MUNICIPALITY OF MAUBAN, QUEZON, Historical Data of Part 4
PART IV
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI | PART VII | PART VIII
[p. 39]
REPORT ON ENRICHMENT OF CURRICULUM
(Report of F. Dejoras)
POPULAR SONGS, GAMES, AND AMUSEMENTS
Songs are the expression of the soul and so with it is the language of the heart. Songs may be expressed in different ways. Songs express sorrow, joy, pity, delight, and abundance. Popular songs are the songs that have been sung by our old folks with which they exchange ideas. Those are the Korido and the Passiong Mahal. Some songs are: 1. The Awitan, songs of the bride and bridegroom during the wedding ceremony. The bride and the bridegroom, with a cup of wine, approaches his or her respective father, mother-in-law, brother, and sister-in-law and relatives with a song or awit with which they ask for dowry or gala or regalo. The gala may be in the form of jewel, utensils, precopis [precious?] things, or money. 2. The National Anthem or the Pambansang Awit. This song is sung during official holidays and flag ceremonies. 3. Songs during baysanan (courtship). 4. Serenading songs. A gentleman serenades a woman during moonlit nights. At this moment, a gentleman expresses his love through singing in the midst of the silent night at the stairs of the house of his loved one. Some of these songs are the Kundiman, Nasaan Ka Irog, Madaling Araw, and Paalam or farewell song. 5. Birthday Song or Sa Iyong Kaarawan at Sa Iyong Pagsilang. Other songs worth mentioning are: Never, Rosalinda, Ang Maya, Paki-usap, Bituing Marikit, Ay Kalisod, Sa Kabukiran, Ang Bahay Kubo, Roses, Silent Night, Joy to the World, Amor Mio, Sorry na Lamang, and Mona Lisa. Ref. See latest Song Hits.
Games and amusements may be considered leisure time activities of an individual, whether young or old folks. Some of these amusements are: 1. Cockfighting. 2. Playing cards as Pakito and Monte. 3. Horse racing or Juego de Anillo. 4. Mitses and Ripa for women. 5. Playing Sungka. 6. Playing the harp. 7. Playing the xylophone. 8. Playing the piano. 9. Reading novels, magazines, and newspapers. 10. Modern amusements as radio broadcasts, radio programs, and community assembly by the puroks in the locality. The different games are: 1. Basketball. 2. Softball. 3. Track and field events.
[p. 40]
30. PUZZLES AND RIDDLES:
Puzzles and riddles are problems of the mind which need deep thinking before they can be solved. Some of these puzzles can be had on pages 167 to 181 [of] How Book of Cubbing, with illustrations. Illustrations cannot be had on this page because they need a wide space. The names of these puzzles are: 1. A Trick Apple Cut. 2. Ding Dong Steady This is a Fine Point. 3. Fooler. 4. The Near-Sighted Art Critic. 5. Spook Specialty. 6. Nimble Fingers. 7. Walking Matches. 8. The Disappearing Knot. 9. Immovable. 10. Magic Knot.
What is a riddle? A riddle is one of the wealth of Tagalog Literature. The customs, thoughts, everyday life and native environment of the Filipinos are pictured by means of riddles. Answering riddles is a native game of the mind common here in the Philippines. There are many riddles which are hard to answer; and correct answers demand quick thinking. Below are a few of the riddles commonly heard in Tagalog regions. The beauty of these riddles is lost in their English translations. These translations are included for the benefit of non-Tagalog regions. See how many of these riddles you can answer without looking at the answers: 1. May ulo, walang tiyan, may liig [leeg], walang baywang. With head, without stomach; with neck, without waist. (bottle) 2. Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta. Happy in the heat, in the cool is withered. (acacia tree). 3. Iisa na ang kinuha, ang natira ay dalawa. Only one still was taken, but still two were left. (tulya or small species of clam). 4. Buto't balat nguni't lumilipad. Bones and skin, but it flies. (kite). 5. Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito. Run here, run there, cannot leave the place where it stands. (cradle) 6. Nang umalis ay lumilipad; nang dumating ay umuusad. Flying when it left, dragging the body when it arrives. (rain) 7. Hayan na, hayan na, hindi mo nakikita. There it is, there it is, you cannot see it. (wind) 8. May liig, bibig at katawan, walang paa at kamay. With neck, mouth, and body, but no feet and no hands. (small bottle) 9. Hinila ko ang yantok, nagdilim ang bundok. I pulled the rattan, the mountain became dark. (when light is to
[p. 41]
31. Proverbs and Sayings:
What are proverbs? Proverbs may be sayings or sentences which give moral lessons worthwhile remembering. Belos is a list of proverbs with English translations:
1. Ang kasipagan ay kapatid ng kayamanan. Industriousness is the brother of wealth.
2. Pag ang tao ay matipid ay maraming maililigpit. If a man is thrifty, much can be saved.
3. Ang maagap ay daig ang masipag. The early bird catches the worm.
4. Bago gawin ang sasabihin ay makailang isipin. Think many times first before doing it.
5. Kung ano ang masama sa iyo, huwag gawin sa kapwa mo. Don't do unto others that which you don't want others to do unto you.
6. Di man magmana ng ari, magmana ng ugali. If wealth can't be inherited, at least character will surely be from his father or mother.
7. Kung pinukol ka ng bato, ang iganti mo'y puto. If stone is thrown at you, throw back at him some bread.
8. Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. To see is to believe.
9. Kapag tinawag na utang, sapilitang babayaran. If it is really credit, it must be paid.
10. Walang binhing masama sa matabang lupa. Good seeds grow on fertile soil.
Idioms (Sawikain) Tagalog is rich in idioms. Idioms are words or expressions commonly used every day. These expressions do not give the direct meaning of each word. They give other meanings. Some of the underline words are idioms in Tagalog with meanings in English in parentheses: [Note to the reader: After stating that translations are in parentheses, the writer forgot to use them.]
[p. 42]
Si Pepe ay kabutu-butong anak ni Aling Maria. The only son of Aling Maria. Isang batang may sinasabi si Pepe. Pepe is a promising boy. Matalas ang ulo. He is intelligent. Hindi siya tulad ng ibang mga batang laman ng lansangan. He does not stay on the streets. Hindi siya tulad ng mga ibang mga batang madalas makakita ng basag-ulo. [Note: the writer forgot to underline the idiom in the original document, and the previous underline is a presumption in this transcription.] (trouble) Siya'y manait at matahimik. Siya ay mahilig sa pag-aaral. Kabilang siya sa mga batang nagsusunog ng kilay. He is among those young people who stay up late at night studying their lessons. Darating ang araw na si Pepe ay pakikinabangan ng kaniyang ina. The time will come when Pepe can give his mother comforts and happiness.
Below is a list of idioms commonly used in Tagalog:
Sawikain
1. Agaw-buhay
10. Gawin ang isda
2. Bahag-hari 3. Balat-sibuyas 4. Basag-ulo 5. Bugtong na anak 6. Bulaklak ng dila 7. Bungang-araw 8. Dapit-hapon 9. Bungang-tulog |
Direct Translation to English
1. snatch life
10. make the fish
2. king's G-string 3. onion skin 4. break head 5. riddle son 6. flower of the tongue 7. fruit sun 8. fetch afternoon 9. fruit of sleep |
Meaning in English
1. between life and death
10. prepare the fish for cooking
2. rainbow 3. thin; fine 4. fight; trouble 5. only child 6. excess of what's to be said 7. prickly heat 8. towards afternoon 9. dream |
Below is a list of sentences with idioms underlined with English translations or meanings:
1. Siya ay haligi ng tahanan. He is the main support of the family.
2. Bakit? Ikaw ay isang hampas-lupa lamang. Why? You are only a vagabond.
3. Si Pedro ay matagal nang walang hanap-buhay. Pedro has had no work for a long time.
4. Nais mo bang maging kabiyak ng dibdib si Adelina? Do you want Adelina to be your wife?
5. Madaling araw na nang dumating ang aking ama. It was already dawn when my father arrived.
6. Kailangan kong magsunog ng kilay upang ako'y makatapos ng karera. I need to study diligently in order to finish my career.
7. Tayo'y kumain na, mahapdi na ang aking sikmura. Let us eat now, I'm already hungry.
8. Mahirap ang mabuhay sa maliwanag nang walang salapi. It is hard to live in this world without money.
[p. 43]
9. Matalas ang ulo ng batang ito. This child is intelligent.
10. Huwag ka agad maniniwala sa isang taong matamis ang dila. Don't immediately believe a person who is a good talker.
32. METHODS OF MEASURING TIME, SPECIAL CALENDARS:
There are many methods that our old folks used in our locality since ancient times to the present: some of them are listed below:
1. By the aid of the eyes of the cat. When the black part of the eyes of the cat is very small, as small as a dot or a period, it is exactly twelve o'clock at noon.
2. By the sound made by the cock at night. The first sound of the cock as it crows, it is ten o'clock at night. The second sound is made at twelve o'clock at midnight. The third sound is made at three o'clock and the fourth is made from four to five o'clock at dawn or early morning.
3. By the position of the star (tala sa gabi) at night. The experienced old folks can tell whether it is twelve o'clock or three o'clock at night.
4. By the sound made by the gecko (tuko).
5. By the waking up of the baby at night under normal conditions.
6. By the position of the shadow. If the front stair playground is almost half-shaded, it is ten o'clock in the morning. Where there is little shadow, it is exactly twelve o'clock at noon.
7. By the pain made in the stomach of an individual. The old folks can tell whether it is time for lunch because his or her stomach aches.
Submitted by:
[SGD.] FORTUNATO T. DEJORAS[p. 44]
Awit sa Paghaharana
Giliw, buksan mo ang bintana
Dungawin ang puso kong lumuluha
Naghihintay pati ang mga tala
Sa iyong pagdungaw, mahinhing diwata,
Dinggin mo Neneng ang kawawa kong buhay
Sa tuwi-tuwi na'y sa iyo sumasamo
Kung di mo nais na ako'y masiphayo
Maawa ka't dulutan mo ng pagsamo
At ang pag-asa ko'y di na maglalaho.
(Tanging Tangi)
Ako ang bulaklak naka sulo-sulo,
Pinakamasitas ang ama't ina ko,
Kung pipitasin mo kung yata ay paano,
Malalanta'y sayang kung pag-iisipan ko.
II
Ako ang bulaklak, pinili sa hardin
Pinakamasitas ng ina kong giliw,
Kung pipitasin mo at papaghirapin,
Supali pa'y bayaan sa inang nag-angkin.
(Paalam)
Nararamdaman ko hirang ang kaawa-awang buhay,
Unti-unting pumapanaw, nawawalan na ng ilaw,
Lumapit kang dahan-dahan, damhin mo ang kalagayan
At bago ako pumanaw ay mamasdan ka man lang.
Lagi kang tinatawag sa laot ng hirap,
Nabibilang ko ang oras ay walang paalam.
Kung mabalitaan mong ako ay namatay,
Idalangin mo sa Diyos, paalam na hirang.
(Bulaklak at Paroparo)
Katulad mo ay paroparo at ako ay bulaklak,
Nasa hardin kay bango-bango ang aliw mo sa pangarap,
Kapag ako ay nilisan mo, talolot ko ay malalanta,
Masasawi ang pag-ibig mo at mabibigo ang pag-asa
Kung ikaw man ay paro-paro at ako ang bulaklak.
Ikaw din ay maghahanap pang maraming halimuyak,
Mamahalin ng sadyang labis kaya't na kung ako'y malanta,
Bulaklak at ikaw naman ang paroparo ng sumisinta.
(Awit sa Paghaharana)
Oh gabing madilim, oras na mapanglaw,
Pakinggan mo Neneng ang taghoy ng buhay,
Nagpupuyat kami at sa iyo'y naglalamay,
Tinig ng kudyapi, siyang umalalay.
II
Muling naisin ko ang sa iyo'y mag-alay,
Nang katutubong tibok ng puso kong sugatan,
Sintang walang katulad, daying walang kapantay,
Ikaw rin at ikaw ang sanhi ng aking buhay.
(Awit sa Baysanan)
Neneng, sino pa kaya sa sangmaliwanag ang di luluha,
Kaya't sa hirap kong magunita nagmamaka-awa,
Lawitan ng awa aro'y naku.
II
Neneng, kung magkagayon awa mo sa akin,
Pakamtan, at ako'y naghahanda naman,
Sa balang kagustuhan, kahit aking ikamatay.
(Awit sa Pamamaalam)
Paalam na Neneng, Di ibig lisanin, Lilisanin kita Kusang hahanapin. Hahanapin kita Kahit na malagim |
Ang kamatayan ko, Sa iyo ang dahil. XXXXX |
[p. 45]
Songs: (Mga Awit)
La Palomo
Giliw, magmula nang kita'y makilala,
Hindi na mapawi sa aking ala-ala,
At nang tayo'y magkahiwalay mutyang sinta,
Luha'y di matuyo sa aking mata,
At kung sa bintana mo'y may dumapong ibon,
Giliw kausapin mo at ako ay yaon.
Nabalik sa iyo't humingi ng lingap,
Sugatan ang puso't ang dibdib ay wasak,
La Palomang mahal, patawarin mo ako ay
Susuyuin kita at mamahalin magpahanggang libing.
Iyo lamang ang puso ko.
(Mga Awit sa Pamamaalam)
Sa patak ng aking luha, nagtitiis ang dalita,
Yamang di ka na naawa, paalam na o diwata.
Paalam na ay paalam, tutunguin ko'y libingan,
At doon mo makikita ang bangkay kong naulila.
Kung ako man ay patay sa libingan ko,
Ay dumalaw ka at doon mo makikita
Ang bangkay kong naulila.
Paalam na o paalam, sa libing ko'y dumalaw ka,
At doon mo makikita ang bangkay kong naulila.
(Awit sa Paghaharana)
Tapo-tapo tapo may bahay na bato,
Buksan ang bintana at tayo'y magpandango.
Kung walang gitara'y kahit na bilao.
Makita ko laang ang dalaga ninyo,
Nagpasok sa kuwarto, ang dinadahilan
Masakit ang ulo.
Agad nagpakaon ng dalawang mediko,
Pinagtig-isahan ang dalawang pulso,
Sagot ng mediko, walang sakit ito,
Taksil na binata, nag-akyat sa ulo.
(Mga Awit sa mga Kaibigan)
Halina aking giliw, ako'y may ngiti,
Ako ay ganyan din sapagka't puso ko ay puso mo'y,
Iisang damdaming sinusumpa kong di ka lilimutin,
Magpapaganang libinga'y iwan, aywan ko lamang,
Sa iyo kung magtataksil ka sa ating sumpaan,
Ay halina giliw at ating limutin sumpa ko't sumpa mo,
Walang pagmamaliw.
Awit ng Kundiman
Magkanta'y malayo sda aki'y di bagay,
Dala ng bata pang aking tinataglay,
Sintunadong boses, mahalay pakinggan,
May tood ang letrang di pa mawatasan.
Lalong di nangyari ng kayo'y suwayin,
Pagka't di ko nasa ang kayo'y hiyain,
Mangyayari na nga't sa inyo ang dahil.
(Awit sa Paghaharana)
Isang gabing sakdal lamig sa inyong tahanan,
Gitara'y tinugtog nang kami'y dumalaw,
At ang Rosario na laging siya kong dinarasal,
Sumasaliw sa pag-ibig ang hanging mapanglaw.
[p. 46]
Songs: (Mga Awit)
Kung Ako'y Mag-aasawa
Tayo na't magpasyal sa gitna ng kabukiran,
Mamitas sa halamanan ng bayabas at dalandan,
Tayo na't tumikim masasarap na pagkain,
Yaon daw ay balimbing, anong lutong kagatin.
Tayo na't umakyat sa puno ng bayabas,
Tayo na't mamitas pagka't siyang nararapat,
Ano kayang pipitasin - manibalang o hinog din?
Lalo na kung sawsaw sa asin, anong sarap kung kainin.
Kung ako'y mag-aasawa, pipiliin ko'y tahimik,
Ayaw ko sa paralumang salawahan kung umibig,
Nais ko'y sariling tunay ang pag-ibig at buhay,
Ating pagsasaluhan, ligaya't kalungkutan, magpahanggang libingan.
(Awit ng Pag-ibig)
Lungkot nga anong saya ng sayaman,
Nagkasundong puso'y biglang naghiwalay,
Ang bilin ko lamang sa maiiwan,
Kaunting sulyap mo ako'y pabaunan.
Kung danga't malayo ang inyo sa amin,
Magpapagawa ako, eroplanong papel,
Malawak-lawak mang dagat na tatawirin
Sa paroo't parito, nagdadala'y hangin.
(Kundiman)
Di baga't marami, sampaga sa bundok,
At namamaupi sa tabi ng bakod,
Di ako nakitil, di ako nadampot,
Inaala-ala ko'y ganda ninyong loob.
Ang kagandahang loob ay siya rin lamang,
Itanim sa puso, paris ng halaman,
Pagsusuyo natin, ay huwag kalimutan.
(Kundiman)
Isang gabi, sa pagtulog, nanaginip sa kandungan mo,
Neneng, puso ko ay naidlip, isang saglit hindi kita masilip,
Puso ko'y binigyang dusa sa pag-ibig.
Tapos na, tapos na, liwayway na masaya,
Panlaw yaring panlaw, puso't ala-ala,
Salaming malinaw, dusa sa pagsinta,
Gabi ay lumalalim, kami ay paalamin.
(Sa Pagka-upo Mo)
Sa pagka-upo mo'y tingin ko ay birhen,
Lantik ng kilay mo'y bahaghari man din,
Kung abutin ng isa mong tingin,
Hindi matutong bumalik sa amin.
Ang gusto ko sana'y sa tala't bituin,
Bumaba sa lupa, dalaga'y bakurin,
Dalaga't binata'y pagtipun-tipunin,
Si ali pong Huan ay siyang pakantahin.
[p. 47]
Songs: (Mga Awit)
Awit sa Baisanan
Dito po sa inyo'y maraming dumaraying
Bulaklak at buko saka paro-paro
Kung kaya dumulog ng dahil sa inyo
Dahil sa samyo ng bango't bulaklak at buko.
Layo at lagay ko'y aking naalaman,
Kami ang pipitas kung pahihintulutan.
(Awit sa Paghaharana)
Iniwan Mo Ako Hirang
Iniwan mo ako hirang sa hirap at kalungkutan
Ang puso kong halos madurog sa balong mapanglaw
Tinalikdang hindi ko akalain, pag-ibit mo'y di taimtim,
At ang mga sumpa mo giliw, may lihim kang pagtataksil
Ngayon tapos na ang iyong nasa, iniwan mo sa pagluha,
Nguni't matitiis mo pa rin ako sa hirap at karalitaan
Hindi ako umaasa na magbabalik ka sinta,
Nguni't habang ako'y may buhay, hihintayin pa rin kita.
(Narito na Kami)
Narito na kami, bagong kararating,
Ang may dusa ang pusong sa malayo galing,
Tinatawagan ka kusang dumaraying,
Hirap ma'y hindi na makayang tiisin.
Maraming bulaklak ang napagpilian,
Suyuin ka Neneng, suyuin ka Neneng,
Sa puso'y matanim.
{Sa Iyong Paghimlay)
Sa iyong paghimlay sa katahimikan,
Sandali mong dinggin, samo ko'y pakinggan,
Puso ko'y nadaing sa iyong kariktan,
Tapat ang pag-ibig ko, Paraluman.
Sa kislap ng tala, irog iyong sinagin,
Pag-ibig ko'y taos sa panimdim,
Pakaasahan mong hindi magmamaliw,
Wagas ang pag-ibig ko hanggang libing.
(Lambingan)
Sa piling mo sinta ko,
Mapapawi ang lungkot,
Mapapawi, mapaparam ang lahat ng himotok,
Sa suyong matimyas, napapawi ang lumbay,
At patuloy ang sarap ng matamis na lambingan.
Kung tayo'y nagsasayaw,
Magkayakap sa galak
Ang langit ng bagong buhay ay maliwanag,
Sa tuwi kong mahagkan, ang pisngi mong mabango,
Ay tuluyang mapapawi ang hirap ko.
Halina aking sinta, ako'y mahalin mo na,
At mangyaring ako'y iyong kaawaan,
Sa suyuang matimyas, napapawi ang lumbay,
At patuloy ang sarap ng matimyas na lambingan.
[p. 48]
(Mga Bugtong)
2. Alin dito sa mundo ang bibig ay but-o? (manok)
3. Pag malayo ay bata, pag malapit ay matanda. (unano)
4. Mag-anak ang isang kabayanan, walang lalaki isa man. (palay)
5. Ako'y nagtanim ng dayap sa gitna ng dagat, maraming humahanap, iisa ang nagkapalad. (pag-ibig)
6. Kung gabi ay karagatan, kung araw ay kabungbungan. (banig)
7. Ini-utos ko'y toyo, bantunin ko'y tutulo-tulo. (tabo)
8. Ako'y ibinili ng hindi ko gusto, ginamit ko naman ay hindi ko alam. (kabaong)
9. Pag munti'y paroparo, pag laki'y pabilo. (ayap)
11. Tanawin ko'y buhay, lapitan ko'y patay. (umang)
12. Dalawang balong itim, malayo ang nararating. (mata)
13. Malaon nang nakabaon, nakaharap pa hangga ngayon. (haligi)
14. Tubo ko sa punso, walang kabuko-buko. (buhok)
15. Lima kapunong niyog, iisa ang malayog. (daliri)
16. Panyo kong puting-puti, kung bukahin ko'y nakaka-usap. (sulat)
17. Nalakad na ang bangka, ang piloto ay nakahiga. (patay)
18. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako. (langka)
19. Pitak-pitak, silid-silid, butas ma'y di masilip. (kawayan)
20. Wala sa langit, wala sa lupa, ang dahon ay sariwa. (dapo)
21. Puno't bahi, daho'y nagari. (buli)
22. Dalawang tubigan, libot ng baliwasnan. (mata)
23. Narito na sila, hindi mo pa makita. (hangin)
24. Malayo pa ang sibat, nakanganga na ang sugat. (kaluban ng itak)
25. Isang bayabas, pito ang butas. (ulo)
26. Nagmula ako nang dala sa gayaran ko inuna. (bubong)
27. Pinalo ko at sinikaran, siya ko pang pinagkatiwalaan. (pasak)
28. Puno'y tao, gitna'y kawayan, dulo'y bakal. (tikin)
29. Maliit pa si kumpari, naka-akyat na sa lature. (langgam)
30. Apat na tao, iisa ang sombrero. (bahay)
31. Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo. (pusa)
32. Nasa tiyan pa ng ina, may sitro at korona. (katmon)
33. Munting bahay-bahayan, kinababaklahan. (kumpisalan)
34. Makita ng hari, pag nabuksan ay hindi na mapauli. (tapalang)
35. Dumaan ang uwak, nabuhal [nabuwal?] tayong lahat. (gabi)
36. Ibabaw ay araduhan, ilalim ay batuhan. (kakao)
37. May ngipin walang labi, may paa walang daliri. (kayuran)
38. Isang bahay ng mayaman, pinasok ng magnanakaw, kinuha ang kayamanan, walang nakibo sa lagay. (aklat)
39. Halaman ng Diyos, naikli'y natalbos. (kandila)
40. Hindi hari, hindi pari, nagdadamit ng sari-sari. (sampayan)
41. Nagtago si Pedro, labas pa ang ulo. (pako)
42. Umitlog ang tagak si silyadong pilak, umitlog ang pugo sa silyadong ginto. (araw at buwan)
43. Puno'y bumbong, daho'y pilas, bunga'y gatang, lama'y bigas. (papaya)
44. Makaupo si Maitim, sinusulot ni Mapula. (kaldero)
45. Walang puwit, walang bibig, ang kai'y pinipig. (lara)
46. Luma'y nababakas, bago'y di mabakas. (taling uway sa haligi)
[p. 49]
(Mga Salawikain)
2. Ang taong mapanaghili, lumigaya man ay sawi.
3. Ang marunong magpakasakit ay siyang umaakyat sa Langit.
4. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
5. Madaling tuwirin ang kawayan kung bata pa at di magulang.
6. Ang lumakad ng marahan, kung matinik ay mababaw.
7. Pag maaga ang lusong, maaga rin ang ahon.
8. Pag di ukol ay di bubukol.
9. Daig ng maagap ang isang masipag.
11. Magsisi ka man at huli, ay wala nang mangyayari
12. Madali ang maging tao, mahirap ang magpakatao.
13. Ang taong walang pilak ay parang ibong walang pakpak.
14. Lumalakad ang kalubasan, naiiwan ang bunga.
15. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang.
16. Huwag papasok sa bakuran at nang huwag masakupan.
17. Ang kinapatak-patak ng dakilang ulan, matigas mang bato ay matatangusan.
18. Marami man ang sampaga, iba naman ang tama sa mata.
19. Ang dalagang pangit, parang bahay na walang hagdan.
20. Pagkapula-pula ng saga, maitim ang kabila.
21. Ang walang sinuksuk ay walang titingalain.
22. Magpakahaba-haba ang prosession, sa simbahan din ang urong.
23. Kung di ka madaan sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong paspasan.
24. Ang gawang masama ay hindi lalawig ang buhay sa ibabaw ng mundo.
25. Huwag mong gawin sa iyong kapuwa ang ano mang bagay na di mo nais na gawin sa iyo.
26. Ang taong maimbot sa di kanyang yaman, malao't madali'y magbabayad ng utang.
27. Ang usapin sa pagbibigay, madaling malunasan, ang suliranin ng budhi ay mahirap malimutan.
28. Habang ibig na malimit ang dalisay na paggiliw, lalo lamang namamahay sa puso at damdamin.
29. Paglagasgas ay babaw, pag hinhin ay lalim.
30. Kung buhay ang naging utang, daan namang katuwira'y buhay rin naman ang kabayaran.
31. Kung anong taas ng pagkadakila ay siyang lakas ng lagpak sa lupa.
32. Di man magsabi at magbadya, sa gawa nakikilala.
33. Ang panalo'y samantalahin, pagka't ginto ang kahambing.
34. Walang masamang letra sa marunong bumasa.
35. Ang taong gipit, sa patalim ay kakapit.
36. Kilala sa labong ang magiging bumbong.
37. Ang masipag na tunto ay daig ang alisagang tuso.
38. Bahay mo ma'y ginto, ang laman ay kuwago, buti ang kubo na ang laman ay tao.
39. Kung maliligo ka'y aagap at nang huwag abutin ng tabsing sa dagat.
40. Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait na sarili.
41. Ang taong masalita ay kulang sa gawa.
42. Ang tao, hanggang mayaman, ay marami ang kaibigan.
43. Kung ano ang bukang-bibig ay laman ng dibdib.
44. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
45. Ang ibong nagtampo sa kasuyong ibon, muling magbabalik pagdating ng hapon.
46. Ang magtiis ng dalita, sa ligaya'y sasagana.
47. Ang maghasik ng hangin, bagyo ang aanihin.
48. Ang taong matulungin, sama't galing ang nararating.
49. Kung sino ang tulak ng bibig, siyang kabig ng dibdib.
50. Kung ano unsa ay siyang gawa.
51. Walang masamang sabi sa marunong umintindi.
52. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa.
53. Magpakatuso-tuso man ang matsin, napaglalangan din.
54. Walang mataas na bakod sa taong natatakot.
55. Aanhin pa ang gamot kung ang gagamutin ay matagal nang lagot.
56. Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng buong katawan.
57. Ang umilag ay di karuwagang tikis.
58. Ang umilag sa panganib ay di karuwagang tikis.
59. Kung walang katahimikan ay walang pagsulong ang bayan.
60. Lahat ay magagawa ng taong matiyaga.
[p. 50]
IMPORTANT FACTS, INCIDENTS OR EVENTS THAT TOOK PLACE
IN THE MUNICIPALITY OF MAUBAN
A: - During the Spanish Time
B: - During the American Occupation
To World War II
C: - During and After World War II
- By -
ISABELO L. IMPRESO
Mauban Elementary School
Mauban, Quezon
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI | PART VII | PART VIII