MUNICIPALITY OF DOLORES, QUEZON, Historical Data of Part 3
PART III
[p. 21]
[p. 22]
[p. 23]
[p. 24]
29 - b Mga Laro at Aliwan (Games and Amusements):
Ang "sipa" ang kinagigiliwang laro ng mga lalake. Gumagawa sila ng bola sa pamamagitan ng uway at ito ay kanilang pinapalo ng kanila mga paa.
("Sipa" is a game wherein most men indulge their time. With the use of rattan strips, they make a hollow ball. They use it in the game.)
Ang mga aliwan ng mga tao, mababae o malalake man, ay ang "pandanggo." Sa saliw ng gitara ay nag-aawitan at nagsasayawan ang isang babae at lalake na may sunong na baso na alak.
(Men and women amuse themselves by singing and dancing the "pandanggo." A pair dances with a glass of wine on the girl's head.)
Sa matatanda naman ay ang pag-awit ng mga "kurido" at "pasyon" ang tangi nilang aliwan.
(Among the old ones, they love to sing and read the "kurido" and the "pasion.")
30. Mga Bugtong (Puzzles and Riddles):
a. Nagtanim ako ng dayap sa gitna ng dagat, marami ang nagsihanap, iisa lamang ang nagkapalad... Pagliligawan.
(I planted a lemon tree in the middle of the sea; many have looked for it but only one had the chance to locate it... Courtship.)
b. Ang dalawa ay tatlo na; ang maitim ay maputi na; at ang bakod ay lagas na... Matanda.
(Two have become three; black has gone white; and the fence has been turned down... Old man or woman.)
c. Pantas ka man at maalam, angkan ka ng mga paham, turan mo kung ano ang bapor nating sa katihan ay walang pinaglalagyan kundi ang gamit nating mahal... Plantsa.
(Wise and learned you may be, mention the ship that lodges on everything dear to us... Iron.)
d. Nagsaing si Judas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas... Gata ng niyog.
(Judas prepared to cook rice, he got the rice water and threw the rice... Coconut milk.)
[p. 25]
e. Ako ay may kaibigan, kasama ko saan man, mapatubig ay di nalulunod, mapa-apoy ay di nasusunog... Anino.
(I have a friend [who goes] wherever I go, in water, he does not drown and in fire he does not burn... Shadow.)
f. Di naman isda, di naman itik, nakakahuni ang bibig. Maging sa kati, maging sa tubig, ang huni ay nakabubuwisit... Palaka.
(It is not a fish, neither is it a duck, but it can make a sound when it desires to. Even in land or in water, its sound is very annoying... Frog.)
g. Hugis puso kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kanin... Mangga.
(It is heart-shaped and like gold. It smells sweet. It is very delicious... Mango.)
h. Kung araw ay bumbong, kung gabi ay dahon... Banig.
(There is a trunk without branches, with leaves but without fruits. [Note: This does not seem to be correct translation for "h."])
j. [Note: Letter "i" is missing.] Tangnan mo ang buntot ko at sisisid ako... Lumbo.
(Hold my tail and I will swim... Dipper.)
k. Lumalakad ay walang paa, lumuluha ay walang mata... Pluma.
(It walks although it has no feet, it cries although it has no eyes... Foundatin pen.)
l. Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan... Pinya.
(Leaf on which a fruit grew, fruit on which the leaf sprung anew... Pineapple.)
m. Nang hinulog ay gagabinlid, nang hanguinko ay ganggahihip... Labanos.
(When I dropped it, it was very tiny; but when I got it, it was as big as the stove blower... Radish.)
n. Sa init ay sumasaya; sa lamig ay nalalanta... Akasiya.
(It cheers up under the sun and withers when the cold comes. Acacia.)
o. Kandado roon, kandado rito, kandado hanggang sa dulo... Kawayan.
(Lock here, lock there, lock everywhere... Bamboo.)
p. Aso kong si Pantaleon, lumukso ng pitong balon, umulit ng pitong gubat bago nagtanaw dagat. Sunkahan.
[p. 26]
(My dog Pantaleon jumped seven holes and seven forests before he sighted the sea... Sunkahan)
q. Tubig na pinagpala, walang makakuha kundi munting bata... Gatas ng ina.
(Blessed water it is that only little children can get it... Mother's milk.)
r. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo... Aso.
(It is tall when it sits but short when it stands... Dog.)
s. Kung pabayaan mo ay mabubuhay; kung himasin mo ay namamatay... Makahiya.
(When you leave it [alone], it leaves; but when you tend [to] it, it dies... Makahiya plant.)
t. Naunang umakyat, nahuli sa lahat... Bubong.
(It was the first to climb but it came the last of all... Roof.)
u. Hindi hari, hindi pari, nguni't nagdadamit ng sari-sari... Sampayan.
(It is not a king; neither is it a priest; but it wears various kinds of clothes... Clothesline.)
v. Kitang-kita ang nakamatay nguni't hindi pa matalian... Hangin.
You saw [who] the murderer was, but you cannot tie it... Wind.
w. Maputing parang busilak, kalihim ko sa pagliyag... Papel.
(It is white as snow and it acts as my secretary in my correspondence... Paper.)
x. Nagsaing si Kurukutong, kumukulo ay walang gatong... Bula ng sabon.
(Kurukutong is cooking, even though there is no fire, it is boiling... Soap bubbles)
y. Haba mong kinakain, lalo kang gugutumin... Purga.
(You get hungrier and hungrier as you take it... Purgative.)
z. Munting bundok, hindi madampot... Ipot.
(It is a small mountain that cannot be picked up... Chicken feces.)
[p. 27]
31. Mga Salawikain (Proverbs and Sayings):
b. Pagkaraan ng ulap, lilitaw ang liwanag. (After the clouds come the light.)
c. Ang matibay na kalooban, lahat ay nagagampanan. (A strong will tackles everything.)
d. Kapag ang tao'y matipid, maraming maililigpit. (When one is thrifty, he can save mucn.)
e. Kung ano ang masama sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo. (Do unto others as you would like others to do unto you.)
f. Ang maagap, daig ang masipag. (An early person is better than an industrious one.)
g. Kapag may sinuksok ay may titingalain. (If you have something hidden, then you can have something to look to when the time comes.)
h. Ang tulog na hipon ay nadadala ng agos. (A sleeping shrimp is carried by the current.)
i. Walang binhing masama sa mabuting lupa. (There is no bad seed for a fertile soil.)
j. Bago mo bigkasin, makapito mong isipin. (Think seven times before you say something.)
k. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. (The earth has ears, the news have wings.)
l. Nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa. (The blessing is in God while the performance is in man.)
m. Ang di marunong magbata, walang hihinting ginhawa. (One who does not sacrifice will not attain any contentment.)
n. Kapag tinawag na utang, sapilitang babayaran. (If it is a debt, it must be paid.)
o. Ang taong mapagbulaan, hinlog ng magnanakaw. (A liar is the relative of a stealer.)
p. Ang naglalakad ng matulin kung matinik ay malalim. (One who walks fast runs thorns deeply.)
q. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan. (One who does not look back from whence he came can never reach his destination.)
r. Walang sumisira sa bakal kundi ang sariling kalawang. (Iron is destroyed by its own rust.)
s. Huli man daw at magaling, naihahabol din. (Even though a thing is late, but if it is good, you can still let it keep up with the rest.)
t. Di man magmana ng ari, magmana man lamang ng ugali. (Even though you do not inherit property, inherit at least good character.)
u. Ang pagsusugal ang pinakamabilis na sasakyan patungo sa kahirapan. (Gambling is an express trip to poverty.)
v. Kung may paraan ay may daan. (If there is a will, there is a way.)
w. Nasa pagkaka-isa ang lakas. (In union, there is strength.)
y. [Note: The letter "x" is missing.] Ang di nagaaksaya ay di kukulangin. (He who does not waste shall not want.)
z. Ang mabuting kahoy ay nagbubunga ng mabuti. (A good tree bringeth forth good fruit.)
[p. 28]
32. Paraan ng pagtantiya ng "oras" (Methods of Measuring Time):
Noong unang panahon, ang pagtatantiya ng "oras" ay ginagawa sa pahula-hula lamang kung minsan. Ang iba naman ay sinasabi ang oras sa pamamagitan ng tayo ng araw at ng mga anino. Ito ay totoo lamang kung araw, kaya at kung gabi naman ay sa tayo naman ng mga bituin nila sinasabi ang "oras." Ang isa pang "orasan" sa gabi at sa madaling araw ay ang tilaok ng tandang.
(During the early days, telling the time was a matter of guesswork. The people measured the time by the position of the sun in the sky and the shadows that are cast. This was possible only during the daytime, so at night, they guessed the time from the positions of the stars. This was rather a rough method, but even then, it helped the people greatly. Another way of telling the time at night and at early morning was by the crowing of the cock.)
15. Ibang Mga Alamat (Other Folktales): N O N E.
PART III - OTHER INFORMATION
34. Information on books and documents treating of the Philippines and the names of their owners - None.
35. Names of Filipino authors born or residing in the community, the subjects and titles of their works, whether printed or in manuscript form, and the names of the persons possessing them:
a. Author
Title
Classification Date published Possessor |
Juan A. Dejarme, Jr. Ang Buhay Poem August 1938 (Taliba Magazine) U.P. Library & Museum |
b. Author
Title
|
Juan A. Herrera A Tale of Hudoism Published in the Sunday Tribune Magazine before the war. |
c. Author
Title
|
1. Ako'y Dukha - Published in Mabuhay, May 1927. 2. Katarungan - Poem - Published in Mabuhay, May 1927. 3. Sa Harap ng Aklat - Story - Published in Sampaguita, 1928. 4. Magbalik Ka, Giliw - Poem - Published in Silangan, 1931. 5. Salamat sa Iyo - Poem - Published in "Libangan," 1933. 6. Ang Tagpo sa Kinabuhayan - Short Novel - Published in "Libangan," 1933. 7. Maglalagari - Poem - Published in Sulu, 1935. |
[p. 29]
8. Ang Lanzones - Poem - Published in "Sulu" in 1935.
10. Ang Ganda Mo and Dahil sa Iyo - Published in a Paper edited by Alinen in 1941.
9. Ang Guro - Poem - Published in "Sulu" in 1935. |
[SGD.] SEGUNDO N. MAYUGA - CHAIRMAN
[SGD.] Maximo A. Patron - Member
[SGD.] Ester de la Peña - Member
[SGD.] Francisco Ventocilla - Member
[SGD.] Jose P. Orieste - Member
TRANSCRIPTION SOURCE: