MUNICIPALITY OF AGDANGAN, Historical Data Part 3 of - Philippine Historical Data MUNICIPALITY OF AGDANGAN, Historical Data Part 3 of - Philippine Historical Data

MUNICIPALITY OF AGDANGAN, Historical Data Part 3 of

Municipality of Agdangan, Quezon Province

PART III

PART I | PART II | PART III

About these Historical Data

[p. 19]

Ang mga pagsusumakit at walang kapagalang mga kamay ng Cabesa kailan ma'y hindi nabigo sa kanyang mga adhikain.

Ang kauna-unahang paaralang bayan ay pinagkaloob sa Agdañgan sa pamamagitan ni Cabesang Juan noon 1909.

Siya ay isa sa ama nang ipabindita niya (1908) Padre Emilio Merchant ang kasalukuyang lugal ng Simbahang Katolika. At sa pangunguna rin ng taong ito ay napatayo at nabuo ang kasalukuyang matandang bahay-simbahang-Catolico sa nasabing lugal.

Nang maging delegacion ang barrio ng Agdañgan noong 1914 ay si Cabesang Juan ang kauna-unahang delegado. Natamo niya ito sa pamamagitan ng butohan ng mga katutubo. Hinawakan niya ang katungkulang iyan sa loob ng dalawang taon. Bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa ay ang consejo municipal ng Unisan ay nagpatibay ng kapasyahang ikuha ng kanyang pangalan ang isang calle ng Agdañgan.

Hindi lilan at tunay na maraming nakababatid na kung ang [unreadable, blurred] ay tungo sa ikapapaanyo ng bayan, ang Datu ng Agdañgan ay hindi nagsasawalang-kibo. Amg buong kakayahan niya ay iniukol agad sa walang puknat na pagsasagawa hanggang sa ang pangarap ay makamtan at madami nang mga kamay. Isa sa mahahalagang nasabi bilang donacion sa pamahalaan ang kanyang lupain, may isang ektaria ang lawak upang paglagyan ng paaralang bayan. Nang umabot sa kaalaman ni Gobernador Leonard Wood ang huwarang ito at asal ng matanda ay pinasalamatan nito ang Datu ng Agdañgan sa pamamagitan ng sulat. Si Manuel Luis Quezon na siyang Pangulo ng Senado noon ay hindi rin nagpabaya, kaya ang ito'y dumalaw sa Unisan noong 1927 at ipinahayag niya sa madla nang magtalumpati na aniya'y

[Note to the Reader: The previous paragraph is also left unfinished in the original document on file at the National Library of the Philippines Digital Collections.]

[p. 20]

TALAMBUHAY NI G. ROQUE AQUILAR
A Deserving Citizen

-ooOoo-

Sa matulaing bayan ng Atimonan, Quezon (dati'y Tayabas), bayan ang dalampasigan ay nakikipagbalikan sa mga along dinadala ng hanging nagbubuhat sa malawak na dagat Pasipiko isinilang sa mag-asawang Mariano Aguilar at Gavina Marasigan noong Agosto 16, 1881, ang unang bunga ng kanilang matamis na pagmamahalan. Tinawag nilang Roque ang batang iyon sapagka't kinamalsan [kinamalasan?] nila sapul sa kanyang kamusmusan ang isang diwang mahabagin at matulungin sa kapwa. Bagama't ipinanganak na isang dukha at babahagya na lamang nakatapos ng Karila [Cartilla] sa nayong Duhat [or Dubat, blurred], isang nayong nasasakupan din ng bayang Atimonan, ay hindi naging hadlang iyon upang ang kanyang abang kakayahan at ilaan niya sa gagawa ng kabutihan sa kapuwa, lalong-lalo na kung sa ika-uunlad ng bayan, saksi ang kanyang mga partulong na nagawa, na isang bakas sa aklat na maaaring maging panuntunan ng mga kabataang nagbubuhat din sa abang kalagayan. Hindi rin naman siya nagpahuli sa tawag ng Inang Bayan, kaya's siya'y pumasok sa mga Insurrectos. Nguni't sa dakong huli napagdili-dili niya na walang magagawang pag-unlad ang isang bayang nasa kaguluhan. Kaya't kusa siyang sumuko upang malukot na lubos sa bandilang Amerikano. Bilang gantipala ay ginawa siyang Pulis Munisipal ng bayang Atimonan na noong panahong iyon siya ay binata pa. Ang tawag ng pag-ibig ay hindi niya natanggihan, at sa katauhan ng isang Hermogena Garcia Katarain [unsure, blurred] inilagak niya ang kanyang wagas na pag-ibig noong [unreadable] na buwang Agosto 17, 1904.

[p. 21]

23 [or 25, blurred] taong gulang na pagkatapos na siya ay isilang. Ang matamis nilang pagmamahalan at pag-iibigan ay nagkabunga ng pito, nguni't dalawa lamang ang nagkapalad na mabuhay. Olimpia ang panganay at Conchita naman ang bunso. Sa pagkakaroon nila ng mga bunga ay naisip nilang kanilang tinatangkilik ay makasapat lamang sa kanilang ikabubuhay, kaya'y naisipan nilang lumipat ng lugar upang [unreadable] ang kanilang lupa. Lumipat sila sa nayon ng Agdañgan na sa mga panahong iyon nasasakupan ng bayan ng Unisan at pagkilala sa kanyang karapatan sa ilan lamang na panahon na inilagi niya sa nayon ay ginawa siyang tinyente consehal sa nayong Agdañgan. Pagkatapos ay idinadako-dako pa niya ang kanyang pananaw, sapagka't nalaman niyang kailangan magkaroon ng isang kinatawan ang nayon sa konseho, kaya't cumandidato siyang consehal, at ang kanyang malinis na hangarin ay hindi naman nabigo. Pagkatapos ng [unreadable] bilang konsehal ay siya'y namahinga, nguni't ang tawag ng tungkulin ay hindi niya maiwanan nang siya'y gawing delegado ng nayon o kinatawan ng pangulo ng Unisan. Noon niya napagkuro [unsure, blurred] ang kahirapan sa panig ng mamamayan ng walang sariling pamahalaan, na kinakailangan ang pumunta sa Unisan upang makipag-usap at [unreadable], lalo't higit sa buwis. Kaya't nagtatag sila ng isang samahan na tinawag nilang "SAKAHANG MAMAMAYAN," na ang adhikain ay gisingin ang nayon at magkabigkis-bigkis sila upang [unreadable] magkaroon ng sariling pamahalaan o maging ganap na bayan na ang nayong Agdañgan at mahiwalay sa Inang Bayang Unisan, at sa pangunguna ni G. Roque Aguilar at nilakas nila sa tulong ng Kgg. [unreadable] na siyang kinatawan ng ikalawang purok ng Quezon, dati ay Tayabas, sa Malacañang ang

[p. 22]

kasarinlan ng Agdañgan, at noong Pebrero 4, 1939, araw ng Sabado, nilagdaan ng Pangulong Manuel L. Quezon ang kasulatang nagbibigay ng ganap na kasarinlan sa bayang Agdañgan. Ang mga biyaya ng isang bayang nagsasarili ay magpahanggang-ngayon ay ating nalalasap at iyan ay dahil sa walang maliw na pag-ibig ni G. Roque Aguilar na ibinuhos niya ang lahat ng kanyang makakaya maging sa salapi, magkaroon lamang tayo ng tinatawag na kasarinlan. Bago ang isang bayan makapagsasarili ay kinakailangan na magkaroon ng lugar na mapagtatayuan ng pamilihang bayan at plaza publico, kaya't hindi ipinagkait ni G. Roque Aguilar ang kanyang tulong at kumuha sa kanyang lupa upang mapagtayuan ng nasabing pamilihang bayan at plaza publico. Ang Abril 1, 1939 ay hindi maaaring malimot ng sinumang taga-Agdañgan pagka't sa araw na iyan pinasinayaan sa gitna ng mga nagbubunying mga mamamayan ng Agdañgan ang bagong bayan, sa pangunguna ni G. Roque Aguilar bilang kauna-unahang punong-bayan ng Agdañgan sa harap ng Kgg. Casiano Sandoval, na siyang punong lalawigan ng Quezon (dati'y Tayabas). Maging sa mga kapisanang pambayan ay hindi siya nahuhuli at napaanib siya sa Mutual El [or E1, blurred] Political Party, Legionarios del Trabajo, Dimasalang, at Masonaria Filipina. Ang nang panahong pananakop ay hindi siya nagkait na tumulong sa mga gerilia ng pagkakaloob sa pamamagitan ng pagkain. Nakilala niya ang pangangailangan ng isang bayan ng high school, kaya't sa pagsisikap niya ay itinatag niya ang Agdañgan Junior Academy upang ang mahihirap na mag-aaral na hindi makakayang mangibang-bayan ay huwag na dumayo pa ng pag-aaral. Naging masigla siyang tagapagtangkilik

[p. 23]

ng mga samahan at kapisanang tagatulong sa mga mamamayan gaya ng Red Cross, at sa kasalukuyang isa siyang kaanib ng Troop Committee Men ng Agdañgan (Boy Scouts of the Philippines), na naging kinatawan siya sa National Coconut Planters Association noong Marzo 15-16, 1952 sa Manila Hotel. Bagaman at sa kasalukuyan ay may 71 na siyang taong gulang ay patuloy pa rin ang kanyang pagtulong, sapagka't naging panata na niya iyon habang-buhay siya'y nabubuhay.

ram/ag

[p. 24]

MUNICIPAL OFFICIALS AND GOVERNMENT EMPLOYEES
-oOo-
MUNICIPAL COUNCIL

Mr. Gregorio R. Valle
Mr. Isidoro Casbadillo
Mr. Ernesto Gonzales
Mr. Melencio Paroja
Mr. Carmelo Sto. Domingo
Mrs. Maria Amandy
Mr. Sixto Parafina
Mr. Cipriano Quinto
Mr. Julio Portez
Municipal Mayor
Vice-Mayor
Municipal Secretary
Councilor
Councilor
Councilor
Councilor
Councilor
Councilor
Mr. Teodorico M. Salvador
Atty. Trinidad Francisco
Dr. Maximo V. Luna
Mr. Gerardo Gonzales
Mr. Jose D. Maglaqui, Sr.
Mr. Ambrosio Aguilar
Municipal Treasurer
Justice of the Peace
Charity Physician
Sanitary Inspector
Postmaster-Operator
Chief of Police

THE TEACHING FORCE OF THE AGDAÑGAN ELEMENTARY SCHOOL

Mr. Elias P. Veradan - District Supervisor
Mr. Jose F. Angeles - Principal

Central School
Primary

Mrs. Felisa R. Magadia
Mrs. Felicidad C. Tongson
Mrs. Emilia L. Angeles
Mrs. Prima G. Francisco
Mrs. Fe S. McStay
Mrs. Iluminada C. Legaspi
Mrs. Victoria R. Legaspi
Mrs. Julita G. Andalis
Miss Gloria P. Valle
Mr. Mauro Esplana
Mr. Augusto C. Olase
Miss Rebecca F. Lustre
Mrs. Natalia A. Maglaqui (Gr. VI-2)
Grade I-1
Grade I-2
Grade II-1
Grade II-2
Grade III-1
Grade III-2
Grade IV-1
Grade IV-2
Grade V-1
Grade V-2
Grade VI-2
Grade VI-1
On leave
Miss Rebecca F. Lustre
Mr. Servillano J. Magadia
H. Economics V-VI
Industrial Arts

[p. 25]

Binagbag Public School

Mrs. Francisca [unreadable]
Mrs. Alodia M. Rifa
Miss Hollie R. Magadia
Mrs. Adoracion M. Ilagan
Mr. Isabelo Garcia
Grade I
Grade II
Grade III
Grade IV
Grade V

ram/ag

[Note to the Reader: For reasons unknown, the original file for this municipality at the National Library of the Philippines Digital Collections skips to page 191, the returns to page 26 as should be the next page. This page 191 is not included in this transcription since it will not make sense given the absence of the preceding and following pages.]

[p. 26]

INFORMATION

Donor of the Market Site
Donor of the Municipal Building Site
Donor of the School Building, Lot No. I
Donor of the School Building, Lot No. II
Donor of the Town Plaza Site
Donor of the Catholic Church Site
Juan Salvador
Cenon Mapaye
Juan Salvador
Elias Salvador
Roque Aguilar
Mariano Aguilar
Present Population of Agdañgan
No. of Electors
No. of Barrios
4,958
1,206
9
1. Binagbag
2. Sildura
3. Dayap
4. Silangang Maligaya
5. Kanlurang Maligaya
6. Calutan
7. Salvacion
8. Ibabang Kinagunan
9. Ilayang Kinagunan
No. of Public School Pupils 829 (1952-1953)
No. of Students and Pupils of the Agdañgan Junior Academy 200
No. of Zones or Puroks 13
1. Sikap
2. Sikap
3. Balihad
4. Biak-na-Bato
5. Sikat
6. Bagong Bayan
7. Pagkakaisa
8. Mabuhay
9. Lingap
10. Magkapit-bahay
11. Pag-asa
12. Riverside
13. Tagumpay
No. of Houses
No. of Streets
No. of Teachers
No. of Teachers in Agdañgan Junior Academy
No. of Businessmen No. of Chinese in the Population
No. of Water Pumps (Public Use)
No. of Water Pumps (Private Use)
318
25
20
6
22
30
8
19
List of Professionals:
Doctors
Dr. Maximo V. Luna
1
Attorneys
Atty. Trinidad Francisco
Atty. Iluminado Garin
2
Pharmacists
Brigida Mendoza
Eduviges Andalis Aguirre
2
Dentists
Dra. Natalia Asi Maglagui
1
Engineers
Not yet released.
4
List of Vocationals:
Hair Science
Dressmaking
Tailoring
Secretarial Science
Stenography and Typewriting
6
5
2
1
28

[p. 27]

INFORMATION

No of Rice Mills
No. of Bakeries
3
3
Interesting Places:
Tampus Seashore
Malagonglong Falls
Sabang Seashore
Calutan Seashore
Historical Marker
C a s t i l l o
RAM/AG
css

PART I | PART II | PART III

TRANSCRIPTION SOURCE:

Historical Data of the Municipality of Agdañgan, Province of Quezon, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post