MUNICIPALITY OF AGDANGAN, Historical Data Part 2 of
PART II
[p. 9]
TRADITIONAL AND CULTURAL
=oOo-
I. Proverbs and Wise Sayings of Our People:
(1) Sa iyong pagdating
ay pasalubongan ka
(2) Hindi katapañgan
ng masayang mukha't may pakitang giliw lalong pakingata't kaaway na lihim.
kundi karuwang [karuwagan?]
(3) Ibig kong mamatay
ang humarap sa unang bayo ng sigwa
kay sa mabuhay na alipin
(4) Pag maaga ang luson
maaga rin ang ahon.
(5) Daig ng maagap
ang isang masipag
(6) Magsisi na sa agap
huwag lamang sa kuyad [kupad?]
(7) Walang unang pagsisisi
sa unang nangyari
(8) Magsisi ka man at huli
wala nang mangyayari.
(9) Ang panaho'y samantalahin
sapagka't ginto ang kahambing
|
(10) Mata sa panaho'y isilay
Nang di ka mapag-iwanan.
(11) Ang kamalian ng mahirap
ay napupuna ng lahat.
(12) Ang kamalian ng mayaman
Pinaparang walang anuman.
(13) Ang taong walang pilak
parang ibong walang pakpak.
(14) Sa lakad ng panahon
lahat ay sumusulong.
(15) Ang katamaran ay kapatid
ng kagutuman.
(16) Ang katamaran ay ina
ng kahirapan
(17) Ang kapalaran ko'y di man
hanapin, dudulog, lalapit
(18) Kung nauna ang sisi
kung talagang akin.
walang gawang napipirdi.
(19) Kung ano ang taas ng pagkadakila
siya rin namang lagapak kung
ito ay marapa. |
II. Old Songs that Our Folks Sing:
2. Sinta Ko'y Sapatibong...
3. Awit ni Maria Clara
4. Leron-Leron, Sinta
5. Neneng at Nonoy
6. Pagtatanim ng palay.
III. Dances that Our Old Folks Used to Dance:
[p. 10]
2. Cariñosa
3. Balitaw
4. Rigodon de Honor
5. Pandango
6. Habañero
7. Bitao
8. Chitchiritchit
9. Aking Bituin
ram/ag
[p. 11]
MERE (OUR?) CUSTOMS AND TRADITIONS
(Mga Kaugaliang Kinagisnan)
-oOo-
1. HATIRAN NG KURUS SA TUBIGAN O KAIÑING Ang tubigan, kung handa nang talukan at ang may-ari ay kinatuwaan ng kanyang kaibigan, ay hinahatiran iyon ng pinaghiyasang kurus na sarisari ang bitin. Mayroong manok, alak, at kung minsan ay litsong baboy. Sa gai [?] itinataon ang paghahatid. May tugtugan at paputok sa oras na itinitirik ang kurus. Kinabukasan at hindi matapos sa maghapong iyon ang sadyang nilinis na tubigan ay ang mga naghatid ng kurus ang magsasabalikat niyon hanggang hindi tapos. Ganito rin ang ginagawa kung sa kaiñgin.
2. NINAKAW NA TALUKAN: Kung malinis na ang tubigan at ang may-ari ay kinatuwaan ay lihim na tinatalukan iyon ng kanyang mga kaibigan, at ang may-ari ay nagtatanim kahit sa kadiliman ng gabi. Bilang ganti ng may-ari ay siya'y nagpapabayli o kaya'y magkakaroon ng salu-salo o inuman.
3. BAYANIHAN: Ang pagtulong sa kapuwa sa pagtrabaho nito at ang tumulong ay di tumatanggap ng anumang pabuya o bayad sa katapat na pagod ay iyon ang kaugaliang tinatawag na bayanihan, kaya ang nagpatrabaho ay kumikilala ng utang na loob. Siya'y naghahand ng salu-salo at katuwaan sa kinagabihan.
4. PAGHATID NG ABUHAN: Ang bahay na kayayari pa ay hinahatdan ng abuhan na may hustong sangkap. Mayroong palayok, dikin, panggatong, at apoy. Hanggang sa mga panahong ito ay kadalasan pang manyari, lalo na sa kabukiran, na humahantong sa malaking katuwaan.
5. NALIMUTANG INIHATID: Ang payong, bakya, panyo, o anumang magkakatulad na malimutang maaywan [maiwan] ng may-ari ay inihahatid iyan ng nakapulot. Halimbawang payong, ang nakapulot ay bumibili ng payong din. Itinatambal ito sa nasimot, ginagayakan ng maraming bulaklak at iba pang pang-akit sa tingin
[p. 12]
at saka inihahatid sa may-ari. Ang paghahatid ng may orkestra ay nangangahulugang marapat magpasayaw ang may-ari. Kung wala at basta na lamang ang paghahatid ay kawalawalaan ay naghahandog ng salu-salo ang may-ari.
6. PATURNO O SUYOAN: Habang maraming tao ang bumubuo ng suyuan ay lalong mabilis at malaki ang nagagawa. Kung sila'y sampo ay sampung araw silang sama-sama sa trabaho. Gayon nang gayon hanggang ang bawa't isa ay hindi napapagbigyan ang isang araw na paturno.
7. PANGINIBIG HANGGANG SA MAKAHAL [unsure, blurred]: Ang binata't dalagang nagkaka-ibigan sa paraang sumusunod:
(a) Sa pamamaraan ng ibang tao.
(b) Sa pamamagitan ng kanilang mga magulan.
(c) Ang binata'y naglilingkod agad sa magulang ng dalaga sa pamamagitan ng pagsalok ng tubig, pagkuha ng panggatong, at tumutulong sa anumang gawain sa bukid upang makilalang siya'y may layunin. Kung tawagin ito'y "nagpapakilala."
(d) Kung sila'y ibig nang ipakasal ay naghahanap muna ang bawa't isang panig ng magkasuyo ng kanilang mga tagapagsalita. Kasama ng binata ang kaniyang tagapagsalita pag lapit sa kanyang bibiyanin.
(e) Sa paglapit ay sila'y may dalang alak o anumang pamatid-uhaw at masasarap ng pagkain katulad ng litsong baboy at relyenong manok. Ito'y kung tawagin sa dakong ito ng Katagalugan ay "nagpapatanong" o "baysanan."
(f) Dalawang kaugaliang may katuturang bagay ang dapat alamin ng tagapagsalita ng binata bago sila tuluyang mamanhik sa bahay ng dalaga:
1. Kung ang pintuan at bintana ay nakapinid at ang ilaw ay bahagya ang liwanag, may tao nga at walang umiimik, iyo'y nangangahulugang madilim ang iyong lakad. Ibig sabihin ay ang ama't ina ng dalaga'y may kauting kaayawan sa binata.
2. Kung ang mga iyon ay nakabukas at maliwanag ang ilaw ay magpapatuloy na kayo at walang balakid.
[p. 13]
(g) Sa oras na sila'y magkaharap sa loob ng bahay ay ang dalawang tagapagsalita ay magpapasimulang magpaliwanag sa mga wikang mabulaklak at kwentong may katuturang mahirap na hakain. Lahat ng usapan ay matalinhaga at sila'y magkakayaring ang mga nakikinig kadalasan ay hindi makuro ang napag-usapan.
(h) Matapos maitakda ang araw ng kasal ay maghahandog ang mga magulang ng binata sa kanyang kukumparihin ng "habilin," sa ibang kataga'y "bigay-kaya" sa uring kuwalta.
(i) Sa araw na maikuha ng kahilingan sa pag-iisang dibdib ay ang pari na magkakasal ay magkakaroon ng tatlong araw na pagtawag minsan sa tuwing siya'y magmimisa sa araw ng Linggo. Kanyang ipinahahatid sa madla ang ukol sa pag-iisang dibdib kung may tumututol.
(j) Pagkatapos ng kasal ay nagkakaroon ng awitan sa bahay ding sadyang inilaan sa kasayahan. Ang bagong kasal ay tig-isa ng hawak ng kopitang may lamang alak (kung minsan ay sunong ng babae ang sa kanya) at sa saliw ng gitara ay isinasaya nila itong kasabay nag pag-awit na natatapos sa marahang paglapit sa kani-kaniyang biyenan. Iinumin naman ng mga iyon ang alak, at matapos ay nagbabagsak ng malaking halaga. Iyon ang kanilang "gala." Gayong nang gayon hanggang hindi tapos lapitang lahat ng bagong kasal ang kanilang mga kamag-anakan at iba pang tao. Habang sila'y umaawit at umiindak ay katakot-takot ang kaingayang likha ng palakpakan ng maraming kamay at tadyakan ng paang animo'y nagpapagpag ng surot. Ito'y kung tawagin sa dakong ito ng Katagalugan ay "galahan."ram/ag
[p. 14]
HEALTH BELIEFS AND PRACTICES
The Superstitions that People Still Believe in Are:
When a person takes a bath on a Tuesday, Friday, and on his birthday and gets sick, the sickness becomes very serious. The first Monday of August is prohibited for people to take a bath, to work with sharp tools, and to go to some grassy places because if he or she is hurt, the wound becomes serious and will hardly heal. It is not good to say something when you see things that are not familiar to you and sit on the ground when you are now in that place.
These beliefs can be dispelled by explaining to them that these things are superstitions. Cases have proven that when you take a bath on those days, nothing will happen.
The medical herbs that people still use are leaves, barks, and roots of different trees and plants.1
These things are used for drinking and [unreadable word] purposes.
No frequent accidents are happening in the community.
ram/ag
[p. 15]
TALAMBUHAY NI JUAN SALVADOR
Foremost Founder of Agdañgan
-oOOo-
Si Cabesang Juan Salvador, na kung tawagin ay kinaugaliang may pangunang Cabesa, ay siyang tumuklas sa bayan ng Agdañgan noong dakong tagbisi ng taong 1903. Ang lahat ng kanyang oras at mga kamay na walang pagal ay inukol niya sa kapakanan ng bayang nasabi, kaya siya'y tinaguriang DATU NG AGDAÑGAN. Ikinapit sa kanya ng Kgg. Manuel L. Quezon ang pamagat na iyon alang-alang sa kanyang mga nagawang kabutihan, hindi upang siya ay dakilain, purihin, at iluklok sa trono ng karangalan, kundi ang ganito'y pagbibigay daang sariwain lamang ang kanyang mga bakas sa kaaya-ayang bayang ito ng Agdañgan.
Ang dahop [unsure, blurred] sa karangyaang buhay ni Cabesang Juan ay nagpasimulang kumita ng liwanag sa bayan ni Ate Monang ngayon ay Atimonan, Quezon. Sa bayan ding nasabi niya naka-isang palad si Baselisa Nerpo [unsure, blurred]. Nagkaanak sila ng pito. Ang tatlong huli ay sa kagubatan ini-anak dahilan inabot na sila ng kaligaligan noon. Ang mga anak ng mag-asawang ito ay buhay pa ngayon matagal sa isa na matagal na namayapa [This last sentence is poorly constructed and does not make sense.]
Tulad din ng ibang dahilang sa malabis na pagmamalasakit sa ikagagaling ng kapuwa ay dumaan si Cabesang Juan ng hindi kakaunting pagayop at pasakit sa mga kamay ng Kastila. Nang magtatapos ang 1869 ay siya'y namahay ng may dalawang buwan sa bilangguan sanhi sa mga maling bintang at akala ng kanya ring mga kababayan. Ipinataw sa kanyang pagkatao ang kasama-samang salitang "tulisan." Nguni't ang totoo ay siya'y "revolusionario"
[p. 16]
Sa munting barrio ng Kinagusan na ngayon ay sakop ng Padre Burgos minarapat ni Cabesang Juan manirahang pansamantala makalipas na siya'y magbitiw sa Atimonan. Dito niya ipinagawa ang kanyang tatlong malalaking sasakyang pandagat na ang isa'y batil dalawang parkado. Hindi kakaunting kaluwagan ang idinulot niya sa mga taga-Pitogo, Macalelon [unsure, blurred], Daisan, at Calutan. Ang mga kalakal buhat sa mga nasabing bayan ay nabigyan niya ng pagkakataong maikalat sa ibang nangangailangan. Ang Calutan na ngayo'y San Rafael ang pangalan ang ginawang siyang pamalagiang daungan. Nang lumakad ang ilang buwan ay napagsisikap ni Cabesang Juan ang kabilaning kalagayan ng Calutan sa piling ng Unisan. Dinibdib niya ang kadalasang mangyaring siya ay nasa Unisan at naghahatid ng mga kalakal ay kung ano-anon ang kanyang naririnig na
[p. 17]
pawang paninira sa mga katutubo ng Calutan. Hindi siya nagsawalang-kibo. Ang 1887 ay sumapit at pinangatawanan niyang binuo ang mga katutubo ng Calutan, at sa kanilang ipinahayag ang kanilang mga dahilan. Pinagka-isahan siyang maging kinatawan ng Calutan sa Unisan. At sa tulong ng kanyang kapatid, Damian Salvador, na noo'y cabesa ng Unisan (1889-1890) ay naikuha ni Cabesang Juan ng kapahintulutan kay Leoncio Simson, na noon ay gobernadorcillo ng Unisan (1889-1890) upang ang pook ng Calutan ay kaniyang makilala ng tunay na agrepacion at isailim sa kapangyarihang tagapagbatas at pagkakalinga ng Unisan. Bilang ganti sa kanya ng mga katutubo ng Calutan ay inialok siyang maging caudeloo [unsure, blurred] ng nasabing "agrepacion," nguni't tinanggihan niya at hindi na siya nanungkulan.
Nang panahong iyon, ang agrepacion ng Calutan ay malimit pang ligaligin ng mga mandarambong na Moros. Sa malaking habag ni Cabesang Juan sa mga tao ay inanyayahan niyang lahat ang mga iyon na umalis ng Calutan. Kanyang ibinigay sa mga ito ang kanyang kabaak ng lupaing nasa tabing-ilog ng Malagonlong na siyang pinagmulan ng Agdañgan. Nang maibigan ng mga taong dito na dapat manirahan ay hindi nag-atubiling si cabesa na di ipagbigay-alam sa Unisan ang bagay na ito. At samantalang naghihintay siya ng sagot ay sa pamamatnugot din niya ay nagkaroon ng kaayuan ang mga maliliit na dampang unang itinayo sa pook na ito sa dakong kalagitnaan ng 1903. Nguni't nang matapos na ang taong nasabi ay tumanggap siya (ang Cabesa) ng pasabi ni Tomas Sigue, president municipal ng Unisan (1901-1904), na ang pamahalaan
[p. 18]
ng Unisan ay mahigpitna tumututol sa pakanang ito ni Cabesang Juan sa matuwid at palapalagay na ang itinatayong pook ng mga tao ay pook ng masasamang loob at manliligalig. Idinugtong pa na kung hindi ititigil ay ipasasalakay sa mga constabulacion. Panibagong isinakit ng ulo ni Cabesang Juan ang wala na yatang katapusang pagbibintang ng ilang mga taga-Unisan. Nguni't sa tulong nina Cabesang Mariano Aguilar at Señor Sampayo ay pikit-matang ipinaglaban ni Cabesang Juan ang karapatang iyon, hanggang sa sila ay magtatumpay. Nang sumunod na taon, 1904, ang kabilingan ay nauwi sa usaping [unreadable word] ng kakayahan ni Cabesang Juan ay pinananganan ng bagong sikat ng araw. Ang kapahintulutang pinagsakitan niya ay sa kanya rin iniabot ni Tomas Sigue. At ang barrio ay naging ganap na "agrepacion" salig sa kautusang ito'y nasa ilalim ng kapangyarihan ng Unisan.
Hindi naglipat-buwan ay ipinahayag ni Cabesang Juan sa madla ang ACTA AGREFACION ng kanilang munting bayan-bayanan. Ang actang nasabi'y pinagtibay nila sa kapulungan noon Octobre 21, 1904 at nilagdaan ng labing-anim na tao. Ilan sa malahagang hindi nalimutang ipatitik ni Cabesang Juan sa nasabing ACTA AGREFACION ay ang mga sumusunod:
1. Ipinagkakaloob niya sa mga tao ang kanyang lupain siyang panirahan at gawing bayan.
2. Hindi ipinagbabawal kailanman at kanino mang taong dayuhan ang paninirahan sa nasabing agrefacion.1
3. Ang katagang AGDAÑGAN ang gawaing pamalaigang pangalan ng agrefacion sa halip na San Rafael.
4. Sino mang tao, katutubo o dayuhan, ay magkakaloob ng isang araw na pagawa sa gawaing bayan sa caluluoban ng isang cimana (linggo).
TRANSCRIPTION SOURCE: