MUNICIPALITY OF CANDELARIA, QUEZON, Historical Data of Part 4
PART IV
PART I | PART II | PART III | PART IV
[p. 30]
66. Tungkod ng heneral, hindi mahawak-hawakan. (Sawa)
67. Puno'y kahoy, daho'y estrella, bunga'y bote, nasa loob ay paminta. (Papaya)
68. Isang balong malalim,di maabot ng tikin kundi baluktutin. (Bibig at kamay)
69. Isang bahayng prinsesa, nabubuksa'y di maisara. (Itlog)
70. Ako'y nagsabit ng sangkalan, tinitingna't inaamuyan. (Nangka)
71. Isang lalaking turo, nasa ibabaw ang pitso. (Bahay at lupa)
72. Ang aso kong si Bantay, inutusan ko'y umuwi nang patay. (Isda)
73. Munti pa si Nene, marunong nang manahi. (Gagamba)
74. Nang maalala'y naiwan, nadala nang malimutan. (Amorsiko)
75. Sa init ay sumaya, sa lamig ay nalanta. (Akasaya)
76. Nang ihulog ang buto, nang hanguin ang trumpo. (Singkamas)
77. May ulo'y walang mukha, may katawa'y walang sikmura. (Palito ng apuyan)
78. Hindi tao, hindi ibon, bumabalik kung itapon. (Yuyo [yoyo])
79. Balong malalim, puno ng patalim. (Bibig)
80. Isang supot na uling, naro't bibitin-bitin. (Duhat)
81. Hinila ko ang bagin, nagkakara ang matsin. (Batingaw)
82. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. (Sambalilo)
83. Lumalakad ay walang humihila, tumatakbo'y walang paa. (Bangka)
84. Dalawang katawan, tagusan ng tadyang. (Hagdanan)
85. Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan. (Saging)
86. May ulo'y walang buhok, may tiyan walang pusod. (Palaka)
87. Pinilipit, kineternam, minutungan ng mainam. (Puyo)
88. Buto't balat, lumilipad. (Saranggola)
89. Kung araw ay bumbong, kung gabi ay dahon. (Banig)
[p. 31]
91. Isa ang pinasukan, tatlo ang nilabasan. (Kamiseta)
92. Dalawang magkaibigan, unahan nang unahan. (Paa)
93. Hanggang leeg kung mababaw, kung malalim ay hanggang baywang. (Tubig sa tapayan)
94. Haba mong kinakain, lalo kang gugutumin. (Purga)
95. Malayo pa ang sibat, nganga na ang sugat. (Bibig na susubuan)
96. Rubing nanggaling sa brilyante, brilyanteng nanggaling sa rubi. (Itlog)
97. Naligo si Esko, hindi nababasa ang ulo. (Tapon)
98. Halamang di nalalanta kahit natabas na. (Buhok)
99. Nagtago si Tsikito, nakalabas ang ulo. (Pako)
101. Kulay ginto, hugis puso, mabangong hasmin, masarap kanin. (Mangga)
102. Hindi hayop, hindi tao, walang paa'y tumatakbo. (Agos ng tubig)
103. Malalim kung bawasan, mababaw kung dagdagan. (Galong)
104. Nang hawakan ko ay patay, nang ihagis ko ay nabuhay. (Trumpo)
105. Bagama't may takip ay nakasisilip. (Matang may salamin)
106. Pagsipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. (Ampalaya)
107. Naluluto'y walang init, umaaso kahit malamig. (Yelo)
108. Banay ng anluwagi, iisa ang haligi. (Bahay ng kalapati)
109. Bahay ni Kaka, hindi matingala. (Noo)
110. Maliit pa si kumare, nakaka-akyat na sa tore. (Langgam)
111. Ang puno'y lusong, daho'y liyas-liyas, bunga'y maya-bayabas. (Bunga)
112. Ang puno'y nasa gubat, ang dulo'y nasa dagat. (Bahaghari)
113. Kabayo kong kastanyo, hindi kumain kundi pukpukin sa ulo. (Pait)
114. Tubig sa ining-ining, hindi mahipan ng hangin. (Niyog)
[p. 32]
116. Tampipi ni Ka Duko, punong-puno ng ginto. (Itlog)
117. Tampipi ni Kaka, punong-puno ng lisa. (Lukban)
118. Manok kong pula, isang daan ang mata. (Pinya)
119. Dala mo'y dala ka, hindi mo akalaing malakas pala siya. (Bakya)
120. Kung pabayaan ay nabubuhay, kung limasin ay namamatay. (Makahiya)
121. Tubig na pinagpala, walang makakuha kundi munting bata. (Gatas ng ina)
122. Walang pintong pinapasukan, nakakapasok sa kaloob-looban. (Isip)
123. Kung kailan ko pa pinatay, saka pa nagtagal ang buhay. (Kandila)
124. Wala sa langit, wala sa lupa, ang dahon ay sariwa. (Kiyapo)
125. Wala na ang tiyan, malakas pang sumigaw. (Kampana)
126. Bumili ako ng alipin, bihi-bihira akong sundin. (Payong)
127. Tatlong magkakapatid, mapula ang dibdib. (Tungko)
128. Takot ako sa isa at matapang ako sa dalawa. (Tulay)
129. Buhok ni Adan, hindi mabilang. (Ulan)
130. Pagsipot sa sangmaliwanag, kulubot na ang balat. (Ampalaya)
131. Walang sala'y iginapos, niyapakan pagkatapos. (Sapatos)
132. Ma-tagulan, ma-taginit, hanggang tuhod ang bayakis. (Manok)
133. Kung munti ay may buntot, kung lumaki'y terempugot. (Palaka)
134. May hita ay walang binti, may ngipin ay walang labi. (Kayuran)
135. Maitim na parang uwak, maputing parang busilak, sa hari'y nakikipag-usap. (Sulat)
136. Ang ulo'y gagala-gala, ang bituka'y nakadapa. (Ilaw)
137. Dalawang Kastila, namimintana. (Uhog)
138. Naaabot na ang kamay, iginawa pa ng tulay. (Kubyertos)
139. Hindi tao, hindi hayop, ati ng lahat ng tao. (Atis)
140. Lumalakad walang paa, lumuluha'y walang mata. (Pluma)
141. Tubig na sakdal nang linaw na di madala ng kamay. (Yelo)
[p. 33]
143. Walang puno'y walang ugat, hitik ng bulaklak. (Langit)
144. Hanggang bata'y nagtatapis, pagtanda'y naglilislis. (Tubo)
145. Tapis ki tapis, balahibo'y nalabis. (Mais)
146. Pitak-pitak, silid-silid, pinto man ay di masilip. (Kawayan)
147. Puno ay kahoy, gitna'y bakal, dulo'y kamatayan. (Baril)
148. Nang isigang ko'y maitim, mapula nang aking hanguin. (Katang)
149. Dalawang bundok, sabay uminlok. (Mata)
150. Nagpapista ang birhen, ang kalsada'y ibinitin. (Dahon ng saging)
151. Nagdaan ang negro, patay na lahat ng tao. (Gabi)
- oo O oo --
[p. 34]
Part II - Translation
MGA KATUTUBONG UGALI AT MGA GAWAIN NG MGA MAMAMAYAN SA CANDELARIA
Ang mga katutubong ugali na kinamulatan ng mga taong-bayan ay nagpasalin-salin at ang mga pag-uugaling ito'y dinala-dala mula sa ama hanggang sa anak sa pamamagitan ng pagsasagawa nito. Ang marami sa mga kaugaliang ito ay sinusunod pa natin. Ang iba ay iwinawaglit na, sapagka't ang makabagong agham ang siyang nagtataboy at humahalili sa kaparaanang nababatay sa palaaghaman.
Ang ilan sa katutubong ugali na ginagamit pa ngayon ng mga taong bayan ay may kaugnayan sa kapanganakan, pagbibinyag, pangingibig, pagkakasal, pagkamatay, paglilibing, at marami pang iba.
KAPANGANAKAN
Kung ang isang ina ay nagdadalang-tao, ang pag-iingat ay isinasagawa hindi lamang ng isang nagdadalang-tao kundi pati ng mga kasama sa loob ng sangbahayan. Ang mga pagbabawal ay lubhang marami. Ang pagtigil sa pinto ay isa sa mga ito. Hindi pinahihintulutang tumigil sa pinto ang sinoman sa paniniwalang maghihirap daw sa panganganak ang isang ina. Ang pagpasok sa simbahan at libingan kung may inililibing ng isang nagdadalang-tao ay ipinagbabawal. Ang pag-upo sa baytang ng hagdanan ay masam.
Tatlong buwan pa bago sumapit ang panganganak ay mayroon na agad nag-aalagang hilot. Isinasa-ayos ng hilot ang kalagayan ng bata upang maging maginhawa ang panganganak kung dumating na ang takdang panahon. Ang pagsasa-ayos nito ay ang paghihilot ng tiyan tuwing hapon bago lumubog ang araw.
Ang mga manggagamot ay manaka-nakang humarap sa panganganak. Matapos iluwal ang bata ay pinuputol agad ang pusod at buong ayos na binabalot upang ibitin sa bubungan. Ang bata ay pinaliliguan ng langis, at ang inunan ay ibinabaon sa lupa na karaniwan ay sa ilalim ng hagdanan.
[p. 35]
PAGBIBINYAG:
Pagkatapos na maisaayos ang bata, kaagad na humahanap ngn talaarawang may mga pangalan at titingnan kung ano ang ipapangalan sa bata. Kung ang pangalang nakatiktik sa talaarawan ay hindi lubhang lasap o gusto ng ina o ama ng bata ay nagpupulong sila at pumipili ng pangalang kanilang pagkakasunduan.
Ang isang sambahayan ay ipinagbabahala sa mag-aanak sa binyag ang kaukulang pangalan. Sa ganitong pagkakataon, ang mag-aanak o ang maghahawak ay kanilang pinipili na rin, kung kailan at saan isasaga ang pagbibinyag.
Kalimitan, ang pagbibinyag ay ginugugulan ng labis. Maraming inuming pampalamig o alak ang handog ng "ninong" o "ninang." Ang naghawak ng bata o nag-anak ang siyang bumibili ng damit pambinyag.
Pagkatapos ng pagbibinyag ay tumutuloy sa bahay ang kumpare at kumare. Pagdating sa bahay ay saka iaabot ng ninong o ninang ang kanyang pakimkim sa bata. Kalimitan, ang pakimkim ay salapi, subali't sa ibang pagkakataon ay mga bagay na pakikinabangan ng bata. Katulad halimbawa ng kuwintas, damit, at iba pa. Ang pakimkim ay tinatawag na unang hanap-buhay ng bata.
PANININGALANG-PUGAD:
[p. 36]
Sa mga pagtitipon, ang mga dalaga ay lagi nang may kasamang matanda na siya niyang tagapagbantay sakaling may gumawa ng mahalay sa dalaga o ng isang bagay na makasisira sa kanyang karangalan at sa karangalan ng kanilang angkan. Ang mahipo kahit dulo lamang ng daliri ay palatandaan ng kawalang paggalang at ikasisira ng puri ng isang dalaga.
Ang paghaharana hanggang sa panahong ito ay laganap, nguni't may pagbabago kay sa nuong unang panahon; gaya ng pagpanhik ng bahay ng dalaga kahit hatinggabi na, upang paawitan itong huli. Subali't ngayon ay dumurungaw lamang ang dalaga na may hawak na ilaw upang magpasalamat.
KASALAN:
Nuong unang panahon, pagkatapos na makapagsilbi sa angkan ng dalaga ang binata sa loob ng mahabang panahon, ang mga magulang ng binata ay nagpupunta sa bahay ng dalaga upang hingiin sa mga magulang nitong huli ang kapahintulutan nilang makasal ang binata't dalaga. Ito ang tinatawag na bulungan na kalimitang ginagawa kung hapon. Ang mga magulang ng binata ay may dalang pagkain at alak. Dito idinaraos ang pulong at pinagpapasiyahan ang kasunduan ukol sa kasal gaya ng panahon (kung kailan), ang bilang o hingi, ang mga mag-aanak sa kasal, at iba pa.
Pagkatapos ng kasunduan, ang dalang pagkain at pampalamig ay inihahain at pinagsasaluhan ng mga magulang at iba pang kamag-anak ng dalaga. Ang bilang o hingi ay maaaring salapi, lupa, pagpapa-igi ng bahay ng dalaga, at iba pa.
Sa araw ng kasalan ay may handaan sa bahay ng dalaga. Pagkagaling sa simbahan, ang bagong kasal ay sinasalubong sa may hagdan at inaabutan ng tubig at matamis at pinagsasabay ng pagpanhik. Ito ay dahil sa paniniwalang kung alin man sa dalawa ang mauna ay siyang maghahari o mamamayani, at laging ang alitan
[p. 37]
PAGKAMATAY:
PAGLILIBING:
-- o O o --
PART I | PART II | PART III | PART IV
TRANSCRIPTION SOURCE: