MUNICIPALITY OF CANDELARIA, QUEZON, Historical Data of Part 3
PART III
PART I | PART II | PART III | PART IV
[p. 16]
Before leaving the house, the doors and windows are closed tight and no one is allowed to peep through the holes and slits of walls or windows. Water is poured down the steps immediately after the corpse is brought downstairs. Before the deceased is buried, all sons and daughters of the deceased kiss the hand of the corpse. Children of the family are passed over the coffin.
After four days, the grave is visited by the family, who pay homage to the dead. Wreaths of flowers are laid and candles are lit. Prayers are offered for the salvation of the soul of the dead.
FESTIVALS:
Introduced by the Spaniards, festivals, mostly religious in form, are held in this town. The most significant of these is the town fiesta, held every February 5. The patron saint of Candelaria is St. Peter the Baptist. Weeks before the fiesta, preparations are made. Kalamay, ticoy, suman, etc. are prepared. On the eve of the fiesta, cows, chickens, and pigs are slaughtered. Everything is prepared so that the next day, every house is ready to entertain the visitors.
In the busy sections of the town, there are stalls of vendors of eats, toys, religious pamphlets, and the like line along Rizal and Cabunag Streets. Usually in the plaza, there are big tops or side shows and, sometimes when conditions warrant it, there are Ferris Wheel, caterpillar, and other rides. In the church plaza, we have a stage for the amateur singing contest and for the Moro-moro Zarzuela. We also have fireworks. All of these entertainments are financed by the townspeople through contributions.
To make the celebrations lively, bands of music are hired, usually three or four of these bands play for the people. A ball is held on the night of the
[p. 17]
On the afternooon of the 5th, at about 5 o'clock, there is a religious procession around the principal streets of the town. Featured in the procession is the image of the patron saint.
There are other festivals commonly celebrated in the town such as Christmas, New Year, Holy Week, etc.
PUNISHMENTS:
We commonly hear of a child wailing in pain and a mother shouting words of anger at the poor child. She is beating him for obvious reasons. Corporal punishment is often resorted to by parents. Making a naughty boy kneel on grains of mongo is common. Making him lie on his stomach and whipping him with a stick is common, too. Parents who resort to tying a naughty boy to a post or shutting him in a dark room are occasionally found.
Criminals are imprisoned nowadays. There is a town jail in the municipal building. Third degree punishments cannot be helped in the investigation of a suspect.
[Note to the reader: The original file at the National Library of the Philippines Digital Collections skips to page 23. Pagination of this transcription is, thus, adjusted to reflect the original pagination.]
[p. 23]
At kahiya-hiya sa nag-iimporta.
Susunod na ako't susunod din lamang.
Hinge ko'y paumanhin kung sakaling kulang,
Hustong bait ninyo'y siyang karagdagan,
At ang nagdadala ako'y hindi maalam.
V - Ali-Aling Namamangka
Pagdating sa Maynila, ipagpalit sa manika,
Ali-aling namamayong, isukob mo yaring sanggol,
Pagdating sa Malabon, ipagpalit sa bagoong.
VI - Telebong-telebong
Titig sa mata mo'y saglit na ipukol<
Telebong-telebong at tinikwas-tikwas,
Ang OO mo sinta'y kailan igagawad?
VII - Katatawanang Awit
Kung pagkakaalis ko'y iba ang hahagpos,
Kung ako ay dumating balahibo'y gusot,
Ito na ang mula ng sama ng loob.
May isang babaing lumusong sa ilog,
Isang kaskong bato ang dalang panghilod.
Nagkaluray-luray, nagkadurog-durog,
Ay di pa naalis ang libag sa batok.
VIII - Kay Maria
Nang hindi mabili, agad nang nagsisi,
[p. 24]
Nang walang pumata, biglang napaluha.
IX - Iring-ginding-ginding
Iring-ginding ginding, ang sinta ng bagong kasal.
Iring-ginding, iring-ginding-ginding, matamis pa sa asukal.
Iring-ginding, iring-ginding-ginding pag nalaon at nagtagal.
Iring-ginding-ginding parang sukang binantuan.
Iring-ginding-ginding ang sinta ng matatanda,
Iring-ginding, iring-ginding-ginding parang bigas na pinawa.
Iring-ginding, iring-ginding-ginding isabog mo man sa lupa,
Iring-ginding, iring-ginding-ginding manok man ay di tumuka.
MGA IBA PANG LUMANG AWIT
I - Panawagan sa May Bahay:
May bahay na ama, huwag kang magigikla
Sa dulog namin di dapat mabakla,
Sa dis-oras ng gabi'y tinatawagan ka.
Ang unang bati ko, yaong rubitiko
Diyos Ama't Haring tudo pudiroso
Na pakikilala may bahay sa inyo
Na kami'y ubihas'ng poong si Kristo.
II - Nariay Ka Pala:
Pananaya mo pa'y laylay sa puno
Ang lahat ng ibon, diyan dumadapo
Mailap man, pilit na aamo.
Halina Rusiles, niyaring atay, puso
[p. 25]
Ikaw ang dumakip, ikaw ang sumilo
Mailap kong sinta, pilit mong pinaamo.
III - Sa Iyong Pagdating:
Pinalatagan ko ang bakuran namin,
Pinahulugan ko ng tatlong bituin
Magsisilbing ilaw sa inyong pagdating.
Sa inyong pagdating sa 'ming tahanan
Binati ko kayo ng puspos, ng galang
Saan kayo galing mga kaibigan
Dis-oras ng gabi'y kayo'y naglalakbay?
IV - Kili-Kili-Tatis:
Bendita tu-e-ris
Sabado ng hapon
Binabati kita, di ka lumingon
Nagmamalaki ka, may panyo kang asul.
Ang panyo mong asul
Dinagit ng lawin
Dinala sa bundok
Doon pupugarin
Di maglalaon
Ako'y bibili rin
Luma na ang iyo
Bago pa ang sa akin.
V - Si-Si-Rit-Sit Alibangbang:
[p. 26]
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang.
Ang napang-asawa'y masamang amoy... Ay!
Ha Ha Ha (Ulitin sa Puno)
VI - Minsan Man Sakali:
Halos nang maubos, ang gabing magdamag
Mamaga na naman, araw ay sisikat
Uuwi na akong luha'y nalalaglag
At saka tataghoy ng kalagim-lagim
Nasaan ka irog, bakit di lingapin
Pusong naghihirap sa iyo'y ang dahil.
VII - Anong Hirap ng Sawing Palad:
Salat sa ligaya ng kapalaran
Inimpok mong malaon araw
Salat sa dalita'y biglang iniwan.
Tamis ng suyo mo, dalagang binihag
Di mo ginunita ang sintang tinanggap
Ay anong hirap ng abang palad.
(Pinandanggo)
I - Utos ng Matanda
[p. 27]
Kinabubusungan batang
Kaparis namin;
Ang bait ng bata
Saan manggagaling
Kundi sa matanda
Kumuhang tanong din.
II - Labong ng Kawayan:
Pag babagong tubo
Langit na mataas
Ang itinuturo...
Kung ito'y lumaki
At ito'y lumago
Sa pinanggagalingan
Doon din nayuko.
