MUNICIPALITY OF BINANGONAN, RIZAL, Historical Data of Part 2
PART II
[p. 11]
tricks to outsmart them so that they can run through and return to where they started. If any member of the team running is touched by the IT either bodily or any part of the clothes, they become the IT and, in turn, the previous IT run across the same lines and in the same manner and procedure as the former. Whoever of the two teams makes the 3 homeruns firs is the winner. The usual prize of the winning team is a bottle of soft drink to each player. Among children, the losing team is required to pass between the legs of the winning team or any other punishment agreed upon.
This kind of game is played during the dry season and during moonlit nights or even during daytime.
JUEGO DE PRENDA
Juego de Prenda is a game which is common in the town of Binangonan. This game is participated in by young men and young women of the village. This is usually played during night at the house of a deceased person or commonly known as belacion. Customarily, when a person dies, they people in the village pay respect to the deceased by staying overnight in the house of the deceased playing different kinds of games to amuse the relatives.
Juego de Prenda is begun by one who is designated as the KING by saying that he has a DOVE which flew away and alighted on a certain plant or flower, the name of which represents ladies and men in the game, such as Camia, Begonia, Sampaguita, Rosal, Cacawati, Sampaloc, etc.
When the name of the flower or tree representing the man or woman is called to be at the place where the DOVE of the King alights, the person concerned will answer: "It is not here but it flew away, alighting on another flower or tree" (mentioning the name of the flower or tree), and the rest of the partakers do the same. If any of these young men or women commits a mistake either in answering or failing to answer, he or she is required by the King to give a pledge by depositing a comb, ring, or any other belongings.
When the King has many pledges in his possession, those who
[p. 12]
AMUSEMENTS
SPIDER FIGHT - Another form of amusement which is participated in not only by children but also by adults is spider fight. Adults and children look for spiders in the field and bring them to the plaza where many people are gathered during off hours and enjoy the spider-fight on a piece of stick 5 inches in length. This kind of amusement is becoming widely-known in other parts of the Philippines as the same was published one time in the Sunday Times Magazine.
SABONG (COCKFIGHTING)
Sabong or cockfighting is a common amusement that is participated in by almost all persons in all walks of life. This kind of amusement is only done during Sundays and holidays, and the common participants are farmers and employees.
The amusement is played by using cocks armed with sharp pointed steels. The fighting cocks are placed at the center of the cockpit with a referee (centenciador).
[p. 13]
However, before the fight starts, betting goes on with a lot of shouting and calling of the color of the cock which probably is the thing which amuses the people.
To the cockfighters, it is an amusement because they feel joy to see the abilities of their cocks of which they spent plenty of their off hours caring for them, probably more than what they did with their children.
The game is won if any of the cocks dies or runs away during the fight. The loser in a game goes home with his cock carried upside down and the hat put on wrongly. The winner goes home with contentment. But we can be sure that the persons going to the cockfights are amused because of the many associates they met, and the different foods that they ate, which are not common in their daily lives.
UGPUNGAN (BRIDGE)
Ugpungan is a kind of game in the common parlance (Bridge in the American way) and is played by the people of Binangonan in parties at their villages.
This is played by using cards (baraha) usually by four players. The player who puts the card first on the table is the one who possesses the card bearing the number six (6) of any of the characters. The succeeding players put down cards bearing consecutive numbers. If a player does not have any card, he says, "PASS," in which case the man to his right has the turn to put down his card if he has one with consecutive numbers. The first man who puts all his cards down is the winner and the player who has the greatest number or count of cards is the loser and the one who will shuffle the cards.
OTHER KINDS OF AMUSEMENTS
PALOSEBO (Climbing the Pole)
[p. 14]
PAKAGAT SA KAWALI
This is a kind of amusement which is also done during barrio fiestas like the palosebo. This is performed by hanging 3 to 4 frying pans full of carbon with 10 and 20 centavo pieces attached to the back of it with the use of glue.
The children participating have their hands tied at the back and attempt to remove the money attached thereto so that their faces become painted with carbon, the condition of which makes people laugh and get the joy of the game. While the children are attempting to remove the money, the band plays some music.
POPULAR SONGS
Lambingan
Napaparam ang lungkot
Napapawi, nagbabago
Ang lahat ng himutok,
Sa tuwi kong hahagkan
Ang pisngi mong mabango
Ay tuluyang napaparam ang hirap ko.
II
Magkayakap sa galak,
Ang langit ng bagong buhay
Ay maligaya,
Sa suyuang matimyas,
Nagbabago ang lahat
At patuloy ang sarap
Ng matamis na lambingan.
[p. 15]
Sarong Banggi
Ako'y naghihintay sa isang magandang dilag
Namamanglaw ang puso ko,
At ang diwa'y palagi nang nangangarap.
II
Bituing nagniningning
Kislap ng tala at liwanag ng buwan
Ay siyang nagsasabing
Ang pag-ibig ko'y sadyang tunay
Araw-gabi ang pangarap ko'y ikaw.
III
Ako ay natutong gumawa ng awit
Pati ang puso kong dati matahimik
Ngayo'y dumadalas ang tibok ng aking puso.
Grade IV - 4
MGA SALAWIKAIN
2. Pagkaraan ng ulap, lilitaw ang liwanag.
3. Ang matibay na kalooban, lahat ay nagagampanan.
4. Kapag ang tao'y matipid, maraming maililigpit.
5. Kung ano ang masama sa iyo, huwag gawin sa kapwa mo.
6. Ang maagap, daig ang masipag.
7. Ang walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon.
8. Huli man daw at magaling, naihahabol din.
9. Kung tunay na tubo, matamis hanggang dulo.
11. Kapag may isinuksok ay may titingalain.
12. Ang tulog na hipon ay tinatangay ng hagos.
[p. 16]
14. Nakikita ang butas ng karayom, hindi ang butas ng palakol.
15. Ang pagmamahal sa sarili ay nakabubulag.
16. Bago gawin ang sasabihin, maka-ilang isiipin.
17. Di man magmana ng ari, magmana ng ugali.
18. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
19. Ang maniwala sa sabi, walang bait sa sarili.
20. Wika at batong ihagis, di na muling magbabalik.
21. Kung pinukol ka ng bato, ang iganti mo'y puto.
22. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
23. Ang di marunong magbata, walang hihinting ginhawa.
24. Ang taong mapagbulaan ay hinlog ng magnanakaw.
25. Walang matibay na baging sa mabuting maglambitin.
26. Pag ang punla ay hangin, bagyo ang aanihin.
27. Walang mataas na bakod sa taong natatakot.
28. Ang maikli ay dugtungan, ang mahaba ay bawasan.
29. Pag ikaw ay nagparaan, pararaanin ka naman.
30. Ang di lumingon sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan.
31. Kapag tinawag na utang, sapilitang babayaran.
32. Ang naglalakad nang matulin, kapag matinik ay malalim.
MGA BUGTONG (RIDDLES)
2. Ang dalawa'y tatlo na, ang maitim ay puti na, ang bakod ay lagas na.
3. Pantas ka man at maalam, angkan ka ng mga paham. Turan mo kung sino.
4. Nagtanim ako ng isip sa ilalim ng tubig, dahon ay makikitid, bunga'y matutulis.
5. Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas.
6. Maitim na parang uwak, maputing parang busilak, walang paa'y nakalalakad, at sa hari'y nakikipag-usap.
7. Ako'y may kaibigan, kasama ko saan man, mapatubig ay di nalu-
[p. 17]
8. Di naman isda, di naman itik, nakakahuni kung ibig, maging sa kati, maging sa tubig, ang huni'y nakabubuwisit.
9. Hugis-puso, kulay-ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kanin.
11. Ako'y nagtanim ng granada sa gitna ng laguwerta, pito ang puno at pito ang bunga, pitong pare ang nangunguha.
12. Walang itak, walang kampit, gumagawa ng bahay na ipit.
13. Lumalakad walang paa, lumuluha walang mata.
14. Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan.
15. Nakalantad kung gabi, kung araw ay nakatabi.
16. Hindi pari, hindi hari, nagdaramit ng sari-sari.
17. Mataas kung naka-upo, mababa kung nakatayo.
18. Lumalakad nang walang humihila. Tumatakbo'y walang paa.
19. Bumubuka'y walang bibig, ngumingiti ng tahimik.
20. Kung kailan ko pa pinatay, saka tumagal ang buhay.
21. Puno'y layu-layo, dulo'y tagpu-tagpo.
22. May binti, walang hita; may tuktok, walang mukha.
23. Malalim kung bawasan, mababaw kung dagdagan.
24. Nakaluluto'y walang init, umaaso kahit malamig.
25. Hindi tao, hindi ibon, bumabalik kung itapon.
26. Eto na si bayaw, dala-dala'y ilaw.
27. Eto na si Kaka, may sunong na damnpa.
28. Duwag ako sa isa, matapang ako sa dalawa.
29. Tabla magkabila, alulod sa gitna.
30. Ang anak ay naka-upo na, ang ina'y gumagapang pa.
31. Alin sa mga ibon ang di makadapo sa kahoy?
32. Gintong binalot sa pilak, pilak na binalot sa balat.
33. Mga kaloobang pinaghalu-halo, na niluto sa init ng pagkakasundo.
34. Puno ay buku-buko, dahon ay baniko, bunga ay parasko, perdigones ang mga buto.
35. Bahay ni Ka Huli, haligi'y bali-bali, ang bubong ay kawali.
36. May binti ay walang hita, may balbas ay walang baba, may mata'y walang mukha.
[p. 18]
38. Walang pintong pinasukan, nakapasok sa kaloob-looban.
39. Walang ulo'y walang mukha, may katawa'y walang sikmura, namamahay ng sadya.
40. Nang ihulog ko'y buto, nang hanguin ko'y trumpo.
41. Nang ihulog ko'y ganggabinlid, nang hanguin ko'y gangga-ihip.
42. Kung pabayaan ay nabuhay, kung himasin ay namamatay.
43. Tubig na pinagpala, walang makakuha kundi munting bata.
44. Buto at balat, lumilipad.
MGA SAGOT SA BUGTONG
(Answers to the Riddles)
2. Matanda (old person)
3. Gata ng niyog (coconut milk)
4. Palay (palay)
5. Gata ng niyog (coconut milk)
6. Sulat (letter)
7. Anino (shadow)
8. Palaka (frog)
9. Mangga (mango)
11. Ang Pitong Sacramento (The Seven Sacraments)
12. Gagamba (spider)
13. Pluma (pen)
14. Pinya (pineapple)
15. Banig (mat)
16. Sampayan (clothesline)
17. Aso (dog)
18. Bangka (boat)
19. Bulaklak (flower)
20. Kandila (candle)
21. Bahay (house)
22. Kabuti (mushroom)
23. Tapayan ng tubig (jug of water)
24. Yelo (ice)
[p. 19]
26. Alitaptap (firefly)
27. Pagong (turtle)
28. Tulay na kawayan (bamboo bridge)
29. Dahon ng saging (banana leaf)
30. Kalabasa (squash)
31. Pugo (quail)
32. Itlog (egg)
33. Dinuguan (a kind of viand)
34. Papaya (papaya)
35. Alimasag o alimango (crab)
36. Ampalaya (amargoso) [bitter gourd]
37. Tubo (sugarcane)
38. Pag-iisip (thoughts)
39. Palito ng posporo (matchstick)
40. Singkamas (turnip)
41. Labanos (radish)
42. Gatas ng ina (mother's milk)
43. Makahiya (shrinking mimosa)
44. Saranggola (kite)
"PUENTE DEL DIABLO"
Ang Pilapila ay isang nayon sa bayan ng Binangonan. Ang bayang ito ay nasa baybay ng Lawa ng Laguna. Sa Pilapila ay may isang puntod ng mga bato na kung tawagin ng mga taga-roon ay Puente del Diablo. Sang-ayon sa mga taga-Binangonan ay simula raw ito ng isang tulay na nilikha ng mga demonyo kaya tinawag nang ganoon.
Noong araw ay may isang magandang dalagang naninirahan sa nayon ng Pilapila. Ang pangalan niya ay Isabel. Siya'y kinagigiliwan ng mga binata dahil sa kanyang kabaitan.
Maraming binatang laging dumadalaw sa tahanan ni Isabel. Mabait siya sa lahat. Nguni't isa man sa mga binata'y hindi niya maibigan pagka't siya'y labis may isang panata sa Diyos lamang maglilingkod. Araw at gabi ay wala siyang ginagawa kundi
[p. 20]
manalangin at tumawag sa Diyos.
Hindi tumigil sa pagdalaw ang mga binata sa tahanan ni Isabel.
Umisip ng paraan ang dalaga upang siya'y huwag nang dalawin ng mga binata. Minsan ay ipinatawag niyang lahat ang mga binata. "Ako'y may hihilingn sa inyo," ang sabi ni Isabel sa kanila. "Ang makatupad sa aking hihilingin ay siya kong pakakasalan."
Natuwa ang mga binata.
"Turan mo, Isabel," ang sabi nila. "Tutupadin namin ang iyong kahilingan."
Ngumiti ang dalaga.
"Ang hiling ko'y ito," ang sabi niya. "Ang binatang makakapagtayo sa loob ng isang gabi ng isang tulay na bato mula sa baybaying lawang ating kinatatayuan hanggang sa pamilihan sa Los Banyos sa kabila ng lawang ito ay aking pakakasalan!"
Natigilan ang lahat. Nangunot ang kanilang mga noo. Mahirap mangyari ang hinihiling ni Isabel! Masama ang kanilang loob. Isa-isa silang umalis na hindi man lang nagpaalam sa dalaga.
Lihim na nagalak si Isabel.
Wala anu-ano'y isang binatang makisig na makisig ang lumapit kay Isabel. Hinawakan ng bagong dating ang kamay ng dalaga at ito'y hinagkan. Tila napaso ang kamay ni Isabel. Bigla niyang hinaltak ito at saka nagturing.
"Huwag kayong magagalit, ginoo, kung sabihin kong kayo'y hindi ko nakikilala at ang inyong ginawa'y isang malaking kapangahasan."
"Binibini, ako po'y isang talisuyo," ang mapitagang tugon ng lalaki.
"Batid po ba ninyo kung ano ang hinihingi ko sa aking mga talisyo?" ang tanong ng dalaga.
"Opo, isang tulay na bato sa ibabaw ng lawa ng Laguna," ang sabi ng lalaki. "Matutupad ang inyong hiling. Bukas ng umaga ay magigisnan na ninyo ang tulay."
Pagkawika nito ay tumalikod ang lalaki at biglang nawala.