MUNICIPALITY OF ALAMINOS (LAGUNA), Historical Data of Part I
PART I
PART I | PART II
[Note to the reader: Confidence in the translation of some parts of this document is low due to the poor quality of the original scans on file at the National Library of the Philippines Digital Collections. Any question mark within the transcription enclosed within brackets [?] signifies that the original word in the scan was not very legible and that the transcription is no more than an intelligent guess based on context.]
[p. 1]
Ang Bayan ng Alaminos
Ang bayan ng Alaminos, sang-ayon sa kasaysayan, ay dating isang munting pook na maraming kawayan. Tinatawag ito noong "Trenchera," sapagka't naliligid ng mga tinik at mga siit ng kawayan. Ang pook na ito ay bahagi noon ng lungsod ng San Pablo.
Sa kinalilipas ng panahon, unti-unting dumami ang tao sa pamayanan ng Trenchera mula sa iba't ibang dako. Nang dumating ang mga Kastila, pormal na silang nagtatag ng kanilang pamunuan, ang pinakapuno ay tinatawag nila KABISA. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng munting nayon, ipinasiya ng mga mamamayan ng hilinging magkaroon sila ng ganap na pagsasarili.
Masidhi ang paghahangad nga mga taga-Trenchera na maging bayan ang kanilang nayon. Isang araw ay napadako sa Trenchera ang isang Heneral na Kastila, si Hen. Joaquin Y. Alaminos. Naglalakbay noon ang heneral sa dakong katimugan nang maparaan sa Trenchera. Inanyayahan siya ng mga taga-roon at hinandugan ng sari-saring alaala. Sa pagkakataong yaon ay nakausap ng heneral ang anak na dalaga ni Kabisang Cirilo Baylon, si Bb. Gloria Baylon, na nagkataong marunong ng wikang Kastila. Sa kanilang pag-uusap, nabanggit ni Gloria ang hangarin ng kanilang mga kanayon na magkaroon ng pagsasarili ang Trenchera. Hiniling nila sa heneral na lakarin sa Maynila na mapagtibay ang kanilang kahilingan. Nangako naman si Heneral Alaminos.
Sa pagbabalik sa Maynila ng buhitihing heneral ay una niyang idinulog sa kaalaman ng Gobernador Heneral ang masidhing hiling ng mga taga-Trenchera na magkaroon ng pagsasarili. Ang kahilingan ay pinagtibay ng Gobernador Heneral, kaya't nang magbalik si Heneral Alaminos sa Trenchera ay ipinagbunyi siya ng mga naninirahan doon.
[p. 2]
Nagkaroon ng malaking pagdiriwang ang lahat. At bilang pagtanaw ng utang na loob sa lalaking nagsikap tumulong sa ikatutupad ng kanilang hangarin, ang pangalang TRENCHERA ay pinalitan nila ng pangalang ALAMINOS.
Sinimulan noon ang pagpapaunlad ng bagong bayan. Sa tulong na rin ng mga taong-bayan, nakapagpagawa sila ng paaralan, pamilihang bayan, at simbahan.
Ang bayan ng Alaminos ay kapatagang naliligid ng mababang burol at bundok. Angkop na angkop ang lupa nito sa mga pananim tulad ng niyog, palay, mais, lanzones, at sari-saring gulay. Marami rin ditong ilog na sagana sa masasarap na isda.
Masisipag sa paghahayupan at paghahalaman ang mga taga-Alaminos. Gayon din naman sa mga gawaing pantahanan na nakadaragdag sa kanilang kinikita sa araw-araw.
Sa pagsusumikap ng mga namumuno sa bayan ay unti-unting umuunlad ang Alaminos. Dahil sa pag-unlad ng mga daan, ang mga taga-nayon ay hindi na ngayon nahihirapan sa pagdadala sa kabayanan ng kanilang mga inaani sa bukid, tulad ng palay, mais, niyog, at mga bungangkahoy.
Mababait ang mga mamamayan dito at may taimtim na pag-ibig sa Diyos. Niyakap nila nang buong-puso ang relihiyon na ipinunla ng mga Kastila. Nguni't hindi pa rin naaalis ang mga pamahiin at ang mga kasabihang pamana ng kanilang mga ninuno.
Ipinaaayos din ng mga namumuno sa bayan ang mga lumang gusali ng pamahalaan. May ibinabalak ding itayong pagamutang pangkagipitan (emergency hospital). Ang nakalaang halaga ng pagawaing ito'y umaabot sa ₱285,000.00 na itinatadhana ng Batas Republika Blg. 4854 at 5187. May nakahanda na ring balangkas para sa parko na siyang magbibigay kagandahan sa bayan at aliw sa mga kabataan at mamamayan. Sinisikap ding magpagawa ng malalim na balong mapag-
[p. 3]
kukunan ng malinis na tubig ng mga mamamayan. Sa mga kanayunan naman ay patuloy ang pagpapagawa ng mga padaluyang tubig; nagsasagawa rin ng mga gusaling pampaaralan upang ang mga batang mag-aaral sa nayon ay huwag nang mahirapan sa pagyayaot dito sa bayan.
Sa Alaminos sa kasalukuyan ay nabibilang sa ika-3 uri ng bayan ng Laguna (3rd class municipality). Sa nakalipas na taong piskal, ang kita ng bayang ito ay umaabot sa ₱214,842.10. Ang kitang ito'y nanggagaling sa iba't ibang uri ng mga buwis na ibinabayad ng may humigit-kumulang na 16,951 mamamayan ng Alaminos.
Ang may 5,469 ektaryang lupaing nasasaklaw ng bayan ng Alaminos ay nahahati sa labindalawang nayon, gaya ng sumusunod:
1. Del Carmen (Kast.)
2. Palma (Kast.) palma L. palma [unsure, blurred] (apelyido ng isang pamilya sa Laguna). Hal. palapa
3. San Agustin (Kast.) Church father; Bishop of Hippo 396-430.
4. San Andres (Kast.) San Andres
5. San Benito (Kast.) San Benito
6. San Gregorio (Kast.) Pope Gregory 590-604
7. San Ildefonso (Kast.) San Ildefonso
8. San Juan (Kast.) San Juan
9. San Miguel (Kast.) San Miguel
10. San Roque (Kast.) San Roque
11. Sta. Rosa (Kast.)Sta. Rosa
12. San Pedro (Kast.) St. Peter, the first Pope
------------------------------
[p. 4]
ANG MGA ALAMAT NG BAYAN NG ALAMINOS, LAGUNA
Ang bayan nga Alaminos, sang-ayon sa impormasyon, ay dating isang munting pook na maraming kawayan. Tinatawag ito noong "Trenchera," sapagka't naliligidan ng mga tinik at mga siit ng kawayan. Ang pook na ito'y bahagi pa ng lungson ngayon ng San Pablo.
Sa kinalilipas ng panahon, unti-unting dumami ang tao sa pamayanan ng Trenchera mula sa iba't ibang dako. Nang dumating ang mga Kastila, pormal na silang nagtatag ng kanilang pamunuan, ang pinakapuno ay tinatawag nilang KABISA. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng munting nayon, ipinasiya ng mga mamamayan na hilinging magkaroon sila ng ganap na pagsasarili.
Masidhi ang paghahangad ng mga taga-Trenchera na maging bayan ang kanilang nayon. Isang araw napadako sa Trenchera ang isang heneral na Kastila, si Heneral Joaquin Y. Alaminos. Naglalakbay noon ang heneral [unreadable] katimugan maparoon sa Trenchera. Inanyayahan siya ng mga taga-roon at hinandugan ng sari-saring alaala. Sa pagkakataong yaon ay nakausap ng heneral ang anak na dalaga ni [unreadable] Cirilo Baylon, si Bb. Gloria Baylon, na nagkataong [unreadable] ng wikang Kastila. Sa kanilang pag-uusap, nabanggit ni Gloria na hangarin ng kanilang mga kanayon na magkaroon ng pagsasarili ang Trenchera. Hiniling nila sa heneral na lakarin sa Maynila at mapagtibay ang kanilang kahilingan. Nangako naman si Heneral Alaminos.
Sa pagbabalik sa Maynila ng [unreadable] ay una niyang idinulog sa kaalaman ng Gobernador Heneral ang masidhing hiling ng mga taga-Trenchera [unreadable] pagsasarili. Ang kahilingan ay pinagtibay ng Gobernador Heneral kaya't nang magbalik si Heneral Alaminos sa Trenchera ay ipinagbunyi siya ng mga naninirahan doon.
Nagkaroon ng malaking pagdiriwang ang [unreadable]. At bilang pagtanaw ng utang na loob sa lalaking nagsumikap tumulong sa ikatutupad ng kanilang hangarin, ang pangalang Trenchera ay pinalitan nila ng pangalang ALAMINOS.
Sinimulan noon ang pagpapaunlad ng bagong bayan. Sa tulong na rin ng mga taong-bayan, nakapagpagawa sila ng paaralan, pamilihan, at simbahan.
Ang bayan ng Alaminos ay nasa kapatagang naliligid ng mabababang burol at bundok. Angkop na angkop ang lupa nito sa mga pananim na tulad ng niyog, palay, mais, lanzones, at sari-saring gulay. Marami rin ditong ilog na sagana sa masasarap na isda.
Masisipag sa paghahayupan at paghahalaman ang mga taga-Alaminos. Gayon din naman sa mga gawaing pantahanan na nakadaragdag sa kanilang kinikita sa araw-araw.
Sa pagsusumikap ng mga namumuno sa bayan ay unti-unting umuunlad ang Alaminos. Dahil sa pag-unlad ng mga daan, ang mga taga-nayon ay hindi na ngayon nahihirapan sa pagdadala sa kabayanan ng kanilang mga inaani sa bukid, tulad ng palay, mais, niyog, at mga bungangkahoy.
Mababait ang mga mamamayan dito at may taimtim na pag-ibig sa Diyos. Niyakap nila nang buong-puso ang relihiyon na ipinunla ng mga Kastila. Nguni't hindi pa rin naaalis ang mga pamahiin at ang mga kasabihang pamana ng kanilang mga ninuno.
[p. 5]
Ipinaayos din ng mga namumuno sa bayan ang mga lumang gusali ng pamahalaan. May binabalak ding itayong Pagamutang Pangkagipitan (Emergency Hospital). Ang nakalaang halaga sa pagawaing ito'y umaabot sa ₱285,000.00 na itinatadhana ng Batas Republika Blg. 4854 at 5187. May nakahanda na ring balangkas para na siyang magbibigay kagandahan sa bayan at aliw sa mga kabataan at mamamayan. Sinisikap ding magpagawa ng malalim na balong mapagkukunan ng malinis na tubig ng mga mamamayan. Sa mga kanayunan naman ay patuloy naman ang pagpapagawa ng mga padaluyang tubig; magsasagawa rin ng mga gusaling pampaaralan upang ang mga batang nag-aaral sa nayon ay huwag nang mahirapan sa pagyayaot dito sa bayan.
Sa Alaminos sa kasalukuyan ay nabibilang sa ika-3 uri ng bayan ng Laguna (3rd class municipality). Sa nakalipas na taong piskal, ang kita ng bayang ito ay umaabot sa ₱214,842.10. Ang kitang ito'y nanggagaling sa iba't ibang uri ng mga buwis na ibinabayad ng may humigit-kumulang na 16,951 mamamayan ng Alaminos.
Ang may 5,469 ektaryang lupaing nasasaklaw ng bayan ng Alaminos ay nahahati sa labindalawang nayon, gaya ng sumusunod:
2. Palma (Kast.) palma l. palma (apelyido ng isang pamilya sa Laguna)
3. San Agustin (Kast.) Church father; Bishop of Hippo 396-430
4. San Andres (Kast.) San Andres
5. San Benito (Kast.) San Benito
6. San Gregorio (Kast.) Pope Gregory 590-604
Hinango sa mga tala ng munisipyo ng Alaminos.
8. San Juan (Kast.) San Juan
9. San Miguel (Kast.) San Miguel
10. San Roque (Kast.) San Roque
11. Sta. Rosa (Kast.) Sta. Rosa
[p. 6]
KUWENTONG NAYON
SAN ANDRES, ALAMINOS, LAGUNA
Noong unang panahon, wala pang pangalan ang nayon ng San Andres. Wala pa rin ditong naninirahan kundi ang mag-asawang Sidora at Arcadio na may ilang anak. Isang gabi, itong si Ka Arcadio'y nanaginip na may lumapit sa kanya na isang matanda na mahaba ang buhok pati ang balbas at para itong ermitanyo. Ang sabi sa kanya nitong matandang ito, siya raw ay pumunta sa nayon [unreadable] na araw ng pista. Pag-uwi raw nila'y ang matandang ito'y kanilang [unreadable].
Nang dumating ang pistang [unreadable] Arcadio at Sidora'y nagpunta nga. Nung sila'y nakarating sa [unreadable] ay nakakita sila ng gawaan ng limog [?] at kanilang itinanong kung magkano ang limog. Ang sabi sa kanila ng pinagtanungan ay sitenta'y singko sentimos ang halaga at sila'y naglimog. Ito'y binuhat ni Ka Arcadio nang sila'y dumating sa kanilang bahay, kanilang inilagay ang Poon. Sa liit ng kanilang bahay ay sukdol ang ulo ng Poon. Nakita ito ni Ka Arcadio at sinabi nitong kung ako namanay tinutulungan mo'y ipapagawa kita ng munting bahay.
Kinagabihan, si Ka Aracadio'y nanaginip na ang sabi sa kanya nitong Poong ito na si San Andres, siya raw ay tumawag ng "meeting" sa mga tao upang itong patron na ito'y magkabahay.
Isang gabi, si Ka Arcadio ay nagnunubena para sa darating ng pista ng nayon. Sila'y tumingala at nakita nila na ang Poon ay wala sa kinalalagyan nito.
Nang sumunod na gabi, napangarap uli itong Poong ito ni Mang Arcadio na ang sabi sa kanya'y siya'y ninakaw ng isang tao. Siya'y inilagay sa isang tuong [?] na tinakluban ng mga bao, dayami, at mga kumpay na pakain sa mga hayop. Itong Poong ito'y nakita sa balisbisan ng isang bahay sa may tabi ng [unreadable] at ito'y nakita pagkatapos. Itong Poon ay kinuha inilagay na sa kanyang kinalalagyan.
[Unreadable] isang gabi, nanaginip [unreadable] Ka Arcadio na ang kausap daw niya'y [unreadable] sinabi sa kanya'y ang ipangalan daw sa nayong ito'y San Andres. Ito ang nayon ng San Andres.
[p. 7]
[Note to the reader: Confidence in the transcription of the following page is very low due to the extremely poor quality of the scanned page on file at the National Library of the Philippines Digital Collections.]
KUWENTONG NAYON
MGA KUWENTONG BAYAN NG NAYON NG PALITA (SAN BENITO)
I. Isang panahon noon ng panahon ng Kastila ay may isang tulisan na balitang-balita'y naglalagi sa isang sulok ng nayon Palita o San Benito. Dahil sa lagim na ihinahasik niya sa pook na ito at mga karugtong na pook ay kumalat ang balita sa malalayong pook.
Nakarating sa [unreadable] ng mga Guardia Civil ang tungkol sa kanya, kaya isang araw ay [unreadable] nila ang pook na pinaglalagian ng nasabing tulisan. Isang taong nagsisibak ng kahoy ang kanilang napagtanungan. Nguni't hindi maunawaan ng tao kung ano ang itinatanong ng mga Guardia Civil [unreadable] na lamang niya na marahil ay tungkol sa tulisan ang gustong malaman ng mga kawal batay sa kanilang senyas. Sinabi niya na, "Ah, nakaabot din ba sa inyo ang balita?" Dahil hindi rin naman nauunawaan ng mga Guardia Civil ang kasagutan ng tao, akala nila'y Balita ang pangalan ng pook. Nagkaririnigan na sila at sa halip na balita ang akala nila'y Palita. Kaya't [unreadable] nila Palita-Palita, simula noon naging Palita ang tawag sa pook na [unreadable]
II. Nang tayo'y nasakupan ng mga Kastila, ang mga ito'y naglibot nang naglibot upang [unreadable] ng kanilang nasakupan.
Sa pook na iyan ay Palita (San Benito) ay [unreadable] maybahay na ang hanapbuhay ay pagluto at pagtitinda palitaw noong panahong nasasakop tayo ng mga Kastila.
Isang araw ay nakarating sa pook na ito ang ilang Guardia Civil. Lumapit sila sa mga babaing nagluluto ng palitaw at itinanong kung anong pook iyon. Akala ng mga babae ay ang itinatanong ay kung ano ang niluluto kaya sinagot nila na palitaw. At ang akala ng mga Guardia Civil na ang [unreadable] ng mga babae sa kanilang tanong ay [unreadable] "[more unreadable] palitaw." Sa mga daraan na mga araw ang palitaw ay naging Palita.
[This last paragraph is so unreadable it is not worth transcribing.]
[p. 8]
KUWENTONG NAYON
KASAYSAYAN AT KABIHASNAN NG NAYON
NG SAN GREGORIO, ALAMINOS, LAGUNA
San Gregorio ang kinikilalang pangalan ng nayon ng Talaga. Ang pangalang ito'y siyang napagkaisahan ng mga taong nayon na pangalan upang kilalanin at iparangal ang yumaong "teniente del barangay" na si Gregorio de Leon [unsure: Leon, blurred, can be Luna], na siyang pinakahuli at pinakamahabang panahon sa panunungkulan sa nayon.
Talaga ang tanyag na tawag sa nayon. Ang pangalang Talaga ay nagsimula nang ang isa sa mga nangungunang magbubukid na si Agustin Javier, pinalitang de Leon ang apelyido ayon sa kapahintulutan ng Pamahalaang Kastila ng taong 1894, at ng kanyang asawa na si Tranquilina Alvarez, ay gumawa ng isang bahay kubo sa tabi ng kanilang [unreadable] na nasa kasalukuyang paaralang ngayon. Sa dakong silangan ng kanilang tahanan ay humukay sila ng balon sa tayo ng gripo artesiano sa nayon, [unreadable] kadluan ng gamiting tubig dahil may kalayuan ang batis ng ilog. Kalimitan, pag ang nagsasakang nagbubuhat sa sukol [?] na tinawawag na San Miguel, ay tinatanong kung saan sila patungo, ang kalimitang sagot ay "Doon sa Talaga!" Buhat noon ay Talaga ang tawag sa pook na yaon. Ang mga kabalantay ng nasasakupang lupang Talaga ay ang mga sumusunod. Sa hilaga ay Santa Rosa, burol ng Hanghang [?}, at San Roque. Sa silang ay San Roque, sa timog ay San Bartolome, Santiago, at San Martin, na nayon ng Lungsod ng San Pablo, at sa kanluran ay Santa Rosa at Lungsod ng Lipa.
Natuklasan ang pook na ito nang ang ilang [unreadable] na taga Bukol [?] ay gumawing puntang timog ay natagpuan nila ang isang gubat na patag ang lupa ay mayabo. Buhat noon ay sila'y utay-utay na [unreadable] ng gubat at nagtanim ng palay. Hindi nagtagal at dahil sa kagandahang [unreadable] at naglalakihang kahoy na maaaring isangkap sa buhay ay tiniyak nilang sila'y manirahan ng panatag, at nang taong 1865 ay nagtatag ng Barangay de Talaga. Ang unang mga angkan ng unang nanirahan sa pook na yaon ay ay ang mga samahan nina Teodorico Malabanan, Josefa Manalo, Agustin de Mesa, [unreadable] Manalo, Antonio Belen, at Martin Averion.
Ang kaunaunahang teniente del barangay sa Talaga ay si Teodorico Malabanan. Ang mga sumunod na nanungkulan ay Josefa Manalo, Damaso Manalo, Francisco Manalo, Teodoro Manalo, Evaristo Malabanan, Isidro Avenido, [unreadable], Hernando Sahagun, at ang pinakahuli ay si Gregorio de Mesa na anak ni Agustin de Mesa. Sa loob ng kanyang panunungkulan, nagbukas ang kalakalan ng laman ng sa Bay, isang nayon sa lalawigan ng Laguna. Dinanas ng mga nangangalakal ang malaking panganib sa daan na likha ng nanghaharang, lalong-lalo na sa Balayhangin [or Salayhangin, blurred]. Ang pumutol sa panunungkulan niya ay nang dumating ang mga Amerikano. Siya ay nakunan ng mga papeles at naparatangang puno ng [unreadable]. Nang taong 1901 ay siya ay nabilanggo sa bayan ng [unreadable]. Napatapon at namatay sa pulo ng [rest of this sentece unreadable].
Ang barangay ng Talaga ay natawag na baryo ng dumating ang mga Amerikano. Ang mga papeles ng mga "Insurrectos" na nakuha kay Gregorio de Mesa noong 1900 ay siyang naging [unreadable] ng unang pagkasunog sa nayon ng mga puting Amerikano. Ang ikalawang sunog ay naganap noong 1901, nang matagpuan ng mga Amerikanong Negro ang mga kasangkapan ginamit sa [unreadable] ni Perfecto de Mesa [?]. Naging matahimik ang nayon matapos mamatay at
[p. 9]
papagdusahin ng mga Amerikano ang mga tulisan sa bilangguan na samahan nina Flores. Taon-taon ay nakakapagdaos ng pista ang nayon ng may banda ng musiko at may comedia na ang nagsisiganap ay pawang mga taga roon sa nayon.
Ang ikinabubuhay ng mga tao ay palay at laman ng lumbang na ipinagbibili nila sa Bay. Noong 1905 ay pinutol ang mga natirang lumbang at ang ipinalit ay niyog. Nagkaroon ng mataas na halaga ang kalibkib at utay-utay na nakalimutan ang pagtatanim ng palay at ibang gulayin at halos sa kalibkib na lamang umaasa ng ikinabubuhay. Dumating ang malakas na bagyo noong Nobiembre 1926, nagkaroon ng "leaf [unreadable]" at nang kinasundang taon ay bigla na lamang bumaba ang halaga ng kalibkib na masyadong dinamdam ng taong nayon ang pagbabago ng kanilang pamumuhay.
Buhat ng tag-Kastila hanggang dumating ang mga Amerikano ay walang gasinong ipinagbabago sa pagpapalusog ng isipan ng mga bata sa paaralan. Dahil sa kalayuan ng nayon ay hindi nagkaroon ng sariling paaralan ang nayon. Noon 1918 hanggang 1919, sa kapanahunan ng Presidente Municipal Rafael Averion, ay kanyang pinagsumikapan na katulong ang taong nayon na magkaroon ng sariling paaralan ang nayon, subali't ang lahat nilang panukala ay nagbunga ng kabiguan. Naisipan nila na pumili ng isang solar sa gitna ng nayon para pagtayuan ng nasakom [? or pasakom, blurred]. Dito nagkusang loob ang angkan ng de Mesa na magbigay ng lupa sa nayon, sa pagsusumikap ni Jesus de Mesa, na anak ni Gregorio de Mesa. Ang tuklong ng nayon ay siyang ginawang pansamantalang paaralan, at noong Hunyo 1919 ay nabuksan ang unang paaralan na ang sagisag [not sure, blurred] ay De mesa alang-alang sa lupang kanilang ipinagkaloob.
Sa kapanahunan ng Kastila, Amerikano, at Hapones ay wala silang naiiwanan na mapait na alaala liban sa dalawang sunog ng mga Americano nang sila'y malapit nang dumating upang iligtas sa kamay ng mga Hapones.
Sa kasalukuyan ay nanunumbalik na muli ang pamumuhay ng taong nayon na ang naghahari ay kapayapaan at kasiyahan. Marami na muli ang nagbubukid sa sarili, tahanan, nayon, at bayan.
[p. 10]
KUWENTONG BAYAN
NG
SAN ILDEFONSON, ALAMINOS, LAGUNA
Ang nayon ng Ildefonso ay isa sa makasaysayang nayon ng Alaminos, Laguna. Kung ihahambing sa ibang nayon ang San Ildefonso ay hindi kapantay ng ibang lugal sapagka't nasa mataas na tayo at mapapansin ng sinumang pupunta sa nayong ito ay paahon o paitaas.
Sang-ayon sa mga taong kinagisnan ng mga tagarito ang nayong ito ay parang ponso na pataas ang anyo. Ito ay isang sitio na napapaligiran ng malalaking kahoy at mga hilirang kawayang matinik. Bago pumasok sa sitiong ito ay may sangandaan na tinawag nilang Sambat. Ito ay matandaang daan na papunta sa San Andres na siyang naging makasaysayan noong panahon ng Kastila. Nagkaroon dito ng mahigpit na labanan at dumanak ang dugo dahil sa hindi makapasok ang mga dayuhang Kastila upang lipulin ang mga insurrectos. Lubhang nagtaka ang mga Kastila dahil sa parang may bato-balani na pumipigil sa kanila. Sa gitna ng kanilang paglalabanan ay may napansin silang isang dambuhalang malaking bagay na humahadlang sa kanila. Noong mga sandaling yaon ay kaarawan ng pagdiriwang ng nayong ito, kaya't hindi malilimot ng mga taga dito ang labanang ito ng Kastila.
Simula noong pagkapaglabanang nabanggit ay naging isip na ng mga matatanda sa nayon ang malaking taong pumipigil sa labanang yaon ay ang Poon ng San Ildefonso, sapagka't ang kamay ng Poon ay nakaharap sa mga tao. At simula noon, ang ipinagdiriwang ay ang kapistahan ng San Ildefonso tuwing ika-23 ng Enero.
Sang-ayon di sa mga matatanda, kanilang napapansin na sapagka't ang nayong ito ay parang ponso na lumalaki habang tumatagal, ay parang tumataas din ang katatayuan ng mga tao dito. Ano mang bagay ay hindi huli ang nayong ito. Kapansin-pansin ang pag-unlad ng pamayanan dito.
Ang kaunaunahang namuno sa pagpapa-unlad ng nayong ito noong unang panahon ay si Venancio Gallito, Macario Pasia, Jesus Cachero, at Isidro Montecillo. Sila ang naging saksi sa makasaysayang pinagmulan ng nayong ito.
[p. 11]
KUWENTONG NAYON
NG
SAN JUAN, ALAMINOS, LAGUNA
Ito'y nagsimula pa noong dumating ang mga Kastila noong 1524 na ang lupang hacienda ng Alaminos ay ginagawang barangay o hinahati-hati sa bawa't nayon. Nang dumating ang mga Kastila at binigyan ng pangalan ay ika-24 ng Hunyo, at ito kapanganakan ng patron San Juan de Bautista na patron ng magsasaka, at siya rin ang patron na tinatangkilik ng mga tao dito na pawang mga magsasaka.
Noong unang panahon ay may mga pangyayari na kababalaghan sa bahay na tinitirahan ni San Juan Bautista na lubos nilang pinaniniwalaan, kaya ito ang patron na kanilang tinatangkilik at iginagalang hanggang sa ngayon. Ang pangyayari'y naganap sa bahay ni Rufino Baldo, isang malakas na bagyo ang dumaan ay parang walang nangyari sa bahay na kinaroroonan ng mahal na patron. Para bagang inilihis ng mahal na patron sa sakuna o pagkagiba ng bahay, na noon ay pagiba na dahil sa katandaan na, at isa pa'y nasa gitna ng niyugan at lansonisan ang bahay na iyon. Dahil dito, sa simula pa at magpahanggang ngayon, ang mahal na patron San Juan Bautista'y lubos na kinikilala at iginagalang ng mga taga-San Juan, maaaring masabi na ang ngalan ng nayon ng San Juan ay ibinatay sa mahal na patrong San Juan Bautista.
PART I | PART II