2. Angn puno'y bumbong, ang palapa'y anos, ang bunga'y gatang. (Papaya)
3. Kabayo kong aralan, hindi kumakain kundi ko sakyan. (Kayuran)
4. Lalabas-papasok, dala-dala'y panggapos. (Karayom ng Makina)
5. Kahoy ko sa Maragundong, may sanga ay walang dahon. (Sungay ng Usa)
6. May sungay ang bisiro, walang sungay ang turo. (Tulyasi at Kawali)
7. Ako'y may kaibigan, sa aki'y di nahiwalay, magsatubig, magsaparang palagi kong kasabay. (Anino)
8. Tinangkil at binubungan, sa ibabaw tinahanan. (Siya ng Kabayo)
9. Itinapon ang itinanim, pinagtamnan ang kinain. (Karning manok)
[p. 28]
12. Pantas ka ma't marunong, nag-aral kang malaon, aling kahoy ang tumuntong sa likod ng ibon? (Pangani)
13. Hindi naman hari, hindi naman pari, nagsusuot ng sari-sari. (Sampayan)
14. Alin dito sa mundo ang inilalakad ay ulo? (Bituo)
15. Hinalo ko ang nilugaw, nagtakbo ang inihaw. (Bangka)
16. Bato kong itri-itri, bato kong turan, subali't hindi bato ang pangalan. (Panghilod)
17. Habang buhay lumalakad, makitid ang nalalakad, mahaba ang sinusukat. (Relo)
18. Dalawang ibong marikit, nagtitimbangan sa siit. (Hikaw)
19. May isang prinsesang nakaupo sa tasa. (Kasoy)
20. Alin dito sa buong mundo, kinakain ay may kiling na parang kabayo? (Mangga)
21. Pag naglihi'y namamatay, pag nangananak nabubuhay. (Sineguelas)
22. Walang binhi, walang pananim, taon-taon kinakain. (Kabuti)
23. Nang bata pa'y nagsaya, nang dalaga'y naghubo na. (Labong)
24. Balat na binalot ng buto, butong binalot ng balahibo. (Niyog)
25. Paruparo kung bata, bulati kung tumanda. (Paayap)
26. Aba kabag, aba ibon, lumilipad sa maghapon. (Araw)
27. Kawayan ko sa bundok, abot dito ang hutok. (Bahaghari)
28. May puno ma'y walang ugat, hitik na hitik ng bulaklak. (Bituin at langit)
29. Aba ibon, aba kabag, lumilipad sa magdamag. (Buwan)
30. Ginilit ko nang ginilit, hindi na naputol ang leeg. (Biyolin)
31. Pinirot ko't binalinganga, saka ko pinapagwika. (Gitara)
32. Isang butil na palay, sikip sa buong bahay. (Ilaw)
33. Hinigit ko ang ay-ay, magmura ang maybahay. (Habihan)
34. Isang bunga ng bayabas, pito ang butas. (Mukha)
35. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. (Mata)
[p. 29]
37. Dalawang magkumpari, mauna't mahuili. (Paa)
38. Dala ka na, ay dala mo pa. (Tsinelas)
39. Manok kong pula, nagdapo sa banaba, nagpakita ng ganda. (Buwan)
40. Buhok ng pari, hindi mawahi. (Tubig)
41. Manok kong puti, naghapon sa baliti, pagpa-girigiri. (Araw)
42. Dalawang tindahan, sabay buksan. (Mata)
43. Walang karangkal, walang sandipa, pinagtutulungan ng lima. (Karayom)
44. Anong buhay ang tinatanuran ng patay? (Balag at Patani)
45. Isang biyak na niyog, santaong nag-alipod. (Buwan)
46. Isang malaking-malaking uwak, pauli-uli ang lipad. (Duyan)
47. Maraming-maraming kalabaw, iisa ang tagikaw. (Walis)
48. Sundalong maraming-marami, hali-halili kung lumaban. (Apuyan)
49. Binibigyan ka na ay sinasakal mo pa. (Bote)
50. Isang bakur-bakuran, sari-sari ang nadaan. (Ngipin)
51. Saway ki-saway ang senyora, tuloy din ang pagbibindita. (Ulan at Kulog)
52. Nagsaing si Katung-tung, bumulak ay walang gatong. (Gugo)
53. Mataas kung nakaupo, maiksi kung nakatayo. (Aso)
54. Anong halaman dito malayo ang laman sa buto? (Singkamas)
55. Bahay ni giring-giring, butas-butas ang dingding. (Bithay)
56. Tintang puti, plumang bakli, papel na berde, ang nagsulat ay babae. (Hitso)
57. Isang butil na trigo, sikip sa buong mundo. (Buwan)
58. Baras ng kapitan, hindi malakdawan. (Ahas)
59. Nagsaing si kapirit, kinain pati anglit. (Bayabas)
60. Bahay ng senyora, libot ng espada. (Pinya)
61. Ang ina ay nagapang pa, ang anak nama'y nalukluka na. (Kalabasa)
62. Tiyatong kong tiyatong, tiyatong kong bugtong. (Talong)
63. Talbos na bunganga, talbos na tumalbos pa. (Pinya)
64. Limang niyog, iisa ang matayog. (Daliri ng Kamay)
PART I | PART II | PART III | PART IV
TRANSCRIPTION SOURCE: