MUNICIPALITY OF PANGIL (LAGUNA), Historical Data of Part II
PART II
PART I | PART II
[p. 9]
Superstitious Beliefs
2. Ang pagwawalis sa gabi ay bpabalang bwisit sa kabuhayan.
3. Pag nabuwal ang puno ng saging at tahimik ang panahon ay babala na sasama ang panahon.
4. Pag naghihilamos ang pusa ay babalang may dadating na bisita.
5. Pag nalaglag ang alupihan sa bubungan ay babalang iinit.
6. Ang maghinuko sa araw ng Biyernes ay magkakasugat ang daliri.
7. Ang maligo ng sabay sa paglubog ng buan ay magkakasakit ng malubha o kaya'y mamamatay.
8. Pag nagkanta sa harap ng kalan ang isang dalaga ay magkaka-asawa ng balo.
9. Ang buntis na maggagala kung gabi ay dapat nakalugay ang buhok upang matakot ang mga lamang-lupa.
10. Ang binata man o dilag na malapit nag ikasal ay huwag maggagala ng malayo pagka't may sakunang dadating.
11. Ang magsukat ng damit pangkasal ay babalang hindi matutuloy ang kasal.
12. Pag humuni ang tiktik sa gabi ay babalang may dadating na aswang.
13. Pag nalaglag ang tinidor ay babalang may bisita pang dadating.
14. Pag mainit ang panahon at umuungal ang usa sa gabi ay babalang uulan, at pag umungal ang usa at tag-ulan ay iinit.
15. Pag may dumadaang aswang na lumilipad ay dapat tumagilid pagka't parang salamin na nakikita ng aswang ang laman sa loob ng tiyan at ang atay.
16. Pag umakyat sa bahay ang langgam ay tandang mag-uulan.
17. Ang pinto ng silid ay huwag itatapat sa hagdan at tuloy-tuloy ang pagkawala ng kayamanan.
18. Masamang hambalusin ang [missing word] ng walis at tatakaw.
19. Para huwag maging malas at masira agad ang damit na bago ay isimba muna.
20. Maghagis ng bigas, kuarta sa bagong kasal nang maging sagana ang pamumuhay.
21. Kung naghihilamos ang pusa at mainit ang araw ay tanda ng uulan.
22. Ang tao sa loob ng bahay ay huag hihiga ng pabalang sa tapat ng paluko at nang laging maayos sa ano mang hanapbuhay.
23. Kung kumakain ang sambahayan ay hinde dapat iligpit ang kinanan kung may kumakain pang tao ito ay magiging tandang mawawalan ng kabuluhan ang pagkakasunduan ng magkatipan.
24. Pag ang batang bibinyagan ay nasuotan na ng barong pang binyag ay huwag huhubaring muli hanggang hinde pa nabibinyagan. Pag hinubaran o dili kaya ay bihis na ang bata at padaan-daan pa kung saan-saang bahay ay magiging paurong-urong din ang kasal.
25. Kung magbabangon ng bahay at ang halige ay hinde tuwid, magiging masasaktin ang mga taong namamahay.
26. Kapag ang isang tao ay nangarap ng tao ay tandang magkakasuwerte ng marami.
27. Kapag sa ilog ay may tumawid na ahas ay tandang mag-uulan ng malakas.
28. Ang isang babaing naglilihi ay huwag magmamasalaw ng hinde matakaw ang sanggol na lilitaw.
29. Pag nagwalis na ang dumi ay patuloy sa hagdanan ay tuloy ang pagka-ibos ng kabuhayan.
30. Kapag ang isa sa kinakasal ay namatyan ng kandila ay nangangahulugan na ito ang unang mamamatay.
31. Ang taong nangarap na natipuan ng ngipin ay umasang mamamatyan ka ng kasambahay.
[p. 10]
33. Pag humuni ang butiki sa tapat ng hagdanan ay may taong darating.
34. Kapag ang isang itim na paro-paro ay sumalpok sa ilawan ay babalang may namatay na kamag-anak.
35. Pag ang pusa ay lumundag sa bintana, ang buhay daw ay mag-iiba.
36. Pag nakakita ka ng pusang itim sa daan ay may masama kang kasasapitan.
37. Sa isang tindahan ay masama raw ang magwalis ng palabas, sapagka't pera'y lumalabas.
38. Huwag maglakbay-bayan pag may patay na kamag-anak pagka't buhay ay mapapahamak.
39. Kapag may nagputak na manok sa hatinggabi na walang dahilan ay isang tanda ng kapahamakan ng sangbahayan.
40. Huwag magwalis kung gabi pagka't manlalaglag ang alupihan.
30. Puzzles and Riddles:
About people:
2. What should you do in order that bedbugs will not bite you at night when you are asleep? (sleep in the daytime)
3. When the ship sails across the ocean, who is the captain? (Who)
4. They are a good pair but have not seen each other. (a pair of eyes)
5. 4 plus 2 na plus 2 is what? (Fortunato)
6. It is black grass that grows on a round mountain. (head with much hair)
7. They clap and clap but cannot be heard. What wonderful things are they? (a pair of eyes)
8. In the Jay, there is a net. It can be gay and nor. Who is she? (Janet Gaynor)
9. I planted a seed in the middle of the street. Can you guess what it is? (a traffic officer)
10. Black as Indian ink but it whitens without bleaching. What is it? (hair)
11. Wherever I go, I carry my own radio. (my mouth)
12. Who is the man who knows the care of the teeth? (the dentist)
13. A piece of meat is always wet. What is it? (tongue)
14. I pulled a car but it was lost. (Carlos)
15. What is the meaning of r-u-b-c? (are you busy)
16. What is the meaning of i-o-u? (I owe you)
17. I called Maria and she said No. What name was formed? (Mariano)
18. There were three girls walking together. They had an umbrella. Maria and Josefa were at Rosita's side. Who among them got wet? (None, I did not tell you it was raining on that day.)
19. Who is the most beautiful child in Belgium? (Who)
20. When do we see a door close? (when it is open)
21. If you are really an egg seller, tell us what egg has a tail? (lice)
22. Mr. Boaught bought a boat. How many boats were bought? (just one)
23. I am sitting when walking. How is that? (bicycle riding)
24. In what month of the year do we eat the least? (February)
25. What two caves are full of horns? (nostrils)
26. What is my name? (What)
[p. 11]
About animals:
2. What creature has a head and no neck? (crab)
3. When he stands, he is short; when he sits, he is tall. What is he? (dog)
4. What delicious thing can easily be broken, but cannot be put together again? (egg)
5. I opened the door but it could not be closed anymore. What is it? (an egg)
6. I touched the sun, Bonifacio ran. (a spider)
7. What country can be eaten? (turkey)
8. When can a bird not fly? (when young)
9. In the middle of the sea is gold money. What is it? (an egg)
10. I am just a log, can you guess what I am? (an egg)
11. My father loves me so much that he always clothes me in white. My heart is always yellow. What am I? (an egg)
12. I am not blind but I cannot see in the daytime. What am I? (a bat)
13. [unreadable]
14. Spell a black bird in four letters. (a crow)
15. What animal carries its house on its back? (a turtle)
16. Where can you find many dogs in the city? (in the city pound)
17. What is the best mouse trap you ever knew? (a cat)
18. How can ten horses stay in nine stables? (ten horses)
19. What tiny creature can climb up a tower without falling? (an ant)
20. Whenever it sings, somebody sings. Who sings? (a frog)
About plants:
2. What is the cleanest water on earth? (water inside the coconut)
3. What do you call this [unreadable] that is always full of rice? (a guava)
4. Brown inside, brown outside, three black people live inside. What is it? (a chico)
5. A piece of wood full of gold. What is it? (an ear of corn)
6. I have a clean dress when I am small. When I am grown up, I have nothing at all. What am I? (bamboo)
7. I am not a king or a queen. I don't know why I have a crown. What am I? (a guava)
8. I saw a man go. What did I see? (a mango)
9. The sun is very tall. What is very tall? (santol)
10. I don't know why I cry whenever I kill him. (onion)
11. I have a round head with two eyes that cannot see. What am I? (coconut)
12. What do you call a hanging heart? (a mango)
13. What do you call a fruit that is surrounded by swords? (pineapple)
14. Mr. Peter full of black pepper. (a papaya)
15. What do you call the delicious world with four tiny seeds? (an apple)
16. A seed it was when I let it drop; when I picked it up, it was a top. What is it? (a turnip)
17. I have a thigh but no leg. My beard is quite long that I have no chin. What am I? (sugarcane)
18. When do you chew water? (when I chew sugarcane)
19. In the water, there are lilies. What do you call the flowers that are in the water? (water lilies)
20. What leaves are on the fruit and the fruits are on the leaves? (pineapple)
[p. 12]
Mga Paligsahan ng Isip o Bugtong:
2. Rubing nanggaling sa brilyante, brilyanteng nanggaling sa rubi. (manok at itlog)
3. Malayo pa ang sibat, nganga na ang sugat. (bibig)
4. Ako'y nagtanim ng saging sa tabi ng Birhen. (kandila)
5. Hanggang wala pang ginto ay doon nagpalalo, nang magkaginto-ginto ay doon na sumuko. (palay)
6. Dalawang tambilok, lumabas pumasok. (uhog)
7. Apat na magkakasama, pumasok sa kweba, nang lumabas ay pawang mapupula. (nganga)
8. Dalawang punso-punsohan, ang laman ay kaligtasan. (suso)
9. Hinde mahipo ang tungkod ni apo. (apoy ng kandila)
10. Pantas ka man at marunong at nag-aral ng malaon, aling bahay sa gubat ang nagsasangay, walang ugat? (sungay ng usa)
11. Magdamag nang nagputokan, hindi pa nagkakatamaan. (binusang mais)
12. Aling kakanin sa mundo ang hinde sinasawaan ng tao? (kanin)
13. Isang tingting na matigas nang ikiskis ay namumulaklak. (palito ng posporo)
14. Naghanda ang alila ko, nauna pang dumating ang tukso. (langaw)
15. Sa pitong magkatoto, lima lamang ang naging santo. (Lunes hanggang Biyernes Santo)
16. Pumuputok di naririnig, tumatama'y di nakakasakit. (karayom)
17. Kabiyak na suman magdamag kang binantayan. (unan)
18. Tinaga ko sa gubat, sa bahay umiyak. (bandurya)
19. Dalawang katawan, tag-usan ng tadyang. (hagdanan)
20. Kung babayaan mang ako'y mabuhay, yung kamatayan ay dagli kong kakamtan. Nguni't kung ako'y patayin, paminsan-minsan ay lalong lalawig ang aking buhay. (kandila)
21. Mataas ang ibinitin sa pinagbitinan. (saranggola)
22. Kahit walang tinginan, sa pag-ibig nagkaka-unawaan. (sulat)
23. Ibong panghimpapawid, hinde makalipad kung walang tubig. (eroplano)
24. Halamang sakdal ganda, malayo ang tangkay sa bunga. (bubga [?] ng araw)
25. Nag-iisa'y santa, santo nang maging dalaw. (Santo Cristo)
26. Katawa'y tinik-tinik, daho'y puntas-puntas, ang bunga'y malambot na nakakalimot. (bulak)
27. Nang maalala'y naiwan, nadala nang malimutan. (amorsiko)
28. Putik di putik, hanggang tuhod ang lilis. (manok)
29. Verde balot, verde laman, verde rin kung matalupan. (suman sa latik)
30. Korteng puso, kulay ginto, mahirap kunin, masarap kanin. (chico)
31. Malaking uod, paa'y bilog, ang hinga'y sa tuktok. (tren)
32. May ulo, may kamay, may paa'y walang katawan. (kruz na bituin)
33. Bahay ni Santa Ana, punong-puno ng bala. (papaya)
34. Bahay ni San Gabriel, punong-puno ng baril. (lukban)
35. Patay na patay na nang damputi'y humihinga. (hihip)
36. Naupo si itim, sinulot ni pula, lumabas si puti na bubuga-buga. (sinaing)
37. Nagsaing si pusong nasa ibabaw ang tutong. (bibingka)
38. Dalawang balon, hindi malingon. (tainga)
39. Malambot na pinatigas, saka isinuot sa butas. (sinulid at karayom)
40. Ako'y nagtanim ng dayap sa gitna ng dagat, marami ang humahanap, iisa ang nagkapalad. (dalaga)
41. Tubig sa ining-ining, hinde mahipan ng hangin. (tubig ng niyog)
42. Ang munting mabilog, tubig ang nasa loob. (niyog)
43. Dalawang ibong marikit, nagtitimbangan sa siit. (hikaw)
44. Ang akin pong ina'y malayo't malapit na, kung ang akin pong ama'y sakdal dunong ay hangal. Nagpupulo'y mayaman, kapag siya'y pinagpulohan, wala namang ibibigay. (masamang ugali)
[p. 13]
46. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako. (nangka)
47. Isang butil na palay, napupuno ang bahay. (ilaw)
48. Pasan nang pasan, di inuupahan. (halige)
49. Manok ko sa Maynila, hanggang dito'y nanunuka. (karayom)
50. Baboy ko sa Maragundong, hanggang dito'y gumugulong. (kulog)
51. Ako'y nagtanim ng mais, pagka umaga'y panis. (bituin)
52. Aling halaman sa mundo ang nakalabas ang buto? (kasoy)
53. Tatlong dalagang kasabay ng mundo, hanggang ngayo'y wala pang suso. (seriales)
54. Isang prinsesang marikit, nalilibot ng sakit. (pinya)
55. Isang munting bilog, hinde makuha kundi nakaluhod. (hostia)
56. Mahuli't mauna, piseta ang upa. (hostia)
57. Pisong di magasta at pisong malakas kumita. (ahit ng pari)
58. Dalawang pinggang magkataklob, sari-sari ang nasa loob. (mundo)
59. Nang maliit ay may tapis, nang lumaki ay nagalis. (kawayan)
60. Balot na balot, nakalabas din ang buhok. (mais)
61. Isang bayabas, pito ang butas. (ulo)
62. Buhok ni Adan, hinde mabilang. (ulan)
63. Pag gabi'y dagat, pag araw ay bumbong. (banig)
64. Eto na si Tata, maraming mata. (pinya)
65. Hinde hari, hinde pari, ang damit ay sari-sari. (sampayan)
66. Hinila ko ang bagin, nagkukura ang matsing. (kampana)
67. Nagtago si Piro, nakalabas din ang ulo. (pako)
68. Nagsaing si Hudas, itinapon ang bigas, ang kinuha'y hugas. (sapal ng niyog)
69. Suso ng matanda, hinde mauga. (punso)
70. Takot ako sa iisa, hinde ako takot sa dalawa. (tulay)
71. Dalawang batang itim, malayo ang nararating. (mata)
72. Limang puno ng niyog, iisa ang matayog. (daliri)
73. Balong malalim, puno ng patalim. (bibig)
74. Dala mo, dala ka, dala ka pa ng iyong dala. (sapatos)
75. Isa ang pinasukan, tatlo ang nilabasan. (kamiseta)
76. Lumalakad, walang paa; tumatangis, walang mata. (asero)
77. Buto't balat, lumilipad. (saranggola)
78. Hayan na, hayan na, hinde mo pa nakikita. (hangin)
79. Malalim kung bawasan, mababaw kung dagdagan. (tapayan)
80. Ang paa'y apat, hinde makalakad. (mesa)
81. Isang babaing may korona, kahit saan ay may mata. (pinya)
82. Dalawang pipit, nakadapo sa siit. (tainga)
83. Palayok ni Mang Doro, punong-puno ng buto. (bayabas)
84. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. (anino)
85. Dalawang balong malalim, hinde mabayon ng tingin. (tainga)
86. Dalawang patalim, masarap paglapatin. (ngipin)
87. Munting buhok, maraming hayop. (ulo)
88. Tubig sa dikang-dikang, hinde nauulanan. (tubig ng niyog)
89. Limang magkakapatid, iisa ang maliit. (kalingkingan)
90. Malaking babai, sa tagiliran tumatae. (gilingan)
91. Dalawang ilog, sabay umagos. (ilong)
92. Apat na tao, isa lamang ang sambalilo. (bahay)
93. Isang munti mo ng kumare, maaaring umakyat kahit sa kahoy na malaki. (langgam)
94. Bato ang tawag ko, bato ang tawag mo. (bato-bato)
95. Dalawang tindahan, sabay binuksan. (mata)
96. Wala sa langit, wala sa lupa, ang dahon ay hinde nasisira. (dapo)
97. Bunga na ay may bunga pa. (bunga)
98. Payong ni Kaka, hinde nababasa. (dahon ng gabi)
99. Bibingka ni Kaka, hinde mahiwa-hiwa. (tubig)
100. Kinatog ko ang bangka, lumapit ang mga isda. (taong sisimba)
[p. 14]
31. Proverbs and sayings:
2. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
3. Kung hinde ukol ay hinde bubukol.
4. Hampas sa kalabaw, sa kabayo ay latay.
5. Ang pangako ay utang, huwag kalilimutan.
6. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
7. Kung sino ang matiyaga ay siyang magtatamang pala.
8. Ang bayaning nasusugatan, lalong nag-iibayo ang tapang.
9. Ang liksi at tapang ay kalasag ng buhay.
10. Ang kapangahasan ay bunga ng pag-asa.
11. Kung saan nadapa, doon din babangon.
12. Ang palay ay hinde lalapit sa manok.
13. Kapag wala kang itinanim, wala ka ring aanihin.
14. Ang taong palatulog, ginto man ang mahulog ay hinde mapupulot.
15. Kapag tinawag na utang, sapilitang babayaran.
16. Kung ano ang bukang-bibig, siyang laman ng dibdib.
17. Ang buhay man na sakdal ng tingas sa ulang tikatik, sapilitang maaagnas.
18. Ang hinde marunong magbata, walang hihintaying ginhawa.
19. Walang masamang panulat sa mabuting sumulat.
20. Kahoy na babad sa tubig, sa apoy ay huwag ilalapit, pag nadagandang sa init, sapilitang magdidikit.
21. Kung ang dalaga'y magaslaw, parang hamak na sawsawan.
22. Ang dalaga kung magaso, tila asin sa salero.
23. Nakikilala ang taong mabait sa kilos at bukang-bibig.
24. Kapag nakabukas ang kaban, natutukso kahit banal.
25. Ang magandang asal ay kalaban ng yaman.
26. Pag ang ilog ay maingay, arukin mo at mababaw.
27. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang sa tumanda.
28. Magsalakot man at di bagay, mahanga pa'y magpaulan.
29. Ang pagsasamang tapat, pagmamahalang maluat.
30. Hinde tutuloy ang pari kunde sa kapwa pari.
31. Minamahal habang naroron, kung wala ay patapon-tapon.
32. Ang kampana, kahit basag, ay mgtutugtog din pagdating ng oras.
33. Ang sakit ng kalingkingan, sakit ng buong katawan.
34. Ang taong nagigipit, sa patalim ay kakapit.
35. Mainama ng pipit na nasa kamay kaysa isang lawin na lumilipad pa.
36. Ang pagkakalayo ay daan ng paglimot.
37. Ang mata ay larawan ng kaluluwa.
38. Pag may hirap ay may ginhawa.
39. Ang kapalaran ay di ko man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang akin.
40. Ang pagkakataon ay daig ng pinagtipan.
41. Kung ano ang tugtog ay siyang sayaw.
42. Ako ang nagsaing, nang maluto ay iba ang kumain.
43. Maganda sa tingin, nguni't nakahihirin kung kanin.
44. Biro-biro kung sanglan, tutuo kung tamaan.
45. Ang pili nang pili, natatama sa bungi.
46. Ang katapat ng langit ay pusali.
47. Ang pag-aasawa ay hinde gawang biro, hinde kaning mailuluwa kapag napaso.
48. Huwag kang kasisiguro sa bunga ng Antipolo, may malalaglag na buko, may nahihig sa dulo.
49. Ang kahoy na liko't buktot, hutukin habang malambot, kung lumaki na at tumayog, mahirap na ang paghutok.
50. Huwag abutin nang patayo ang isang bagay na maaabot lamang ng nakaupo.
[p. 15]
52. Ang lumalakad ng matulin, matinik man ay malalim.
53. Ang tubig na malagaslas, arukin mo ay mahibas.
54. Ang taong palapanaog, di man madapa'y matitisod.
55. Ang humihihip sa lusong, sa mukha tumitilapon.
56. Ang di lumilingon sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan.
57. Ugali sa pagka-bata, dala hanggang tumanda.
58. Walang sumisira sa bakal kundi ang kalawang.
59. Ano mang haba ng procession, sa simbahan din ang urong.
60. Ang lumayo sa panganib, di karuwagang tikis. Ang magtiis sa muntik, maiigi sa maligalig.
61. Pangit man at magandang asal, daig ang magandang ugaling buhalhal.
62. Lumalakad ang kalabasa, naiiwan ang bunga.
63. Ang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak, walang makakasing buti't walang makakasing-timyas.
64. Lakad ng dalas-dalas, sapilitang madudulas.
Mottoes:
2. Better die in credit than live in sin.
3. If you go into a house, you must know where the door is for leaving.
4. An ell caught by the tail is surer than a woman.
5. The hook won't be bitten unless it has a bait.
6. A man without money is like a bird without feathers.
7. Big fishes devour small fishes.
8. The sun will not set until it is time for it.
Methods of Measuring Time, Special Calendars:
During the days when the clock was not yet invented, the method of telling time in our place was very simple. The rooster's crowing and the singing of the "kalaw" served the purpose. It was said that the loud noise made by this bird could be well-heard in town because the forest was very near the poblacion.
When one traveled, the cigar or cigarettes smoked during the journey served measuring the distance. If asked how far he went, the expected answer would be a cigar or two cigarettes from the place.
33. Other folktales: None.
Part Three: Other Information
34. Information on books and documents treating of the Philippines and the names of their owners: No information available.
35. The names of Filipino authors born or residing in the community, the titles and subjects of their works, whether printed or in manuscript form, and the names of the persons possessing them: None.
Principal
PART I | PART II