipinas - 1903, Tomo IV - Agricultor, Estadista Social y Industrial.
g. El Archipelago Filipino - Colleccion de Datos, Tomo I.
h. El Archipelago Filipino - Colleccion de Datos, Tomo II.
(The above-listed books are in the possession of Mr. Antonio Escobar, Sr. of Majayjay, Laguna.)
a. The Philippine Review, Vol. 2, 1917, Gregorio Nieva.
b. Codigo Administrativo de las Islas Filipinas, 1916.
c. El Consultor de los Municipios, 1896.
d. El Regimen Municipal en las Islas Filipinas, 1893, Don Pedro Alejandro Paterno.
(The above-listed books are in the possession of Mr. Mauro Tuviera of Majayjay, Laguna.)

35. The names of Filipino authors born or residing in the community, the titles and subjects of their works, whether printed or in manuscript form, and the names of persons possession them:

None.
########

PART I | PART II | PART III | PART IV

Transcribed from:
Historical Data of the Municipality of Majayjay, Province of Laguna, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
>
Next Post Previous Post