MUNICIPALITY OF DOLORES, QUEZON, Historical Data of Part 2 - Philippine Historical Data MUNICIPALITY OF DOLORES, QUEZON, Historical Data of Part 2 - Philippine Historical Data

MUNICIPALITY OF DOLORES, QUEZON, Historical Data of Part 2

Municipality of Dolores, Quezon

PART II

PART I | PART II | PART III

About these Historical Data

[p. 12]

(They bring firewood, water, eats, cigarettes, wine, and buyo again. This is called "bulungan." On this occasion, they talk about the marriage, the date, the wedding trousseau, the dowry, and the sponors.)

Kung kahit man at ang binata ay kaharap sa "bulungan," wala siyang karapatang makapagbigay ng kanyang pasya. Tungkol sa bilang, ito ay maaaring salapi, lupa, o hayop na ibibigay sa magulang ng dalaga. Matapos na pagpulungan ang lahat tungkol sa kasalan, ang binata iniiwanan sa bahay ng dalaga upang maglingkod. Kung sa paglilingkod na ito ay may mamasdang hindi mabuti ang bibiyenanin, ang lahat na pinagkasunduan ay pinawawalang saysay. Sa kabilang dako naman, kung mapagtiyagaan ng binata ang lahat, kakamtin niya ang kamay ng dalaga.

(Even though the boy is present at the "bulungan," he has no right to say even a word. With regards to the dowry, it could be any of property, money, or animals to be given to the parents of the girl. After all arrangements had been made, the groom was to be left to serve his would-be in-laws. He participated in all the tasks in the girl's household. If, in the course of his service, his would-be in-laws found fault in him, he was discharged without taking into account the money and services he had rendered. But in case he was able to go through until the agreed date of the marriage, then he won the hand of the lady.)

Bago sapitin ang pinakahihintay na sandali, ang kakasaling dalaga, kasama ang mga malapit na kamag-anak, ay namimili ng damit pangkasal at lahat ng mga kagamitang kasama nito. Sa bahay naman ng dalaga ay nagtutulungan sa pagbibilik, pagsusuman, at pag-aatsara.

(A few days before the awaited date came, the bride-to-be, accompanied by some relatives, went shopping. She chose and ordered her wedding ensemble and bought other accessories she might need. At home, the preparations were made. The boy's relatives and friends came to the girl's house and made the "bilik," a soft of improvised shelter where the guests could stay or where food could be served during the wedding.)

Pagkatapos makasal ng pari ang dalaga at binata, sila ay inaalungan ng tubig at matamis sa pagpanhik. Hati ang dalawa sa tubig at matamis. Pinasasalubungan din sila ng ulan ng bigas upang lagi silang maging sagana.

(The nuptial rites were performed by a priest or minister. After the ceremonies, the couple went home. As they ascended the house, they were offered refined sugar and water. The groom drank one-half of the contents and gave the bride the remaining half. The couple also me a shower of rice thrown by some of the guests. It was said that this would bring them prosperity.)

Ang "sabangan" naman ang katapusang ginagawa. Ang mga kasamahan ng bawa't panig ay nagbibigay ng kaya. Ang kasamahan ng lalaki ay sa babae nagbibigay at ang kasamahan naman ng babae ay sa lalake. Kapalit ng kanilang mga alay ay sigarilyo o alak. Kung minsan ay nagpapalaluan ang bawa't panig hanggang sa magkalakihan ng bigay.

[p. 13]

(Next came the "sabangan." Relatives of both parties gave their gifts, generally money, to the newlyweds. The boy's relatives gave to the girl, and the girl's relatives gave to the boy anything that they wanted to. The sponsors also gave their shares. Often, the newlyweds offered cigarettes, wine, or any delicacy to their guests. The recipient of any of these gave a certain amount as payment. Sometimes, the parties tried to outdo each other by increasing their "sabang," and so this went on for a longer time.)

Pagkatapos ng sabangan ay inililipat ang babae sa bahay ng lalake, samantalang ang lalake naman ay iniiwanan sa bahay ng babae. Apat na araw silang hindi nagkikita.

(When the "sabangan" was over, the bride was transferred to the groom's home, while the groom was left in the bride's home to help fix things. They were not allowed to see each other for four days.)

Ang ugaling ito ay utay-utay nang nalilipol at iilan na lamang ang sumusunod sa ganitong mga gawain. Ang ilan sa mga walang kasaysayang mga kaugalian ay linimot na. Ngayon, ang isang binatang gumagayak ng pag-aasawa ay nagsasabi lamang sa magulang niya. Ito namang magulang na pinagsabihan ay pumupunta sa mga magulang ng dalaga upang ipagbigay-alam ang pangyayari. Pinagpupulungan nila ang tungkol sa kasalan at wala na. Kung maraming bagay na di mapagkasunduan ang isa't-isa, napapaurong ang kasal.

(These customs are slowly disappearing. Only a few people now adhere to them. At present, they have discarded some unnecessary details or made some alterations. A man who has matrimonial plans in mind just tells his parents and asks them what can be done about it. The parents decide to see the girl's parents and notify them about the engagement. They talk things over and make arrangements for the wedding. If the girl's parents are hard to please, then the marriage can be discontinued.)

e. Kamatayan (Death):

Kapag may namamatay sa tahanan, ang mga kamag-anak at kahanggan ay pumaparoon upang makiramay. Tumutulong sila maging sa salapi o sa ano mang paraan. Ipinagdadasal nila ang kaluluwa ng yumao.

(When anybody dies in a home, relatives and friends of the dead person come to extend their condolences to the bereaved family. They offer their help, material or spiritual. They may give a certain amount of money or they may say their prayers for the departed soul.)

Sa buong magdamag ay walang tulog ang nangagbabantay sa patay. Ito ang tinatawag na "lamayan." Upang huwag silang antukin, sari-saring laro ang kanilang pinaglilibangan. Kung magkataong Kuwarisma, ang ilang matatanda ay umaawit ng pasyon. Sa hatinggabi ay may pakape. Lahat ng mga kasamahan at kapalagayang-loob ay nakikipaglibing kinabukasan.

(On the night before the burial, the people stay in the dead person's house. To pass the time and to while away drowsiness, the younger set engage in a game of cards or play some parlor games. If it happens to be Lent, the old men and women sing the "Pasion." This is called "lamayan." By midnight, hot coffee is served to appease the hunger of the people who are sacrificing the comfort of their beds for the dead's sake. The next day, relatives

[p. 14]

and friends go with the funeral cortege.)

Kung babae ang namatay, siya ay pinagdadasalan sa ika-apat, siyam, at apatnapung araw; at kung lalake naman ay sa ika-apat, walo, at tatlungpong araw. Pagkalipas ng isang taong pagluluksa, ito ay ipinagdadasal uli at ang wika nga ay baba na ang luksa.

{When the person who dies is female, a prayer is offered for the repose of her soul on the 4th, 9th, and 40th days. If it happened to be male, the prayer is offered on the 4th, 8th and 30th. The last of this series of prayers comes after a lapse of a year. It is on this occasion that the relatives and members of the family discard their black clothing which they had worn as a sign of mourning.}

f. Paglilibing (Burial):

Sa kahuli-hulihang sandali ng isang namatay makikita kung gaano ang inihasik niyang pakikisama ayon sa dami ng nakikipaglibing. Kapag ang yumao ay ihuhulog na o isusuot sa nitso, ang lahat ng kasambahay ay dumadampot ng kaunting lupa at inihuhulog kasama ng bangkay. Kapag ang namatay ay may naiwang sanggol, ito ay dinaramtan ng damasko o pulang damit at kinukwentasan ng kapirasong damit na pintol sa kumot ng patay. Ito ay ginagawa upang huwag nang gambalain pa ng yumao ang bata.

(You can tell that a person has been a good mixer during her day when her burial comes. There are countless people attending the burial. When the dead is about to be dropped or placed in the tomb, each member of the family of the dead person gets a small sod and throws it with the hearse. When the dead person leaves a young one, the baby is clothed with a deep red dress. Then, a necklace cut from the dead person's blanket is made for the child. This will prevent the dead person's constant coming near the child.)

g. Pagdalaw (Visits):

Pinagkaugalian na ng magkakahanggan na magdalawan kapag mayroong may karamdaman. Kung minsan ay may dala silang pagkain o kaya ay mga sariwang bulaklak. Nguni't kapag ang isang tao ay galing sa sementerio o sa patay, hindi siya dapat dumalaw sa may sakit pagka at maaaring lumala ang sakit nito.

(Neighbors customarily visit each other whenever any member of the family is sick. Sometimes, they bring food or fresh flowers. When one has just gone to the cemetery or to a dead person, he should not visit a sick friend or else her illness may get worse.)

Hindi nararapat dumalaw ang may sapanahon sa bagong nakapagluwal sapagka at baka ito ay palasin ng dugo.

(It is not advisable for one who has menstruation to visit a person who has just given birth. This may cause hemorrhage to the mother.)

h. Mga Pistahan (Festivals):

Ang una sa lahat ng mga araw na ipinagdiriwang ay ang pista ng bayan. Ito ay patungkol sa mahal na patrong "Nuestra Señora de los Dolores." Ang araw ng pista ay pabago-bago sapagka't ito ay isinusunod sa papatakan ng Mahal na Araw. Kung minsan, ang pista ay Marso, at kung minsan naman

[p. 15]

ay Abril.

(The fiesta of the town is one of the most important days celebrated. It is done in honor of the patron saint "Virgin Dolorosa." The feast day does not come always on the same date. It depends upon the Holy Week — that is, sometimes in April and sometimes in March.)

Kaiba ang pista sa bayan ng Dolores sapagka't ang purusisyon ay may turumba o pag-awit at pagsaya na patungkol sa Birhen.

(Unlike the fiestas in other towns, the procession [in Dolores] is quite different. The people dance and sing in praise to the Virgin.)

i. Mga Parusa (Punishments):

1. Pag-up sa hangin nang nakadipa.
2. Pagluhod sa balatong o buhangin.
3. Pinapalo ng makapal na tabla sa palad.
4. Itinataas sa patilya.

Punishments:

1. Sitting in the air with outstretched arms.
2. Kneeling on mongo or sand.
3. Whipping the palms with a thick piece of board.
4. Raising a child by pulling his hair at the temples.

10. Myths, legends, beliefs, interpretations, superstitions, origin of the world, rivers, first man and woman, sickness, witchcraft, magic, divination, etc.:

a. Mga Alamat (Myths and Legends)

Ang Unang Matsin

Matamang hinuhugis ng mahal na Panginoon ang dapi na inihahandang hurnuhin ayon sa kanyang anyo. Lingid sa kanyang kaalaman ay may isa palang kaluluwang masusing nagmamasid. Ito ay walang iba kundi si Lusiper, isang nilikhang lubhang mainggitin. Hindi niya nais na siya ay matalawan kahit na si Hesu Kristo, kaya ng at tinangka niyang gayanin ang ginagawa ng Panginoon. Kumuha rin siya ng dapi upang humugis ng isang anyo na kawangis ng niyayari ni Kristo. Matapos niyang mabigyan ng kasiyahang hugis ang dapi, ito ay kaniyang hinurno. Pagkatapos ay hiningahan niya ito at sa gayon ay isang buhay ang nayari. Sa pagmamadali ni Lusiper ay hindi niya napansin na may buntot nguni't walang kilay ang ginawa niya, at ito ay tinawag na matsin.

Origin of Monkeys

Jesus Christ was busy molding and baking clay which was in His own image. Without his knowledge, there was someone watching Him carefully in his steps. This was Lucifer. This man was always envious of Jesus Christ's power, so he planned to imitate what the Lord was doing. He got clay, too, then molded and carved it. After baking the clay, he found out that it had a tail but no eyebrows, so he called it by another name. The new life created was a monkey.

[p. 16]

Alamat ng Makopa

Sa di-kalayuang lugal ay may isang binatang nagngangalang Makisig, na siyang masugid na tagahanga ng mayuming si Maganda. Palibhasa'y mabikas ang kanyang tindig at maayos ang kanyang mukha, hindi naglaon at natamo niya ang pagsang-ayon ni Maganda.

Isang araw, samantalang nag-uulayaw si Makisig at si Maganda ay sa darating ang kaagaw sa kamay ni Maganda na si Malakas. Hinamon ni Malakas (ang kaagaw sa pag-ibig) si Makisig sa isang inuman. Sa malao't-madali'y nagkalasingan ang dalawa hanggang magka-initan sila ng salitaan. Nagalit si Malakas at sa kasubhan ng kanyang dugo ay sinaksak niya si Makisig na kasalukuyang nagtataas ng kupa ng alak. Dahil sa dumanak na dugo ay halos naging kulay grana ang kupa.

Nang lumingon si Maganda na noon ay kakatalikod lamang ay halos mawalan siya ng malay-tao. Pinangko niya ang kanyang mahal nguni't huli na ang lahat. Ikinibit lamang nito ang kanyang mga balikat at ipinikit na niya ang kanyang mga mata upang ipahinga magpakailan man. Ipinatawag ni Maganda ang kanyang mga tauhan upang ipalibing si Makisig. Isinama nila ang duguang kupa sa bangnkay.

Araw-araw ay dinadalaw ni Maganda ang ulilang puntod upang ito ay pagdasalan. Kung ano at parang sa isang hiwaga ay sasasilpot ang isang kakaibang punongkahoy. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagbunga ang kahoy na yaon at binigyan ng pañgalang "makopa."

Legend of the Makopa

In a place not far away, there lived a man named Makisig. He was an ardent admirer of the fair, modest Maganda. Due to his manly bearing, Makisig easily won the way to Maganda's heart.

One day, as Makisig and Maganda were romantically enjoying the scenery of the forest, Malakas, Makisig's rival, came. Malakas asked Makisig to have a drinking tournament and to this, Makisig acceded at once. Due to the spirit of the strong liquor, the rivals forgot themselves; and before anyone knew it, they were exchanging words hotly. Maganda had not yet gone any distance when she heard a fall. It was Makisig sprawled in his own blood. Malakas has stabbed him. Maganda almost fainted, but she tried to compose herself and ran to her beloved's side. In his hands was a small cup soaked in blood.

The wound was so grave that he died at that very instant. Maganda then call her men in order to arrange for her dear one's burial. When Makisig was buried, the cup was buried with him. After some time of constant visits made by Maganda to Makisig's grave, she found a strange tree growing. When it bore fruits, it was reddish in color, and they called it "makopa" or "may kopa."

Ang Simula ng Mundo

Noong unang panahon, walang makikita kundi ang araw. Sa kung anong himala ay napingas ang gilid ng araw at ito ay nalaglag upang maging mundo.

(Thousands of years ago, there was only the sun. Something mysterious happened. A part of the sun broke off into tiny pieces. When it fell, it became the earth.)

[p. 17]

Nang mayari ang mundo ay hindi naman matirahan ng kahit sino man dahil sa kainitan. Isang madilim na ulap ang biglang dumating, at pagkatapos nito ay bumagsak na ang malakas na ulan. Sa unang patak ng ulan ay para bagang nagpapatay ng baga ang maririnig na sirit. Ang mga singaw ay tumaas na muli at ito ay naging [mga] alapaap.

(When the earth was separated, it was a ball of fire, hence nothing could live on it. Very thick, dark clouds fell as rain. They fell to the earth. As the rain fell, it made a loud hissing sound like the noise that we hear when we pour water on live charcoal. Some of the water rose as vapor back into the air to become clouds.)

Patuloy ang paglamig ng lupa sa pagpatak ng ulan. Kasabay naman ng paglamig ng lupa ay ang pagkupis ng buong kabuoan nito. Sa bawa't gisi ay lumabas ang mga tunaw na buhangin at bato. Nang masimuyan ito ng malamig na hangin ay bundok naman ang nabuo.

(The clouds continued to cool off and fell as rain. The earth became cooler and cooler as the rain fell. The earth cooled off and shrank. Through these cracks, the melted rock inside came out and formed mountains, as soon as they met the cool breeze.)

Sa kapapatak ng ulan ay napuno ng tubig ang mga mabababang lunan. Ito ang siyang naging dagat, ilog, at lawa.

(The continuous rainfall fill up the low places with water. These became the seas, rivers, and lakes.)

Ang Bahaghari

Noong ang mundo ay bata pa, si Bathala ay doon naninirahan sa bundok ng Banahaw. Ang mga tao ay lubhang mga suwail, kaya pinarusahan niya ang mga ito. Pinaulan niya ng apatnapung gabi at araw. Halos lahat ng mga tao ay namatay maliban sa isang mag-asawa. Nang mamasdan ni Bathala ang naghanay na mga patay, siya ay dinatnang awa at kinuha niya ang kanyang gintong panulat. Sumulat siya ng isang balantok sa langit bilang pangako na ang gayon ay hindi na mauulit pa. Ang balantok na iyon ang unang "bahaghari."

Origin of the Rainbow

Several hundred years ago, Bathala lived in the mountains of Banahaw. During those days, the people were very troublesome, and so Bathala punished them. He made it rain for forty days and nights. All the people died except a couple who was spared by Bathala. Upon seeing the dead bodies, He pitied them. He got his golden pen and wrote an arc in the sky, signifying that the same event would not happen again. The arc was the first rainbow to be seen.

28. b. Mga Paniwala o Pamahiin (Beliefs & Superstitions)

1. Ang magkapatid ay masamang magsuno sa taon ng pag-aasawa at ito ay nagdudulot sa alin man sa kanila ng pagdadahop o kasawian.

(Brothers and sisters should not marry in the same year because it will bring misfortune to either of them.)

[p. 18]

2. Kapag ang magulang ay layas, ang pag-aasawa ng alin sa mga anak niya ay magbabayad sa kanyang pagkakautang na ginawa.

(It is believed that if one elopes, one of the children of this couple will also do the same in payment for what their parents did. [Note: This translation does seem to match the original Tagalog above.])

3. Ang panliligo sa araw ng kapanganakan ay sapat na upang ipagkasakit.

(Bathing on the day of your birth is due cause for illness)

4. Ang panghihinuko sa mga araw na may "r" ay nakakapagtayngahin ng daliri.

(When one cuts his fingernails on days containing the letter "r," hang-nails will surely develop.)

5. Ang pag-ungalo ng aso sa hatinggabi o ang pag-iyak ng uwak ay babala ng masamang kapalaran o kamatayan.

(The howling of the dog in the midst of the night or the crying of a crow is a sign of bad luck or death.)

6. Kapag ang mamamalang ay nakasalubong ng bayawak o ahas sa daan, iyan ay palatandaan na kakaunti ang kanyang mahuhuli.

(If a hunter meets a lizard or snake on the way, it is a sign that there will be a poor catch.)

7. Kapag napanaginipan mo na ang bagang ay nabunot, huag mong ipagkamaingay ito. Pumunta ka agad sa pinakamalapit na punongkahoy at doon mo ito ibulong. Sa gayon, ang ano mang kapalarang maaaring sapitin ay sa kahoy tatalab.

(When you dream that a molar is pulled, do not tell it to anybody. Instead, go to the nearest tree and whisper if there so that the bad luck will take effect on the tree and not on any member of the family.)

8. Ang pagtuntong sa mga punso ay dapat pag-ingatan sapagka at baka ikaw ay manuno. Ang nuno ang siyang tumitira sa punso, at kapag siya ay nagalit, magkakasakit ang sino mang tumuntong sa kanyang tirahan.

(Stepping on big mounds of earth or hillock will cause the old man or "nuno" living there to get angry. This anger is enough cause for an illness which may prove incurable unless the "nuno's" forgiveness is sought.)

9. Ang pagsusuklay ng buhok sa dapit hapon o gabi ay sapat na upang maging sanhi ng maagap na pagkamatay ng mga magulang.

(Combing the hair at night or when the sun is setting is due cause for death of either of the parents.)

10. Kapag may namatay, dapat iwasan ang pagpapatung-patong ng mga pinggan upang maiwasan ang pagpapatung-patong ng kasawian.

[p. 19]

(When there is a dead person, avoid putting the plates one over the other because this will bring a series of misfortunes.)

11. Ang pagbabasag ng mga kagamitan sa panahon ng kasalan ay nagbabadya ng maraming mga supling sa bagong kasal.

(The breaking of plates during a wedding is a sign of many offspring of the newlyweds.)

12. Ang mga nagsisikain ay nagpipihit ng pinggan may aalis na kasamahan sa bahay upang maiwasan ang ano mang sakuna na maaaring sapitin ng umalis.

(When one wants to leave at mealtime, everybody at the table turns his or her plate so as to keep the person leaving from harm.)

c. Pagkakasakit (Sickness):

Ang ilan sa mga taong una ay hindi pa naniniwala sa tunay na manggagamot at lagi pa rin sa erbolaryo tumatawag kung sila ay may karamdaman. Ang paniniwala nila ay tanging ang erbolaryo lamang ang makalulunas sa kanilang karamdaman at, bukod sa roon, hindi lubhang magastos.

(There are still many people who cling to the "erbolaryo" when they are sick. They are in the belief that the "erbolarios" know more than the Doctors of Medicine. Aside from that, their services are less expensive than the real doctors.)

Ang tapal na may orasyon ang karaniwang panggamot ng mga erbolaryo, halimbawa sa sakit sa ulo, ngipin, o mga sumisibol at bukol. Ang ibang uri ng sakit ay nalulunasan sa pamamagitan ng mga ugat, balat, dahon, at bulaklak ng iba't-ibang mga halaman.

(The most common way of treating diseases (whether internal or external) is the "tapal system." The herbolario gets a piece of cigarette paper, writes down several "oraciones," and then places it on the part of the body affected. Other kinds of illnesses are cured by drinking boiled leaves, roots, barks, and flowers of different plants.)

Karamihan ngayon ay bukas na ang pag-iisip sa Agham, at kapag mayroong karamdaman sa bahay, agad silang tumatawag ng doctor o manggagamot upang mabigyan ng lunas ang may sakit agad.

(Many of the people today are already believing in Science and Medicine, and when anybody gets sick, they call a doctor at once.)

d. Mga Kababalaghan (Witchcraft, Magic, and Divinations):

1. Mga Asuwang at Tikbalang (Witchcraft):

Ang isang malubha ang sakit ay binabantayang mabuti ng mga kasamahan lalo na sa gabi. Ang iba ay sa silong o sa paligid ng bahay nagbabantay upang huwag mapanhik ang may sakit ng asuwang. Ang paniniwala nila ay dumarating ang aswang kung gabi upang kunin ang atay ng may sakit.

[p. 20]

(A person who is seriously ill is being watched and carefully guarded by membes of the family, especially at night. They guard the sick person closely in the belief that the "aswang" usually comes to get the liver of the sick person.)

Ang isa pang pinagtatakhan ay ang tikbalang. Malimit na ang isang naglalakbay sa ilang na lunan ay naliligaw, at kahit na anong gawin niya ay lagi pa ring doon sa kanyang kinaroroonan siya nag-iikot. Upang ang gayong pagbibiro ay masaulian, dapat siyang magdasal.

(Another thing that the people fear is the "tikbalang." Oftentimes, a person, in the course of his travel in the forest, is waylaid, and no matter how much effort he exerts in finding his way, he always returns to the same spot. To break the "tikbalang's" spell, he has to offer some prayers.

2. Magpipiyon at Magtatawas (Divinations):

Kapag ang isang bagay ay nawawala, agad itong isinasangguni sa "magpipiyon." Kumukuha ng bilao ang "magpipiyon" at bago hinahanayan ito ng mga butil ng mais. Sa tulong ng mga "oraciones" ay natutukoy niya ang kinalalagyan ng nawalang bagay matapos ang masugid na pagtatanong ng nawalan at ng magpipiyon. Kung minsan nga naman ay nagkakatotoo ang hula nito.

(When someone loses anything, he goes to a "magpipiyon" and asks him to foretell where the lost thing may be found. The "magpipiyon" gets a winnowing basket and some kernels of corn. After a series of questions between the two, the "magpipiyon" utters some "oraciones," and soon, he is able to tell where the lost thing can be located. At times, it works.)

Ang isa pang karunungang maaaring hangaan ay ang "pagtatawas." Ang uri ng sakit ay nalalalaman sa pamamagitan ng itlog o tawas. Ito ay mailimt na nangyayari sa maliliit na mga bata, lalo na yaong mga kasisilang lamang. Kung minsan ay may mga balat na makikita sa iba't-ibang panig ng katawan. Ito ang tinatawag na pinag-ibigan. Kalimitan ay hindi mapapagaling ng doctor ang ganitong mga sakit, kaya ang "magtatawas" naman ang tinatawag ng magulang ng bata. Ang "magtatawas" ay kumukuha ng itlog, ikukurus ito sa paa, kamay, noo, at sa sikmura, at saka babasagin. Makikita sa pula ng itlog ang pagkain na naibigan ng ina noong kasalukuyang siya'y naglilihi. Binibili agad ang nagustuhang pagkain at linuluop ang bata at ang ina. Kinakain ng kaunti ng ina bago kumukuha ng baga at ilalagay sa kaunting pagkain doon. Pinasasanghab ng usok ang ina at sanggol. Pagkatapos nito ay pinapahiran ang balat o kung ano mang bukol iyon ng uling na sinunog na pagkain. Mga tatlong hapon ito isinasagawa at naaalis agad ang balat na parang walang ano man.

(Another knowledge relating to divination is foretelling the kind of illness that one has. This is often true to newly-born babies. Ugly spots appear in different parts of the body, and they are called "maternal impressions." They account this for the fact that the conceiving mother was not able to eat the food she liked.)

PART I | PART II | PART III

TRANSCRIPTION SOURCE:

Historical Data of the Municipality of Dolores, Province of Quezon, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post