MUNICIPALITY OF CALAMBA (LAGUNA), Historical Data of Part IV - Philippine Historical Data MUNICIPALITY OF CALAMBA (LAGUNA), Historical Data of Part IV - Philippine Historical Data

MUNICIPALITY OF CALAMBA (LAGUNA), Historical Data of Part IV

Municipality of Calamba, Laguna

PART IV

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI

About these Historical Data

[p. 42]

nicely.

To bring prosperity and happiness throughout their wedded life, it has been the custom to throw rice at the newlyweds after the ceremony in the church and upon reaching the house.

It is the belief that to sew one's own wedding gown or to try the same before the wedding will bring bad luck. For some reason or another, the marriage ceremony may not be solemnized.

Unmarried ladies or bachelors should not act as sponsors in marriage or they will not get married anymore.

After the marriage ceremony, the bouquet is thrown at the bridesmaids. The one who catches the bouquet will get married soon.

During the marriage ceremony, the candles should be kept burning. The putting out of the light of either one of the candles accidentally signifies early death for the one who owns the candle.

It is not good to get married during the period of mourning for either party. If this happens, the couple will not have a happy life.

To ensure the prosperity and success of married life, the best time to get married is when there is a full mooon.

MGA KAUGALIAN SA PANLILIGAW AT PAG-AASAWA NOONG
UNANG PANAHON

Noong panahon ng ating mga ninuno ay iba ang paraan

[p. 43]

bago mapa-ibig ang isang binata sa isang dalaga. Ipinahihiwatig ng binata sa dalaga ang kanyang pag-ibig hindi sa salita kundi sa makahulugang tingin at sulyap. Kung may na-iibigan na siya ay pumupunta sa bahay ng dalaga upang makatulong sa mga gawain sa bahay, gaya ng pagkuha ng tubig, pagbabayo ng palay o di kaya ay pagsisibak ng kahoy na panggatong. Kung ang binata ay nagugustuhan ng mga magulang ng dalaga ay hindi sila kumikibo sa paninilbihan nito. Pagkalipas ng takdang panahon ay ipapatawag ng mga magulang ng babae ang mga magulang ng lalaki upang mapag-usapan ang layunin ng binata. Sa kabilang dako naman at hindi nagustuhan ng mga magulang ng dalaga ang binata ay pinagsasabihan itong tumigil na sa kanyang paninilbihan. Minsan, ang nangingibig na binata ay nagdadala ng regalo na pinakapiling bungangkahoy, manok, gulay, o anumang ikasisiya ng dalaga at ng mga magulang nito. Karaniwan ay buwan at taon ang lumilipas bago maganap ang pamumulong sa kasal. Ang dahilan nito ay upang masubok ang sipag at kataimtiman ng pag-ibig ng binata.
Sa araw ng pamumulong sa kasal, ang mga magulang ng binata ay naghahanda ng mga masasarap na pagkain at regalo na dadalhin sa bahay ng babae. Sa pamumulong, karaniwan ay humihingi ng tulong ang mga magulang ng lalaki sa isang taong pinagpipitaganan sa bayan na kung tawagin ay humlang. Ang humlang ang tagapamagitan sa panig ng mga magulang ng lalaki kung sakali't may hihilingin ang mga magulang ng babae na hindi nila makakaya sa pagdating ng mga mamumulong sa

[p. 44]

bahay ng babae ay buong galang at pagpipitagang binabati ng mga dumating at sino mang taong naratnan nila doon. Maingat silang lahat sa pananalita at sa pagkilos sa kagustuhang huwag silang mapintasan ng mga magulang ng babae na kung hindi magustuhan ang kanilang kilos at pananalita ay baka pa magbago ng isipan. Kung ang mga magulang ng babae at lalaki ay nagkasundo na, ang mga magulang ng lalaki ay mangangako na ipagpapagawa ng bagong bahay ang ikakasal at bibigyan ng regalo o pakimkim na pera, alahas, o lupa sa kasunduang makakayang ibigay ang mga hinihiling. Ang araw ng kasal ay itatakda ng mga magulang at saka lamang malalaman ng dalaga ang nalalapit niyang kasal. Kahit na hindi iniibig ng ang dalagang ang binatang kanyang pakakasalan ay hindi siya tumututol sapagka't ang pagsuway niya sa kagustuhan ng kanyang mga magulang ay nangangahulugan ng paglapastangan at pagkawalang galang sa kanila.
Ang kasalan ay idinaraos sa bahay ng babae. Isang araw bago dumating ang kaarawan ng kasal, lahat ng pagkaing ihahanda sa kasal ay iniluluto muna sa bahay ng lalake bago dalhin sa bahay ng babae. Lahat ng kamag-anakan ng babae ay inaanyayahan at buong-ingat na tinatandaang walang isa mang malilimutan. Sa araw ng kasal, ang kakasalin ay sinasamahan ng ninong at ninang sa kasal sa simbahang pagkakasalan ng pare. Ang umaayaw pang nobya ay natatagalan bago sumagot ng oo kundi pa inaamo ng ninang o kinukurot ng ina. Pagkatapos ng kasal, ang bagong kasal ay babalik sa bahay ng babae at doon ay sasalubungin sila ng sigawan

[p. 45]

ng nagagalak na mga panauhin. Ang bagong kasal ang unang hahainan kasama ng mga nagpaunlak sa masaganang pagking inihanda para sa lahat.
Pagkatapos ng pagdidiwang, ang nobya ay isasama ng magulang at kamag-anak ng nobya sa bahay ng lalaki, samantalang ang nobyo naman ay maiiwan sa bahay ng nobya ng mga tatlong araw. Sa pagbilog ng buwan, ang bagong kasal ay lilipat sa kanilang bagong bahay na dala ang lahat ng regalong natanggap buhat sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak noong araw ng kasal.

FILIPINO PROVERBS AND SAYINGS

I. Courtesy

"A crow in the east
Is also a crow in the west.

This means that a rude fellow is unpleasant wherever he goes. A boor who holds a high social or political position is indeed a sorry sight.

II. Honesty and Truthfulness:

a. An honest man's word is as good as his bond.
b. Be always ready to recognize the good points of another.
c. Let us love one another, for love is of God.

III. Courtesy and Helpfulness:

a. Kind hearts are more than coronets.
b. Courtesy gains all and costs nothing.

[p. 46]

c. All doors are open to courtesy.

IV. Cleanliness, Neatness, and Orderliness:

a. Keep yourself clean and bright through which you must see the world.

V. Courage and Bravery:

a. Greater love hath no man than this that a man may lay down his life for his friends.

VI. Punctuality and Promptness:

a. Seize time by the forelock.
b. One today is worth two tomorrow.
c. Procrastination is the thief of time.

VII. Thrift and Economy:

a. Buy not what you want but what you need of; what you do not want is dear as a farthing.
b. Practice thrift or else you'll drift.

VIII. Cheerfulness:

a. The best medicine a family can keep in its house is cheerfulness.

IX. Labor and Industry:

a. In the sweat of they face shall thou eat bread.
b. Three helping one another bear the burden of six.
c. Doing nothing is doing ill.
d. Light is the task when many share the toil.

X. Patience and Perseverance:

a. Many strokes, though with a little axe, hew down and fell the hardest timbered oak.
b. Every task can be accomplished by patience and industry.

XI. Sportsmanship:

a. He lost the game – no matter, for that he kept his temper and swung his bat

[p. 47]

to cheer the winners with a laugh.

XII. Self-Control:

a. When angry, count ten before you speak; if very angry, count a hundred.
b. I count him braver who overcomes his desires than him who conquers his enemies; for the hardest victory is the victory over self.
c. Who so keepeth his mouth and his tongue keepeth his soul from troubles.

XIII. Obedience:

a. He who has not learned to obey cannot hope to command.

XIV. Patriotism:

a. To die for one's country is a bliss indeed.

LIST OF PROVERBS (TAGALOG)

1. Kung wala ang pusa, naglalaro ang daga.
2. Ang pangako ay utang, huwag kalilimutan.
3. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad.
4. Lalong mabuti ang agap sa liksi.
5. Ang hipong tulog ay tinatangay ng agos.
6. Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin.
7. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
8. Ang agap ay daig ang sipag.
9. Ang manilwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
10. Munti ma't matindi, daig ang malaki.
11. Kung sino ang matiyaga ay siyang nagtatamong-pala.
12. Pag may hirap, may ginhawa.
13. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.
14. Ang langaw na tumuntong sa kalabaw ay mataas pa sa kalabaw.
15. Kung ano ang ginagawa mo sa kapwa mo ay siyang gagawin sa iyo.
16. Walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon.
17. Pag may isinuksok, may madudukot.
18. Ang kasipaga'y kapatid ng kayamanan; ang katamara'y kapatid ng kagutuman.
19. Kung ano ang lakad ng alimangong matanda ay siya ring lakad ng alimangong bata.
20. Ang kapalaran ko'y di ko man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang tanging akin.
21. Walang utang na di pinagbabayaran.

[p. 48]

22. Ang sakit ng kalingkinga'y damdamin ng buong katawan.
23. Kung ano ang hinala ay siyang gawa.
24. Kapag ang dagat ay maingay, asahan mo't mababaw.
25. Ang buhay ng tao'y gulong ang kabagay; kung minsa'y mapailalim, kung minsa'y mapaibabaw.
26. Kung ano ang pagkabataan, siyang pagkakatandaan.
27. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay di makararating sa paroroonan.
28. Ang lumakad ng marahan, matinik man ay mababaw.
29. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
30. Pagkahawi ng ulap, lilitaw ang liwanag.
31. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.
32. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
33. Ang matibay na kalooban, lahat ay magagampanan.
34. Kapag ang tao'y matipid, maraming maililigpit.
35. Kung ano ang masama sa iyo, huwag gawin sa kapwa mo.
36. Huli man daw at magaling ay naihahabol din.
37. Kung tunay ang tubo, matamis hanggang dulo.
38. Sa maliit na dampa magmumula ang dakila.
39. Walang binhing masama sa mabuting lupa.
40. Nakikita ang butas ng karayom, hindi ang butas ng palakol.
41. Bago gawin ang sasabihin, maka-ilang isipin.
42. Ang pagmamahal sa sarili ay nakakabulag.
43. Di man magmana ng ari, magmamana ng ugali.
44. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
45. Wika at batong ihagis, di na muling babalik.
46. Kung pinukol ka ng bato, ang iganti mo'y puto.
47. Ang hindi marunong magbatak, walang hihinting ginhawa.
48. Ang taong mapagbulaan ay hinlog ng magnanakaw.
49. Walang matibay na baging sa mabuting maglambitin.
50. Walang mataas na bakod sa taong natatakot.
51. Ang maikli ay dugtungan, ang mahaba'y bawasan.
52. Pag ikaw ay nagparaan ay pararaanin ka naman.
53. Ang bayaning nasugatan ay nag-iibayo ang tapang.
54. Hindi lalaki ang daga kundi malalaglag sa lupa.
55. Ang natatakot sa ahas ay huwag papasok sa gubat.
56. Malakas ang loob, mahina ang tuhod.
57. Ang taong tamad ay lalakad ng hubad.
58. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
59. Gawaing hindi dinahandahan karaniwa'y nasasayang.
60. Ang hanap sa bula, sa tubig nawawala.
61. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
62. Huwag kang kasisiguro't kurisma ma'y bumabagyo.
63. Pag ang punla mo ay hangin ay bagyo ang aanihin.
64. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
65. Ang nagtitiis ng hirap ay may ginhawang hinahangad.
66. Walang masamang pluma sa mabuting lumetra.
67. Walang matiyagang lalake sa tumatakbong babae.
68. Ang bahay mo man ay bato, kung ang tumitira'y kuwago, mabuti pa ang isang kubo na ang nakatira'y tao.
69. Kapag nakabukas ang kaban, natutukso kahit banal.
70. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.

[p. 49]

71. Patag na patag ang lupa, sa ilalim ay may lungga.
72. Ang gawa sa pagkabata ay dala hanggang sa tumanda.
73. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasabi ng maluwat.
74. Masahol ka pa sa ulol kapag sa ulol ka pumatol.
75. Ang tapat na kaibigan, sa gipit masusubukan.
76. Hindi tutuloy ang pare kundi sa kapwa pare.
77. Minamahal habang mayroon, kung wala'y patapun-tapon.
78. Ano mang tibay ng piling abaka ay walang lakas kapag nag-iisa.
79. Matibay ang walis, palibahasa'y nabibigkis.
80. Ang mabigat ay gumagaan kapag napagtutuwangan.
81. Ang buhay ay parang gulong, magulong at makagulong.
82. Taong tapat maglingkuran, kahit puno'y gumagalang.
83. Ang paggalang sa kapwa, di pagpapakababa.
84. Di masakit ang yumukod, ang masakit ay ang mauntog.
85. Ang tunay na pag-ibig, hanggang dulo'y matamis.
86. Magsisi ma't huli, wala nang mangyayari.
87. Marunong kumita ng sa ibang uling, bago'y mukha niya ang puno ng agiw.
88. Kung sino ang umaako, siyang napapako.
89. Masakit ang amba sa tunay na taga.
90. Anak na di paluhain, ina ang patatangisin.
91. Kung ano ang pag-akyat, gayon naman ang lagapak.
92. Ang matapat na andukha ay ang higpit ng alaga.
93. Ang tunay na pag-anyaya, sinasamahan ng hila.
94. Di man makita ang apoy, sa aso ay matutunton.
95. Ang araw bago sumikat, nakikita ang banaag.
96. Araw mo ngayon at sikat, ang sa iba nama'y bukas.
97. Kapag may sinimpan ay may aasahan.
98. Ang asong payat, kagatin ng pulgas.
99. Kung minsan ang awa, masakit na iwa.
100. Ang pag-ibig sa kaaway, siyang katapangang tunay.
101. Baboy na pagala-gala, lama't taba'y masama.
102. Umilag sa baga, sa ningas nasugba.
103. Ang bagoong takluban man, pilit na aalingasaw.
104. Ang bahay na walang tao, tuluyan ng sino-sino.
105. Walang sisira sa bakal kundi rin ang kalawang.
106. Ang nakatabi sa batis, nakikinabang nga lamig.
107. Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka ng maluto, iba ang kumain.
108. Kung ano ang bukang-bibig, siyang laman ng dibdib.
109. Biyaya at handog, mabisang panghimok.
110. Ubos-biyaya, pagkatapos nakatunganga.
111. Bayabas mang bubot, biyaya rin ng Diyos.
112. May mahinhing talipandas, may dalahirang banayad.
113. May taong totoong duwag, tumatakbo'y walang sugat.
114. Ang katulad ng magalang, matalas na mangalakal, ang puhuna'y bitawan man, ibayo ang pakinabang.
115. Madali ang maging tao, mahirap ang magpakatao.
116. Lumalaking parang kawayan at walang kasaysayan.
117. Mabaho man ang daliri mo, di mo maipalamon sa aso.
118. Di man ibigin, huwag mong hiyain.
119. Ang marahang pangungusap, sa puso'y nakakalunas.

[p. 50]

120. Ang di marunong makiugali, walang kabuluhang umuuwi.
121. Ang di magsapalaran, hindi makakatawid ng karagatan.
122. Mahanga'y puring patay sa masamang puring buhay.
123. Ang mahinhing dalaga, sa kilos nakikilala.
124. Ang taong mapagtanong, hindi nababalatong.
125. Mabuti sa tingin, nakahihirin kung kanin.
126. Mabigat man ang kalap, kung tulong-tulong ang magkakamag-anak, magaan ang pagbuhat.
127. Ang lihim na katapangan, siyang pakikinabangan.
128. Ang naghahawak ng maraming dalag, nakakawalang lahat.
129. Maputi ma't durog, manhango'y palay bundok.
130. Ang damit na hiram, kung di masikip ay maluwang.
131. Ang taong walang pilak ay tulad sa ibong walang pakpak. 132. Kung maliligo'y sa tubig ay aagap, nang di abutin ng tabsing sa dagat.

MGA BUGTONG (RIDDLES)

1. Bulsikot ni kaka, punong-puno ng lisa. - kalamansi o dayap
2. Narito na ang kinaon, wala pa ang kumaon. - bunga ng niyog na inilaglag ng pumitas
3. Bahay ng hari, libot ng tari. - puno ng lukban
4. Hayan na, hayan na, hindi mo pa nakikita. - hangin
5. Buto't balat, nguni't lumilipad. - saranggola
6. Ha-bilog, ha-pandak, ha-mata, ha-dilat. - atis
7. Heto na, heto na, sa dahon nakikita. - hangin
8. Ate ko, ate mo, ateng lahat ng tao. - atis
9. Gayong nag-iisa, larawan ng lahat na. - salamin
10. Aso kong puti, inutusan ko ay hindi na umuwi. - dura
11. Lahat, ako ang minamahal; mang-aawit ang aking tatang, suot ay putian, ang puso ko ay dilaw. - itlog
12. Ik, hindi naman biik, mo, turingan mo. - Ikmo
13. Heto na si kaka, bubuka-bukaka. - gunting
14. Kung araw ay bumbong, kung gabi ay dahon. - banig
15. Aling pagkain sa mundo ang di pinagsasaan ng tao? - kanin
16. Bahay ni kaka, hindi matingala. - noo
17. Itagilid mo't itiwarik, hindi maligwak ang tubig. - tubo
18. Nang wala pang ginto ay saka nagpalalo, nang magkagintu-ginto, ay saka pa sumuko. - palay
19. Isang pinggan, laganap sa buong bayan. - buwan
20. Hindi hayop, hindi tao, walang gulong ay tumatakbo. - agos ng tubig
21. Puno'y layu-layo, dulo'y tagpu-tagpu. - bahay
22. Kung kailan ko pa pinatay, saka humaba ang buhay. - kandila
23. Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag ko, turingan mo kung ano? - batu-bato
24. May alaga akong isang hayop, malaki pa ang mata kaysa tuhod. - tutubi
25. [unreadable] ng hari, binuksan ko'y hindi na nauli. - itlog

[p. 51]

26. Naghanda ang alila ko, nauna pang dumulog ang tukso. - itlog
27. Tangnan mo ang buntot ko at sisisid ako. - tabong may tangkay
28. Naunang umakyat, nahuli sa lahat. - bubong
29. Naaabot na ng kamay, iginawa pa ng tulay. - kubyertos
30. Kung pabayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatay. - makahiya
31. Tumutulo ang balisbisan, tuyo ang bubungan. - tungtong
32. Kaisa-isa na'y kinuha ko pa mandin ang isa, ang natira'y dalawa. - tulya
33. Ulung-ulo at paa, walang nakakakuha. - turumpo
34. Hindi hayop, hindi tao, walang tulong ay tumatakbo. - agos ng tubig
35. Walang pintong pinasukan, nakarating sa kaloob-looban. - pag-iisip (itlong na maalat)
36. Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta. - akasiya
37. May ulo'y walang buhok, may tiyan ay walang pusod. - palaka
38. May binti ay walang hita, may balbas ay walang baba, may mata ay walang mukha. - tubo
39. Nag ihulog ko'y ganggabinlid, nang hanguin ko'y gangga-ihip. - labanos
40. Naliligo si kaka, hindi nabasa ang katawan. - gabe
41. Bagaman at nakatakip ay naisisilip. - salamin sa mata.
42. Pagsipot sa maliwanag, kulubot na ang lahat. - ampalaya
43. Maputing parang busilak, kalihim ko sa pagliyag. - papel
44. Bumubuka'y walang bibig, ngumingiti ng tahimik. - bulaklak
45. Hindi hayop, hindi tao, ang balat ay kuwero. - kastaƱas
46. Uka na ang tiyan, malakas pang sumisigaw. - kampana
47. Magtag-ulan at magtag-araw, hanggang tuhod ang salawal. - manok
48. Nagsaing si Pusong, nasa ibabaw ang tutong. - bibingka
49. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. - sambalilo
50. Nang maglihi'y namatay, nang manganak ay nabuhay. - sinigwelas
51. Nakaluto'y walang init, umaaso kahit malamig. - yelo
52. Matibay ang luma kay sa bago. - pilapil
53. Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis. - sili
54. Oo nga't sili, nasa loob ang aligi. - alimango
55. Oo nga't alimango, nasa loob ang ulo. - pagong
56. Oo nga't pagong, nasa loob ang tumbong. - niyog
57. Oo nga't niyog, nasa loob ang bunot. - mangga
58. Oo nga't mangga, nasa loob ang mata. - pinya
59. Oo nga't pinya, naghubo ng saya. - labong
60. Bahay na giringgiring, butas-butas ang dingding. - bithay
61. Isang kabang sinyorito, pulos may sumbrero. - bunga
62. Kung saan masikip, doon nagpipilit. - labong
63. Dumaan ang hari, ang mga tao ay nangagtali. - bagyo
64. Pumuputok, di naririnig, tumatama'y di masakit. - araw
65. Tubig na pinagpala, walang makakuha kundi bata. - gatas ng ina
66. Ang dulo'y namumulos, ang huli'y nagagapos. - karayom
67. Baboy ko sa Sorsogon, kung di sakya'y di lalamon. - kudkuran

[p. 52]

68. Buhat sa puno hanggang dulo, pulos kuwarto. - kawayan
69. Sa pitong magkakatotoo, lima lamang ang naging santo. - (Lunes Santo hanggang Viernes Santo)
70. Sagana sa ugat, sagana sa dahon, kulang sa pamumulaklak. - kawayan
71. Aling bagay dito sa mundo ang laging lumuluha sa harap ng santo? - kandila
72. Kahoy na dumikit sa tainga, taingang dumikit sa kahoy. - taingang kahoy
73. Pantas ka man at marunong, ito'y turingan mo ngayon: aling kahoy sa gubat, nagsasanga'y walang ugat? - sungay ng usa
74. Nagtanim ako ng dayap sa gitna ng dagat, marami ang humanap, iisa lamang ang nagkapalad. - pagliligawan
75. Pantas ka man at maalam, angkan ka man ng paham, turan mo kung ano ang bapor nating sa katihan ay walang pinaglalagyan kungi ang damit nating mahal? - prinsa
76. Maitim na parang uwak, maputing parang tagak, walang paa'y nakakalakad, sa hari'y nakikipag-usap. - sulat
77. Ako'y may kaibigang kasama ko saan man, mapatubig ay hindi nalulunod, mapaaopy ay hindi nasusunog. - anino
78. Tatlong magkakaibigan, magkakalayong bayan, kung magkainan ay nagkakaharapan. - ikmo, bunga, at apog
79. Hugis puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin. - mangga
80. Umupo si maitim, sinulot ni mapula, nang malao'y kumarakara. - sinaing
81. May puno walang sanga, may dahon walang bunga. - sandok
82. Aling itlog ang may buntot? - lisa
83. Tangnan mo ang buntot ko at sisisid ako. - lumbo
84. Ako'y nagtanim ng granada sa gitna ng laguerat, pito ang puno, pito ang bunga, pitong pare ang nanguha. - pitong sacramento
85. Walang itak, walang kampit, gumagawa ng mahal na ipit. - gagamba
86. Isang senyorang nakaupo sa tasa - kasoy
87. Lumalakad walang paa, lumuluha walang mata. - pluma
88. Nang maalala'y naiwan, nadala nang malimutan. - amorseko
89. Nakaluhod kung gawin, nakasamba kung lutuin, nakatingala kung kunin. - tsokolate
90. Kung maliit ay minamahal, kung lumaki ay pinupugutan. - palay
91. Hindi hari, hindi pari, nagdadamit ng sari-sari. - sampayan
92. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. aso
93. Hindi hayop, hindi tao, nagsasalita ng Tagalog. - ponograpo
94. Lumuluhang lumalakad, patay ang kinakausap. - papel at pluma
95. Tubig na sakdal linaw na dinadala sa kamay. - yelo
96. Lumalakad ay walang humihila, tumatakbo'y walang paa. - bangka
97. May ulo ay walang mukha, may katawan walang sikmura, namamahay ng sadya. - palito ng posporo
98. Aso kong si Pantaleon, lumukso ng pitong talon, umulit ng pitong gubat bago nagtanaw dagat. - sungkaan

[p. 53]

99. Tubing sa ining-ining di mahipan ng hangin. - tubig ng niyog
100. Isda ko sa sapasapa, susun-suson ang taba. - saba
101. Eto na si kaka, may sunong na dampa. - pagong
102. Duwag ako sa isa, matapang ako sa dalawa. - tulay na kawayan
103. Tabala magkabila alulod ang gitna. - dahon ng saging
104. Bahay ni Ka Huli, haligi'y bali-bali, ang bubong ay kawali. - alimango
105. Aling dahon sa mundo ang iginagalang ng tao? - watawat
106. Ang anak ay nauupo na, ang ina'y gumagapang pa. - kalabasa
107. Puno ay buko-buko, dahon ay abaniko, bunga ay parasko, perdigones ang buto. - papaya
108. May binti walang hita, may tuktok walang mukha. - kabuti
109. Dalawang tabong malalim, hindi maabot ng tingin. - tainga
110. Kung araw, amo ka, kung gabi, halika. - bintana
111. Nagsaing si kurukutong, kumukulo'y walang gatong. - bula ng sabon

OUR FOLKWAYS

Women of the fields usually smoke their cigarettes with the lighted end inside their mouths. Curiously, their palates are not burned by the lighted cigarettes. These women enjoy their smoke more this way, and add that the heat in their mouths enables them to endure the cold of the open fields, especially when it rains.

"Buena mano," literally translated means "good hand" and every vendor and peddler yearns for a "buena mano." If the first customer of the day offers a good price for anything in the store, the vendor believes that throughout the day, he'll be blessed with luck.

Now, even if the first offer spells a loss for the vendor, he gives in to the customer, "Okay, you can have it for 'buena mano.'" In other words, the vendor believes that if he rejects the very first offer for his merchandise, he's

[p. 54]

going to be dogged with ill luck the whole day. He would rather take a loss on one article than many losses the whole day.

In barrios where bananas grow in abundance, a man cuts a broad banana leaf and uses it as an umbrella. Once indoors, he discards the leaf.

Children often use a jute sack over their heads and shoulders, tucking one closed end under the other.

When a Tagalog calls at a house and does not find anybody at the door or at the window to bid him enter, he knocks timidly on the door or on the wall and follows it with a soft, respectful, "Tao po."

Literally translated, "tao po" means "person sir," a contraction for the longer "This is a person sir!", "po" being for sir or madam. "Tao po" must have been invented a long time ago not only as a greeting to the household but also to save the people of the household the trouble of finding out if the jarring sound at the door is made by a human or an animal or the wind.

Very widespread in the Philippines is the awarding of peculiar nicknames or aliases to both men and women. Among the Tagalogs, the alias is called "bansag." One looking for a Julia de los Santos would be met by vacant stares until somebody remembers that the real name of "Juliang Basahan" (Julia the Rag) is Julia de los Santos.

This awarding of aliases makes the people in the rural areas feel closer to each other. The familiarity makes them

[p. 55]

of one piece. The aliases are not resented even if they constitute downright insults.

How do the aliases come about? They are given by one's close friends and, by frequent repetition, become known to everybody in the place. The usual bases for aliases are (1) a physical defect or peculiarity. Examples: Tomas Pilay, Bertong Duling, Juan Bulutong, etc. (2) a fondness for some peculiar food as: Pedrong Guinataan, Carlos Pakuan, Juanang Dinuguan (3) A similarity to some animals as: Inggong Daga, Joseng Kabayo Tomas Bayawak (4) Only the vulgar humor of the rural folk could be responsible for such outlandish aliases as Pedrong Sawa (Pedro the Serpent), si Apoy (the fire) (5) A bad habit as: Nenang Daldal, Busiang Galgal, etc.

It will be seen that the Tagalog bansag or alias is given more in fun and as a sign that one belongs to a compact community, than for any other reason. That's why no one resents the alias given to him no matter how humiliating it is.

1. The wife of a governmental official or a professional is not called simply by her first name or even as Mrs. So and So. If she is the wife of a doctor, she is called Doctora. The wife of the mayor is called Alkaldesa and that of the governor is called Gobernadora.

GREETING AND ADDRESSING CUSTOMS

Ordinarily, "Lolo" and "Lola" are only used for grandfathers and grandmothers, respectively, but in some places,

[p. 56]

like in Calamba, these words are used for old people as a sign of respect.

Among the Tagalogs, "Mang" is prefixed to a man's name, exclusively. It is equivalent to "Mister" but is not as respectful as "Ginoo."

When one is not familiar with a person's name and wants to call his attention, it is the height of impoliteness to use the equivalent of the American "Hey!" The address used is "Mama" (equivalent to Mister) or "Ale" (equivalent to "Miss" or "Mrs.").

Wives of men occupying high positions in the government get the same titles as their husbands except that the suffix "a" is added. Thus, the wife of the capitan is addressed Capitana, governadora (the wife of a governor). It is a survival of the custom during the Spanish days. Both husband and wife carry the title even after the husband's administration is over. Even after their deaths, they are always referred to by these titles.

MEDICAL CUSTOMS

1. Removing Fishbones -

Many people in the olden times go to the extent of bringing to a hospital or to a doctor one who has swallowed a fishbone which got stuck in the throat.

The most common local cure is to bring the sufferer to a person who is known to have been born feet first (instead of the normal way of head first). Among the Tagalogs, such

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI

Transcribed from:
Historical Data of the Municipality of Calamba, Laguna, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post