LAGUNA, PROVINCE OF, Historical Data Part II
PART II
PART I | PART II
[p. 11]
MUNICIPALITY | AVERAGE ANNUAL INCOME | CLASSIFICATION | POPULATION AS PER 1960 CENSUS |
1. Alaminos 2. Bay 3. Biñan 4. Cabuyao 5. Calamba 6. Calauan 7. Cavinti 8. Famy 9. Kalayaan 10. Lilio 11. Los Baños 12. Luisiana 13. Lumban 14. Mabitac 15. Magdalena 16. Majayjay 17. Nagcarlan 18. Paete 19. Pagsanjan 20. Pakil 21. Pangil 22. Pila 23. Rizal 24. San Pedro |
₱67,556.31 19,711.97 167,353.92 52,988.62 324,710.01 36,240.88 47,026.89 6,634.44 19,880.93 28,861.56 76,620.55 32,254.50 90,906.47 9,888.61 33,026.70 65,859.50 85,618.96 69,372.59 109.880.50 16,177.68 862.62 20,649.93 11,913.75 30,064.09 |
Ika-apat Ika-anim Ika-tatlo Ika-apat Una Ila-lima Ika-lima Ika-pito Ika-anim Ika-anim Ika-apat Ika-lima Ika-apat Ika-pito Ika-lima Ika-apat Ika-apat Ika-apat Ika-tatlo Ika-anim Ika-anim Ika-anim Ika-pito Ika-lima |
13,860 11,407 33,448 20,419 57,878 13,160 8,354 4,168 5,019 11,066 21,472 8,734 9,694 4,321 5,500 9,839 18,272 74,43 10,712 4,765 5,336 11,496 5,395 14,087 |
--------------
[p. 12]
25. Santa Cruz 26. Santa Maria 27. Santa Rosa 28. Siniloan 29. Victoria |
201,869.79 19,183.83 101,201.59 41,019.88 16,013.32 |
Ikalawa Ika-anim Ika-tatlo Ika-lima Ika-anim |
32,880 8,370 26,587 9,122 8,949 |
KABUUAN | ₱1,817,349.77 | 401,443 | |
San Pablo | 70,772 |
Kaalamang-Bayan ng Laguna
Ang bawa't bansa o lahi ay may sariling kaalamang bayan na mapaghahanguan ng magagandang kaisipang maaring maging gabay sa pagpapanatili ng kabutihang-asal sa mamamayan. Ang mga kaisipang ito'y siyang balangkas ng ating mga patakaran sa buhay at sa kabuuan ay siyang kabatasan ng dakilang-asal ng sangkalahiang Pilipino7.
Ang pilosopiya ng taong-bayan at ang pinakamatayog na simulain ng kabihasnan sa pag-unlad, sampu ng panloob at panlabas na sagisag ng kadakilaan ng lipi ay makikita sa mga nasusulat na mga kaalamang-bayan. Kung ang makasaysayang sagisag na ito ng bayan ay pawang natupok, at naparam bunga ng lakas ng kalikasan, tulad ng lindol, baha, at hangin, mahirap na nating mapanumbalik ang dating muog ng kabihasnang sandigan ng panitikan ng bansa. Kaya't upang mapanatiling buhay ang mga walang kamatayan at matandang uri ng poklor na ito na kabakasan ng ating sariling kulturang nagtataglay ng magagandang tuntunin sa buhay, tulad ng mabuting pakikipagkapwa, pakikisama, at paggamit ng tumpak na kaparaanan sa buhay, kailangang isagawa ang tuwirang pananaliksik at pagtatalang tulad sa pag-aaral na ito8. Sa mga kaalamang-
--------------
7 Fernando B. Monleon. "Mga Kawikaan, Salawikain, at Kasabihang Pilipino," Unang Aklat (Maynila: Batubalani Publishing House), p. iii.
8 Juan C. Laya, "Ang Salawikaing Bayan ni Cresencia M. Yamio," Diwang Kayumanggi, Ikalawang Aklat (Maynila: Inang Wika Publishing Co., 1965), p. 37
[p. 13]
Ang Awiting-Bayan
1. |
Balsa ng Laguna Laya ng himig sa paligid Tulad ng alon at tubig sa batis, Sa pag-indak sa tugtugin Parang lumilipad tulad ng hangin Iyong pakinggan ang himig Tra - la - la, tra - la - la Tra - la - la, tra - la - la Ngayong maglaho ang tugtog Ang himig tra-la-la, tra-la-la Pumailanglang na at nawala Tra - la - la |
2. |
Sa Talong ng Pagsanjan Handa na ang lunday umupo ng husay at titingnan natin ang Talong Pagsanjan. Matulin ang agos kidlat ang kawangin pagbagsak ng tubig bomba ang tinig. |
[p. 14]
Ilang Bugtong ng Laguna
1. |
Nang maglihi'y namatay nang manganak ay nabuhay. | sinigwelas |
2. |
Walang pinasukan nakapasok sa kaloob-looban | pag-iisip |
3. |
Walang itak, walang kampit gumawa ng mahal na ipit. | gagamba |
4. |
Kung kailan tahimik saka nambubuwisit. | lamok |
5. |
Mga kaloobang pinaghalu- halo na niluto sa init ng pagkakasundo. | dinuguan |
6. |
Kung kailan mo pinatay saka naman humaba ang buhay. | kandila |
7. |
Nakaluluto'y walang init nakakapaso kahit malamig. | yelo |
8. |
Dulong naging puno punong naging dulo. | tubo |
9. |
Haba mong kinakain lalo kang gugutumin. | purga |
10. |
Aling dahon dito sa mundo ang iginagalang ng lahat ng tao? | watawat |
Ang Bugtong
--------------
9 Jose de Villa Panganiban at C. T. Panganiban, Panitikan ng Pilipinas (Quezon City: Bedes Publishing House, Inc., 1954), p. 40.
10Isang Libo at Isang Bugtong (Malabon, Rizal: Palimbangan ng Epifanio de los Santos College, 1958), p. 4.
[p. 15]
Ang bugtungan ay maaaring gampanan ng dalawa o higit pang bilang ng mga taong kalahok. Karaniwan itong isinasagawa sa mga lamayan sa patay, padasal, at iba pa. Ang isang panig ay nagbibigay ng bugtong, at ang ikalawang panig naman ay siyang sumasagot. Kung sakali't mahulaan ang tumpak na kasagutan, siya naman ang magbibigay ng bugtong at ang kabilang panig ang magbibigay ng sagot. Dito nagtatagisan ng talino ang mga kabataan.
Ang mga bugtong natin, tulad ng mga bugtong ng ibang mauunlad na bansa, ay may tatlong uri: (1) bugtong na malaswa sa pandinig nguni't may mainam na katuturan; (2) bugtong na mainam pakinggan nguni't may malaswang katuturan; at (3) bugtong na bukod sa mainam pakinggan ay mainam din ang katuturan11.
Sa Pilipinas ay maaaring magbugtungan sa anumang oras, sa araw man o gabi. Karaniwan itong isinasagawa ng mga kabataan, pagkatapos ng paglalaro o bago matulog. Sa kabukiran naman, kung may namatayan, isinasagawa ito sa oras ng lamayan upang huwag dalawin ng antok. Ginaganap din ito sa anumang pagtitipon, tulad ng handaan, inuman, binyagan, at kasalan. Kung panahon ng pagtatanim o pag-aani, ang bugtungan ay nakakapawi ng hirap sa gawain. Ito'y isinasagawa rin sa oras ng pagbabayo ng palay o kaya'y kung ang mga mangingisda ay nagsisipagsulsi ng kanilang mga lambat.
Isinasagawa rin ang bugtungan sa pamamagitan ng kuponan. Hinahati ang pangkat sa dalawang bahagi. Alinman sa dalawang bahaging ito ang magtamo ng mataas na puntos ay siyang itinatanghal na panalo. Isa nang tradisyon sa lalawigan ang bugtungan; karaniwan itong naglalarawan ng isang bagay sa di tuwirang pamamaraan. Isa itong pala-isipang nagsisilbing tagisan ng talino ng mga kabataan.
--------------
[p. 16]
Ilang Pamahiing Paniniwala sa Laguna
MGA SALAWIKAIN, KASABIHAN, AT KAWIKAAN NG LAGUNA
1. Pag-agap
"Pag maaga ang lusong
Maaga rin ang ahon."
"Iba ang agap sa sipag"
Sapagka't –
"Daig ang maagap
ng isang masipag."
[p. 17]
Kaya -
"Magsisi na sa agap
Huwag lamang sa kupad."
2. Ang Panahon ay Ginto
"Ang panahon ay samantalahin
Sapagka't ginto ang kahambing."
At -
"Mata sa panaho'y isilay
Nang di ka mapag-iwan."
Sapagka't -
"Sa lakad ng panahon
Lahat ay sumusulong."
"Magsisi ka man at huli
Wala nang mangyayari."
Dahil sa -
"Walang unang sisi
Sa unang nangyari."
Ang saad ng kawikaan sa
nagsisi ng huli
"Nang nagsalakot
Basa na ang tuktok."
4. Pagpapabaya
Sa mapagpabaya ay nagsasabing
"Lumalakad ang kalabasa
Naiiwan ang bunga."
Nguni't anang mapagpabaya
"Kung ano ang kapangyarihan
Siyang kahihinatnan."
"Pag di ukol, di bubukol
Pag talagang palad
Sasampa sa balikat."
Ang kapalaran ko'y di man hanapin
Dudulog, lalapit kung talagang akin.
5. Katamaran
Karamihan sa mapagpabaya
ay tamad anupa't parang manok
"Ngayon tutukain
Ngayon kakahigin."
[p. 18]
Kaya -
"Parang baboy na gagala-gala
Laman at mantika ay masama."
Sapagka't -
"Ang katamaran ay
kapatid ng kagutuman."
"Ang katamaran ay
ina ng kahirapan.
6. Ang Mahirap
"Ang kamalian ng mahirap
ay napupuna ng lahat."
Samantalang -
"Ang kamalian ng mayaman
Pinaparang walang anuman."
7. Kawalan ng Kaya
Ang mahirap ay walang kaya
kaya nga -
"Kasama sa gayak
di kasama sa lakad."
Anupa't -
"Ang tao na walang pilak
parang ibong walang pakpak.
Kaya aniya -
"Ang kahalintulad ko'y ang ibong inakay
walang balahibo't pakpak na ikakaway."
8. Pagtitiis
kaya kasabihang -
"Hanggang maikli ang kumot
magtiis na mamaluktot."
At kung paanong sa panahon -
"Pag may tag-araw
ay may tag-ulan."
[p. 19]
At -
"Pagkapawi ng ulap
Lumilitaw ang liwanag."
Gayundin sa pamumuhay -
"Pag may hirap, may ginhawa."
Sapagka't anang kawikaan -
"Walang ligaya sa lupa
na di dinidilig ng luha.
9. Kasipagan
Dapat nga tayong magpakasipag
ang saad ng kawikaan -
"Ang kasipagan ay kapatid ng
kariwasaan."
"Ang kasipagan ay ina ng
kayamanan at kaginhawahan."
10. Tiyaga
Nguni't ang kasipagan ay dapat
kambalan ng tiyaga sapagka't -
"Ang taong matiyaga
anuman ay magagawa."
Kasabihan nga -
"Walang batong sakdal tigas
nasa patak ng ulan ay di
naaagnas."
Dahil sa -
"Ang unti-unting patak
sa bato ay nakakabutas."
Kaya naging bukang-bibig na -
"Ang ulang tikatik
siyang malakas magpaputik."
Maging sa mga manliligaw ay
kawikaan -
"Walang matimtimang birhen
sa matiyagang manalangin."
Sa katagang sabi -
"Walang matimtimang babae
sa matiyagang lalaki."
[Note to the reader: Although the next page is numbered "20," following pagination of this document as provided by Philippine Historical Data instead of the source, there appears to be at least one page missing after the previous transcribed page. This is not unusual among the scanned "historical data," for which the original pages might have been lost because of time — i.e. destroyed — or there might have been clerical errors committed by those who did the scanning.]
[p. 20]
11. Kapag ang nauna'y tamis, ang mahuhuli'y pait.
12. Nagpapakain ma't masama sa loob, ang pinakakai'y hindi nabubusog.
13. Anuman ang luto at siya nang siya, pilit sasawaa't hahanap ng iba.
14. Ang kaunting sira't di mo lagyan ng tagpi, pakakaraanan ng malaking sisi.
15. Bago gawin ang sasabihin, makailang isipin.
Pag wala kang tagong bait
Walang halagang gahanip.
18. Ang taong mapagmahili, lumiligaya man ay sawi.
19. Minamahal habang mayroon, kung wala ay patapun-tapon.
20. Kapag ang tubig ay matining, asahan mo at malalim.
Palasak pa sa lalawigang Laguna ang mga salawikaing ito. Ang bawa't salawikain, kasabihan, at kawikaan ay nagbabadya ng may aral sa buhay hango sa karanasan at pangyayari, o balong kadluan ng kagandahang-asal at aabuting kaugalian na dapat pagkunang halimbawa ng mga kabataan.
Kung ang lahat ng mga salawikaing laganap sa pitong libong pulo ng ating bansa ay pagsasama-samahin, bubuuin, at isasa-aklat, magiging lalong mayaman ang pag-aaral ng sining ng ating sariling panitikan. Maaaring ipantay ang ating mga salawikain sa mga salawikain ng kilala at tanyag12 ng mga bansa sa ibayong dagat.
--------------
12 Laya, op. cit., pp. 89-89
(Ang kasaysayang ito ay hango sa tesis ni Estelita C. Averion, 1971)
PART I | PART II