MUNICIPALITY OF VICTORIA, LAGUNA, Historical Data of Part 2
PART II
PART I | PART II
[p. 14]
to him about the danger.
A priest of old was like a prophet. He told him that a big dog was looking for him. The dog would kill him. So, the priest told him to stay in the church for his protection. A very big carajay was placed over Balonglong. The sexton and the priest helped together.
The priest and the sexton hid. By and by, a big dog with a broken chain came. It ran around the church until it found its way in. The dog could smell its master under the big carajay (kawa). How tired and exhausted was the dog in trying to turn over the carajay. His tongue was cut and saliva bubbled flowing out of its mouth.
Weak and tired was the dog. The sexton, with a Holy Cross, rushed at the dog and knocked it on its head. The carajay was lifted by the sexton.
Balonlong thanked the father and the sexton.
[p. 15]
MGA SALAWIKAIN
2. Marunong kumita ng sa ibang uling, ñguni't mukha niya puno ng agiw.
3. Ang haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang urong.
4. Kung sino ang umaako, siyang napapako.
5. Kung anong taas ng pagkadakila, siyang lakas ng paglagpak sa lupa.
6. Anak na di paluhain, ina ang patatañgisin.
7. Kapag may sinimpanay, may aasahan.
8. Kung mayroon kang isinuksok, mayroon kang madudukot.
9. Baboy na pagala-gala, lama't taba'y masama.
11. Ang bagong takluban man, pilit na aaliñgasaw.
12. Ang maniwala sa sabi, walang bait sa sarili.
13. Wala sumisira sa bakal kundi ang kalawang.
14. May taiñga ang lupa, may pakpak ang balita.
15. Ang gawi sa pagkabata, dala hanggang sa tumanda.
16. Ang nakatabi sa batis, nakikinabang ng lamig.
17. Wika at batong ihagis, hindi na muling babalik.
18. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang.
19. Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka nang maluto'y iba ang kumain.
20. Kung ano ang bukang-bibig, siyang laman ng dibdib.
21. Kung anong mukha, siyang asal.
22. Nakikita ang butas ng karayom, hindi nakikita ang butas ng palakol.
23. Ubos biyaya, pagkatapos nakatuñgañga.
24. Bayabas ma'y bubot, biyaya rin ng Dios.
25. May mahinhing talipandas, may adhikaing banayad.
26. Ang taong totoong duwag, tumatakbo'y walang sugat.
27. Ano mang gagawin, makapitong isipin.
28. Sa laging bukas na kaban, nagkakasala ang banal man.
29. Ang sakit ng kalinkiñgan, damdamin ng buong katawan.
30. Masarap man ang katawan, huwag lamang ang kalooban.
31. Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
32. Makikilala sa labi, ang palañgañga at hindi.
33. Di man nagmana ng ari, magmamana ng ugali.
34. Ang sino mang pala-panaog, kung hindi marapa'y matitisod.
35. Masira man sa pilak, huwag lamang sa pañguñgusap.
36. Nagpapakain man at masama ang loob, ang pinakakai'y hindi nabubusog.
37. Ang taong mahal at mura, sa gawa nakikilala.
38. Pag dinaan sa tiyaga, maaabot din ang nasa.
39. Magkagalit sa utañgan, huwag sa pagsisiñgilan.
40. Ang mahusay na pagsunod ay nasa nag-uutos.
41. Marunong man at pantas, daig ang namimintas.
42. Ang di marunong magbata, walang hihinting ginhawa.
43. Ang hindi napagal magtipon, walang hinayang magtapon.
44. Ang malabis na salita, nakagagawa ng masama.
45. Ang taong may gawang lihim, ibig na daa'y sa dilim.
46. Iba ang dati ng kakilala sa dating kikilalañgin pa.
47. Biyaya at handog, mabisang panghimok.
48. Ang kahoy na naging baga, parikitan ma'y madali na.
49. Kapag ang nauna'y tamis, ang hahalili'y pait.
50. Huwag kang magpakawili sa di mo tahanan dati, pagka't abutin ka ng gabi, Dios ma'y di mo masabi.
51. Madali ang maging tao, mahirap ang magpakatao.
[p. 16]
54. Ang taong di marunong luminga sa kanyang pinanggaliñgan, di makakasapit sa patutuñguhan.
55. Palasyo man ang bahay mo at ang nakatira'y kuwago, daig pa ng kubo na ang nakatira'y tao.
56. Ang hihip sa lusong, sa mukha ang tapong.
[p. 17]
FOLKLORE OF
MATAAS NA KAHOY
Ito ang isang Mataas na Kahoy na tumatayo sa tabing-dagat sa na tinatawag na nayon ng San Roque. Maliit pa ako'y ang kahoy na ito ay nakatayo na.
Ang kahoy na ito'y nagbibigay ng malaking tulong lalo na sa nangingisda. Ito ang kanilang palatandaan kailan ma't silay nagdadagat at inaabot ng sakuna. Kapag kanilang natanawan na yaon ay natitiyak nila ang lugar ng San Roque.
Sa kahoy na ito'y nababatbat ng mga himala. May mga taong saksi na nagpapatunay na may gabi sa palibot nito'y masayang-masaya. Ang mga kalantog ng pinggan ay naririnig nila. Ang kanilang paniwala ay may isang enkantadong mayamang tumitira sa kahoy na ito.
Kapag mga gabi na sa lapit ng tubig at sa lapit sa kahoy na ito ay may mga nañgiñgisda na sila ay pinaglalaruan. Naliligaw sila at nakakakita ng kung ano-anong himala.
Isang hindi malilimot ko ay ang isang pangyayari. May isang [unreadable] isang [unreadable] na hindi naman lubhang kalayuan sa kahoy na ito. Ang [unreadable] ay nahukay [not sure, blurred] sa malalim na malalim nguni't hindi [unreadable]. Sa kailaliman ay nagkaroon ng lungga, na kung tayahin ng mga tao ay [unreadable] ay papunta sa mataas na kahoy. May ilang tao na malalakas ang loob na [unreadable] na tuntunin ang [unreadable] nguni't sila ay natakot.
FOLKWAYS
(Mga Pamahiin)
Sa lugar na ito ay mayroon pang isang ugali na hindi pa naaalis. Ito'y ang isang matandang ugali ng paggagayak ng isang bahay. Halimbawa [not sure, blurred] isang paganakan [not sure, blurred] na fiesta [or siesta] sa isang lugar. Pagka-alis ng may-ari ng bahay ang [unreadable] ng mga kapitbahay na natutuwa ay gagayakan ang bahay.
Gagawa ng isang castillo at ilalagay sa tarangkahan ng bahay. [This sentence is unreadable.] Naggagawa rin ng isang altar na sa loob ng bahay dahil sa paniwala nila na ang Birhen nilang sinasambahan ay natutuwa sa ganitong gawain.
Ang isa pa ay magbibitin ng isang tiniban [not sure, blurred] at ang [unreadable] ay maglilitson ang may bahay. Bibitinan din ng mga [unreadable] walang [unreadable] at ang kahulugan [not sure, blurred] ay maghanda ng alak.
Ang may bahay na ginayakan ay maglalaan at naghahanda. Kapag siya ay may kaya sa buhay ay sa arao [araw] na pagsasariwa ay naghahanda ng malaki. Magkakaroon ng dasal, sayawan, at lasiñgan.
[p. 18]
FAVORITE SONGS, GAMES, AND AMUSEMENTS
Pag-ibig
Coro
HARANA
I
Ang mga bituin sa lañgit
O tanglaw ng gabing tahimik
Larawan mo Neneng pagsinta't pag-ibig – Ay –
II
Sa pagka gupiling
At ulinigin mo ang dumaraing
Isinusumpa ko
Kahit matuluyan
Na isang araw at ikaw rin mamahalin.
PANAGHOY
I
Sundan mo ng tiñgin
Bawa't patak nito'y
Perlas na salamining
Nguni't kung iyong pisani't pagtipunin
Ang mababasa mo'y pag-ibig ko Guiliw.
I
[p. 19]
Guiliw na may-ari
Sa puso ko't aking buhay
Ñguni't [unreadable] ko
Bakit ikaw naman
Sa aki'y hindi na
[unreadable] munti man.
[UNREADABLE]
I
Tayo'y sasalida
Sa [unreadable]
Doo'y mararanasan
Hirap ñg ating katawan
Hirap sa gagawin
Hirap sa patuloy
Mahirap-hirapan pa'y
Walang banig at kumot
Ang [unreadable]
Matigas na gulok
[unreadable] pa'y
Kumington* natunog.
TIRIRIT NG MAYA
Tiririt ng ibon
Ibig mag-asawa
Walang ipalaman.
LERON-LERON SINTA
Umakyat sa papaya
Dala-dala'y buslo
Sisidlan ng sinta
Pagdating sa dulo'y
Nabakli ang sañga
Pikit kapalaran
Humanap ng iba.
KANTA
Halos [unreadable] sa lupa.
Hindi po bali Aling Titay katalok*
Sumpinang* pala – buhok laman-tiko*
Tuwing paririto ka, [unreadable] ang iyong
Dinala ang lahat ñg iyong tinda.
[p. 20]
KANTA
Ng Sabado [unreadable] alas siete
Ang buhay ni Pibo
Ako'y nakatanaw ng pag-aararo
Ng isang babaing sa akin ay tuñgo
Nang malapit-lapit na
Payong ay ibinuka
At sa taguiliran ko'y
Namamayang* siya
Pagkataon naman
Bako ako'y nagitla
Sampo kong araro
Ay na hila-hila.
[UNREADABLE TITLE]
PATRIOTIC SONG
[p. 21]
[p. 22]
MGA LARO
[UNREADABLE TITLE]
"[UNREADABLE TITLE"]
(Laro ng mga Pastol)
PAG ADYO SA [UNREADABLE]
(Kung Pista)
Mga Iba Pang Laro:
2. Paroba
3. Pico
4. Agawan sa niog na may sebo
5. Ina-inahan
6. Buga
7. Pitok
8. Kumpa
9. Taguan
HUEGO DE PRENDA
2. Dancing to the audience
3. Pantomiming, etc.
[p. 23]
TRES SIETE
UNGGOYAN
PART I | PART II