MUNICIPALITY OF CALAMBA (LAGUNA), Historical Data of Part VI
PART VI
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI
[p. 75]
Small children of the deceased are brought across the coffin by somebody before the interment. This is done so that the children will not cry at night and call for their deceased parents or be visited by the spirits of the departed.
In Calamba, singing jousts are held when the dead one is a child. While in many places, the death of an adult is mourned, that of a child should not occasion sorrow. Children, it is held, are innocent creatures without any sin at all, and when they die, they are sure to go to heaven. As a matter of fact, the parents of deceased children believe that their little sons or daughters will be at the gates of heaven when they (the parents) die, and these little ones will be the ones to pull them into paradise.
If the deceased is a mother and has left behind several small children, it is believed that the deceased will try will try to take her children with her to the other world or haunt them until they fall sick and die also. To offset this horrible possibility, the children are passed over the bier of the dead mother.
In some barrios, a surviving child is either dressed in red or wrapped in a red blanket to frighten the spirit of the deceased mother from haunting her child.
When there is a dead person in the house, the family prepares things to eat for those who will keep vigil over the dead. Members of the family wear black for mourning. They do not wear gaudy clothes.
During the fourth and ninth day after death, prayers
[p. 76]
When a corpse is taken out of a house, the path were the dead has been carried is poured with water. It is believed that the soul of the dead person will not return.
It is a common custom among the people of the locality that when a person is dead, no member of the family of the dead takes a bath or cleans the house, as it is considered an ill omen.
When there is a funeral, people take off their hats in token of respect. Members of the bereaved family do not attend social gatherings for a period of one year.
A person should not be buried in a coffin the measurement of which is larger than the dead. People say that this is bad because there is more space for others. An immediate member of the family of the dead may soon follow.
When a dog howls in the dead of the night, a person in the neighborhood is about to die.
If someone smells a lighted candle or the fragrance of flowers when these are not around, it foretells that a relative is about to die.
A black butterfly hovering around someone foretells
[p. 77]
If a family plans to build a house, it should not be thoroughly completed, otherwise a member of that family may meet an early death. The house should be built with a part unfinished, which should then be completed when the family has lived in it for sometime.
People believe that the soul of a dead person will come back if money or anything of value has been left hidden in the house. Unless this is found, scratching sounds or knocks will be heard in any part of the house.
TRADITIONS REGARDING BAPTISM
A child is usually baptized when he or she is a month old. By that time, the mother is strong enough to attend to the festivity. In cases of emergency, as when the child is on the verge of death, any person in the household can get water and salt and sprinkle water on the child. The usual prayer is "In the name of the Father, of the Son, and of the Holy Ghost; I baptize you by the name ____________."
If the child is a girl, the godmother provides the baptismal dress. The dress is either white or pink. When a boy, it is either white or blue. The godmother or godfather pays the church fees and oftentimes gives "pakimkim" in the
[p. 78]
When one is asked to be a godfather or godmother, he or she should not deny it. It should be accepted for it will bring good luck.
During the baptismal ceremony, one should be careful not to let the bonnet or shoes fall, as it will cause the early death of the child. If the child cries when he is given salt during the ceremony, it is believed that the child will be industrious, intelligent, and lucky in life. Otherwise, the child will be stupid, dull, lazy, and shy.
After the ceremony, if there are many who had been baptized, the godfathers and godfathers see to it that they are first to go out of the church door. They believe that when the godson or goddaughter grows, he or she will not be defeated in all of his or her undertakings.
Godfathers or godmothers often give gifts in the form of money in order to give good fortune to the child. This is called "pakimkim."
The godparents usually scatter coins upon arriving at the home of the godson or goddaughter. This means that
[p. 79]
During the baptismal ceremony, care should be exercised that the bonnet or shoes of the baby do not fall to the floor. This is a sign of bad fortune. The baby may die early.
In a baptismal ceremony, when there are more girls than boys to be baptized, these girls will have many suitors when they grow up. This goes with the boys, too. They will be lucky in love affairs.
The bonnet used by the baby during baptism is kept and hidden by the mother. On the first day the child goes to school, the very top of the bonnet is cut into fine pieces and mixed with the food of the child when he comes home from school. It is believed that the boy will be bright in his school work.
B I R T H
When a woman is about to give birth, visitors and relatives should not stand on the doorway. It will cause the woman hardship in delivery.
It is believed that those born on bright days are cowards, while those born on moonless nights are brave.
Many people believe that when a woman is conceiving and she happens to like something which she is unable to possess or eat, her offspring will be affected. Defects on the children will be seen.
[p. 80]
It is a common belief among the people that when a child is born, paper money should be placed under the place where the baby lies. This will mean a sign of plenty for the child.
It is a common practice that when a child is born, his "inunan" is wrapped in a newspaper before being buried. People believe that the child will be intelligent.
When a woman is conceiving, she should not put anything around her neck, especially a towel, because the child will have a hard way of coming out. The "pusod" of the baby will coil around his body, resulting in the baby's death.
If a woman is on the family way, and she cooks, the pieces of firewood should not be placed inverted in the stove. This will cause the baby to come out feet first. A mother about to give birth should not construct a house. The woman will have a difficult time in delivery. It may result in death.
If a wife is pregnant, the husband should not act as a godfather. It is the common belief that death may result to the mother or to the young baby.
WITCHCRAFT
[p. 81]
NAMAMATANDA
Ayon sa paniniwala ng mga matatanda, dito daw sa ibabaw ng lupa ay may mga taong hindi natin nakikita subali't tayo ay nakikita nila, na kung tawagin nila ay matanda sa punso. Kapag itong matanda sa punsong ito ay natapakan o dili kaya ay nasaktan, ikaw ay pagkakasaktin nito. Kailangan daw na kung ikaw ay nagdaraan sa mga tabing ilog, sa bukid, o mga lilim ng mga malalaking punongkahoy ay sasabihin mong, "Tabi po nuno," sapagka't ang mga pook na ito ang ibig nilang tigilan.
Kung magalit sa kung sino man ang matanda sa punso, ito ay nagkakasakit. Lalagnatin o sasakit ang isang bahagi ng kanyang katawan na naibigang pasakitin ng matanda. Ayon sa mga manggagamot nito na kung tawagin ay magtatawas, lulubha ang sakit kapag ang may karamdaman ay tinurukan ng iniksion.
Ang paraan ng paggagamot ay ganito: kukuha ang mag-
[p. 82]
ANG UHIYA AT BALIS
Dito sa Kalamba ay marami pang mga tao na naniniwala sa "uhiya" o "balis." Ayon sa mga taong may kaalaman sa paggamot ng uhiya o balis, ang tao, bata man o matanda, na nabati ng isang taong pagod na pagod at gutom ay lalagnatin, sasakit ang tiyan o magsusuka. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay kailangang pahiran ng laway sa sikmura ang bata o matanda na batiin ng taong pagod o gutom.
Kadalasan, ang taong na-uhiya ay nakakaramdam ng sakit pagka-alis ng taong bumati. Kung minsan daw ay ang magulang ng bata na galing sa kanilang gawain ang nakaka-uhiya o nakakabalis, kaya't kailangang pahiran ng laway ng mga ito ang anak nila kung sumasalubong sa kanila ng sila ay gutom at pagod.
Kapag ibang tao ang naka-uhiya, ito ay pangagangain at ang laway ay siyang ipapahid sa sikmura ng may sakit at ang may sakit ay madaling gagaling.
[p. 83]
METHODS OF MEASURING TIME
During dry season and at the peep of dawn, the old folks could determine the time to be between 5:00 and 5:30 A.M. by looking at the sky.
It would be 12:00 at noon when the shadow of a person falls directly under him.
At the first crow of the roosters at night, they say that it is 10 o'clock.
At the second crow, it is 11:00.
Then, at the first crow of the roosters at dawn, it is 4:00 A.M.
During the early days, people believed that when they felt hunger gnawing at their vitals at noon, it is already 12:00.
In the afternoon, when they see the sun set, they believed it was 6:00.
P U Z Z L E S
[p. 84]
S O L U T I O N S
2. There are 66 birds in the flock.
3. Nineteen days.
4. Three feet of ham (3ft. - 1 yard).
5. A wife.
6. Nobody. A peacock does not lay eggs, being a male bird, it is a peahen.
7. The teacher trains the mind, while the engineer minds the train.
8. I have 7 centavos while you have five centavos.
9. When the ship is on fire.
10. Two sides, the inner and the outer sides.
ANG PAMAHIIN AY GUMAGANAP NG ISANG MAHALAGANG
TUNGKULIN SA PANG-ARAW-ARAW NA KAPANIWALAAN
NG KARANIWANG PILIPINO
[p. 85]
Sa pagiging isang lahi, ang mga Pilipino'y hindi naman masasabing lubos ang kanilang pagkamapamahiin. Ito'y pinatutunayan ng katotohanang maaari nilang talikuran ang kanilang paniniwala sa pamahiin sa pagpapatutoo ng mabuting pangangatwiran. Maaaring paniwalaan na ang kanilang paniniwala pa hanggang ngayon sa pamahiin ay ipinamata sa kanila at sila'y hinikayat ng ilang tao na nakikinabang sa kamalang-muwang at pagka-panatiko ng isang lahing binibihasa.
Lahat halos ng pamahiing inihahayag sa ilalim nito ay sinusunod pa rin ng mga Pilipinong nasa mababang uri ng kaunawaan.
1. Bago isilang ang isang sanggol na Pilipino'y labis na nag-iingat ang mga magulang nito, upang ito'y sumilang ng maayos. Ang ina'y hindi natutulog sa tabi ng bintanang bukas sa pangambang ang may masamang kaluluwa, tinatawag na "aswang," ay baka matangay ang bata. Siya'y naglalagay ng asin kung gabi, upang maitaboy ang impakto.
2. Sa pagsilang ng sanggol, kung ang inunan nito ay ibaon na may kasamang baraha, pinaniniwalang ito'y magiging isang manunugal; kung itatapon (ang inunan) sa ilog, ang bata'y isang sipunin; kung ibaong may kasamang isang aklat ay lalaking matalino; kung ilalagay sa palayok at ibitin, ang bata'y tatapang.
3. Ang mga natutulog na bata'y hindi dapat na gisingin agad sa takot na baka ang kanilang kaluluwang nalalayo ay hindi makabalik sa husto ng panahon. Kung may isang taong
[p. 86]
4. Sa pagdadala ng bata sa simbahan upang ito'y binyagan, kung sa daa'y may lumagpak na isang dahon ng isang bambang, ang bibinyaga'y lalabas na mabuting manglalangoy; kung ang bata'y makikipaglaro sa pagong, ito'y mabagal at mahina ang ulo.
5. Ang itlog na bugok ay hindi dapat na ipakain sa mga bata upang ang kanilang isipan ay hindi humina.
6. Kung ang isang bata ay mahulog, buhusan agad ng tubig ang kinahulugan upang ang sakit ay mawala agad. (Ito'y kalimitang ginagawa kung ang bata'y sa harapan nahuhulog.)
7. Ang mga batang ipinanganak sa araw ay duwag; nguni't kung sa gabi ay matapang.
ILANG SA MGA PAMAHIIN SA PAGTATANIM AY ANG MGA SUMUSUNOD:
1. Kung nagtatanim ng saging ay huwag titingala, sapagka't ang puno'y lubhang tataas babo mamunga.
2. Sa pagdidilig ng bagong katatanim na punong-santol ay magsubo ng isang dakot na asukal upang ang bunga nito ay tumamis.
3. Sa pagtatanim ng palay ay magbaon ng [unreadable] ginagamit sa [unreadable]) upang malalaki ang [unreadable]
[p. 87]
4. Sa pagtatanim ng ampalaya ay magsubo ng isang dakot na asukal upang ang ampalaya ay huwag pumait.
5. Huwag magtanim ng punong ilang-ilang nang malapit sa bahay sapagka't pag ginawa ito, isang kasambahay ay mamamatay.
6. Sa pagtatanim ng niyog ay magpasan ng maraming batang madadala upang ang puno'y mamunga ng marami.
SA DIGMAAN, PESTE, KAGULUHAN, AT KAMATAYAN
1. Kung may usang dumalaw sa loob ng bayan, ay bayan ay dadalawin ng kolera o ibang sakit.
2. Kung may isang kometang makikita ay may darating na digmaan o peste sa lalong madaling panahon. Kung mamumulaklak ang kawayan, sa taong yao'y may darating na tuyot o tag-gutom.
3. Ang paghuni ng kuwago sa liwasang-bayan ay nangangahulugang ang bayan ay sasalakayin o dadalawin ng kaguluhan.
SA MGA DALAW
1. Kung ang butiki ay magkanta o humuni sa may pintuan, may darating na isang panauhin.
2. Kung maghilamos ang pusa ay may dadalaw na mga panauhin.
3. Kung magtawa ang apoy sa kalan, hindi malauna'y may darating na mga panauhin.
4. Kung makakakita ng siklab sa puwit ng palayok sa pagluluto ng pagkain, sa madaling panaho'y may darating ng mga panauhin.
SA ULAN
1. Kung umubo ang baka ay uulan ng malakas at sapaw ang mga ilog.
2. Ang pagpapaligo sa pusa ay nagpapaulan.
3. Kung ang isang palaka ay patayin nang nakaharap sa langit ay uulan sa araw na yaon, kung hindi ma'y sa susunod.
[p. 88]
4. Pag maraming langgam na may pakpak ang nakikitang nagliliparan sa gabi, nangangahulugang maraming araw na maulan ang susunod.
5. Kung may isang ahas na tumawid sa ilog, ito'y nagpapahiwatig na magkakaroon ng malaking baha.
6. Kag nagbahin ang isang kalabaw ay uulan.
KIDLAT AT KULOG
IBA PA
1. Kung ang isang manunugal ay makapulot ng barya patungo sa sugalan, siya ay mananalo.
2. Kung makagat ang dila sa pagkain, mayroong nag-uusap ng masama ukol sa iyo.
3. Ang paghihinuko sa mga araw na may "r" (Martes, Miyerkoles, Biyernes) ay nagpapamutok sa mga balat ng malapit sa sinisibulan ng mga kuko.
4. Kung iiwanang bukas ang palabigasan, ang bigas ay madaling mauubos.
5. Masamang ugaliing gastahin ang kuwalta sa gabi, sapagka't mawawala ang kanilang kapalaran at maaaring manatili sa gayong kalagayan.
6. Kung ilalagay ang isang aklat sa ilalim ng unan ay madaling malalaman ang nilalaman ng aklat na iyan.
7. Kung ang aso'y maghukay sa puno ng hagdan ay may mamamatay sa bahay.
8. Ang mga namamatay sa kamusmusan ay sasalubong sa kanilang mga magulang sa langit na sila'y may dalang kandilang may sindi.
[p. 89]
9. Ang kaluluwa ng mga namamatay ay dumadalaw sa mga kamag-anak sa ikatlong araw ng kanilang pagkakalibing.
10. Kung pumutak ang isang inahing manok sa gitna ng gabi ay may isang taong mamamatay.
11. Huwag magsusuklay ng buhok sa gabi; kung gagawin iyan, ay iyong ina ay mamamatay.
12. Kung mapangarap na nalaglag ang isang ipin ay may isang kamag-anank na mamamatay; kung bagang, maaaring ang iyong ama o ina.
13. Huwag maghinuko sa gabi sapagka't ang iyong mga magulang ay mamamatay.
14. Ang pagwawalis sa gabi ay nagpapamulubi.
15. Ang isang paruparong itim na makita sa inyong silid sa loob ng bahay sa hindi karaniwang pagkakataon ay nangangahulugang may isang kamag-anak kayong patay o may sakit.
16. Huwag magpayong sa loob ng bahay sapagka't manlalaglag ang mga alupihan.
17. Huwag umupo sa isang hapag na ukol sa labing-tatlong tao. Isa sa mga iyan ay mamamatay pagkalipas ng ilang araw.
18. Kung ang isang bahay ay nilagyan ng hagdang nakaharap sa silangan, ang mayari ay masuerte o mapalad.
19. Kung napanaginipan mong ikaw ay lumulusong sa tubig o naglalayag sa dagat ay may mamatay sa iyong mga kamag-anak o pamilya.
20. Kung may magkapatid na babaing kapuwa nag-asawa nang sukob sa taon, isa sa kanila ay mamamatay o ang isa sa kanila ay mababalo.
21. Ang isang taong may nunal sa loob ng mata ay nababalo agad.
22. Kung mapanaginipang ikaw ay ikakasal o nakatanggap ng damit pangkasal, nangangahulugang pagkalipas ng ilang araw, ikaw ay mamamatay.
23. Kung mayroong may sakit at makarinig ka ng huni ng kuwago sa gabi, ang may sakit ay tiyak na mamamatay sa sunod na araw.
24. Kung malambot ang katawan ng isang namatay ay nagpapahiwatig na may susunod sa kanya na isang kasama sa bahay.
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI