MUNICIPALITY OF MACALELON, QUEZON, Historical Data of Part 3
PART III
PART I | PART II } PART III | PART IV | PART V | PART VI
[p. 29]
37. Nang bata pa ay may tapis,
Nang tumanda ay nag-alis. (Labong) |
46. Bulok na ang hapin,
Buhay pa ang pain. (Kabayo o Kalabaw) |
38. Itinapon ang laman,
Balat ang iningatan. (Uway) |
47. Naiyan na ang kinakaon,
Wala pa ang nangangaon. (Niyog at Kawit) |
39. Kaawa-awa naman si ama,
Ang inilalakad ay dila. (Suso) |
48. Aling pang-ulam ang di makain
Kundi gamitan ng hangin. (Suso) |
40. Lumalakad ang kasko,
Patay ang piloto. (Patay na nasa Kabaong) |
49. Kung totoo kang pilosopo,
Saan naroon ang taba mo? (Nasa sigarilyo) |
41. Tila bilog, tila lapad,
Nasa ilalim ang balat. (Balunbalunan ng manok) |
50. Haligi ay bali-bali,
Bubong ay kawali. (Alimango) |
42. Nagsaing si pusong,
Kumukulo'y walang gatong. (Tuba) |
51. Munting bundok
Hindi madutdot. (Ipot) |
43. May bibig, di maka-imik,
May mata'y di pumikit. ((Bibig at mata ng niyog) |
52. Tumitindig, walang paa,
Umiiyak, walang mata. (Kandila) |
44. Umiiyak, ngumunguyngoy,
Hanap ay kilong kahoy. (Pukyutan) |
53. Munting lalaki,
Maalam magbahagi, (Gatang) |
45. Munting lalaki,
Dumaplas sa haligi, (Ang Poong si Hesus na nakapako sa Kurus) |
54. Ang ina ay nagmartsa,
Ang anak ay nagsusunata. (Ina at baboy at ang kanyang kulig) |
[p. 30]
55. Bahay ng kalapati,
Iisa ang haligi. (Payong) |
64. Bumili ako ng alipin,
Mataas pa sa akin. (Sambalilo) |
56. Buhok ni Adan,
Hindi mabilang. (Ulan) |
65. Tapis ni Ina,
Hindi mabasa. (Gabi) |
57. Magtag-init, magtag-araw,
Hanggang tuhod ang salawal. (Manok) |
66. Kinain na nga't naubos,
Nabuo pa ring lubos. (Paglalaho ng buwan) |
58. Haba mong kinakain,
Lalo kang gugutomin. (Purga) |
67. Hindi naman araruhan,
Sinusuyod paka-inam. (Ulong kutuhin) |
59. Nagpista ang sambayanan,
Iisa ang tinagayan. (Pare) |
68. Baboy ko sa nituan,
Hindi masiluan. (Kuto) |
60. Alin dito sa mundo
Ang paa'y nasa ulo? (Kuto) |
69. Pinukpok ang banka,
Nagsilapit ang isda. (Batingaw at simbahan) |
61. Tubig na pinagpala
Walang makakuha kundi (Gatas ng Ina) |
70. Maghapon nang nagputukan,
Di pa nagkakatamaan. (Nagsasangag ng mais) |
62. Isa ang naalis,
Apat ang pumalit (Ulo-ulo o anak ng palaka na may buntot) |
71. Nagligo si Isko,
Di nabasa ang ulo. (Tapon o takip ng botelya) |
63. Dalawang bolang sinulid,
Abot sa langit. (Mata) |
72. Alin dito sa mundo
Ang nabubuhay ng walang ulo. (Alimango) |
[p. 31]
73. Daanang sundalo,
Kabit-kabit ang ulo. (Walis) |
82. Tatlong magkakapatid,
Maiitim ang dibdib. (Tungko) |
74. Nang buhay ay nasa gubat,
Kung patay ay nasa dagat. (Banka) |
83. Tamad kung buhay,
Masipag kung patay. (Banka) |
75. Ana nasa una'y banal,
Ang nasa gitna'y matakaw (Kalabaw, araro, at taong nag-aararo) |
84. Hindi naman hari,
Hindi naman kapitan, (Matsin) |
76. Dibino, dibino de grasiya,
Malayo ang bulaklak sa bunga. (Mais) |
85. Nagtapis nang nagtapis,
Labas din ang bulbulis. (Mais) |
77. Salambaw ko sa kati,
Nasa ilalim ang huli. (Kulambo) |
86. Bapor ko sa kati,
Piloto'y babae. (Babaeng nagpaplantsa ng damit) |
78. Nang talian ko'y naglibot,
Nang kalagan ko'y nakatulog. (Sapatos) |
87. Kung kailan ko pinatay,
Siyang pagtagal ng buhay. (Kandila) |
79. Kauna-unahang umakyat,
Siyang nahuli sa lahat. (Pagbububong ng pawid sa bahay) |
88. Kabayo kong arasarasan,
Di kumain kundi sakyan. (Kudkuran) |
80. Wala sa langit, wala sa lupa,
Ang dahon ay sariwa. (Pasdak) |
89. Munting dalaga,
Hila-hila ang bituka. (Karayom na may bulang) |
81. Sa maghapong singkad,
Sa maghapo'y nagsusukat. (Orasan.) |
90. Binili ko siya,
Binigti ako niya. (Kurbata) |
[p. 32]
91. Buto't balat,
Lumilipad. (Saranggola) |
96. Walang sala ay ginapos,
Sa pangaw ay isinuot, (Puyungan) |
92. Iisa-isa, kinain ko pa,
Nguni't ang natira ay dalawa pa. (Tapalang) |
97. Pitak-pitak, silid-silid,
Pinto ay di masilip. (Kawayan) |
93. Isda ko sa Kamarines,
Nasa ilalim ang kaliskis. (Lara) |
98. Isang bayabas,
Pito ang butas. (Ulo) |
94. Maraming-maraming kalabaw,
Iisa ang tagikaw. (Walis) |
99. Baboy ko sa pulo,
Balahibo'y pako. (Langka) |
95. Puno'y kahoy,
Gitna'y bakal (Baril) |
100. Tanawin ko'y kagintuan,
Lapitan ko'y kaparangan. (Palayan) |
[p. 33]
MGA SALAWIKAIN
(Proverbs)
A -
1. Abaka: (abaca fiber)
Ano mang tibayin ng hiblang abaka ay hindi tatagal kapag nag-iisa.
| An abaca fiber, however, strong, it it's single will not last long. |
2. Agap: (punctuality)
Mapintasan na sa agap, huwag sa kupad.
| It is preferable to be critized for being early or quick than late or slow. |
3. Ahon:
Kapag may paahon, may palusong.
| If you give, you will soon receive. If there are ascents, there are descents. |
4. Amba: (aim)
Masakit ang amba, sa tunay na taga.
| The aim is more painful than the very stab. |
5. Ampalaya:
Ang ampalaya ay sukdol ng pait, pulot at arnibal sa naka-iibig.
| The ampalaya, which is extremely bitter, tastes sweet like honey and syrup to one who likes it. |
6. Anak: (child)
Pag ang anak ay suwail sa magulang na nagpala, sa halip mapabuti'y malamang mapanganyaya.
| A child who is disobedient to his parents who cared for him meets downfall rather than success. |
7. Andukha: (care)
Ang matapat na andukha ay ang higpit at alaga.
| True care is strictness and proper care. |
8. Ani: (harvest)
Sa ayaw magtiis, karampot ang ani; nguni't sa matiyaga, ang ani'y marami.
| For one who has no patience, harvest is scant; for one who has forbearance, the harvest is plenty. |
9. Anyaya: (invitation)
Ang totoong anyaya, hinahaluan ng hila.
| A sincere invitation is accompanied by and arm-to-arm coaxing pull. |
10. Apo: (grandchild)
Mahal mo ang iyong apo, hindi ang sa ibang tao.
| You dearly love your own grandchild and not the grandchild of other people. |
11. Apoy: (fire)
Ang apoy na mainit, nagniningas na masakit, kapag bihuhusan ng tubig, sapilitang lalamig.
| The burning fire will surely cool down if you pour water on it. |
[p. 34]
12. Apoy: (fire)
Di man makita ang apoy, sa aso matutunton.
| The source of an unseen fire can be traced by means of the smoke. |
13. Araw: (sun)
Ang araw, bago sumikat, makikita muna ang banaag.
| Before the sun rises, you can see first its rays. |
14. Araw: (sun)
Araw mo ngayon at sikat, ang sa iba nama'y bukas.
| This day is yours. Tomorrow is for the others. |
15. Araw: (sun)
Araw na maalindog, lumalabo, lumulubog.
| Even the brilliant sun darkens and sets. |
16. Asin: (salt)
Asing sa tubig nagmula, sa tubig din nawawala.
| Salt, which comes from water, will also disappear or dissolve in water. |
17. Aso: (dog)
Ang matahol na aso, mangagat ma'y di gaano.
| A barking dog does not bite hard. |
18. Awa: (kindness or pity)
Kung minsan, ang awa, masakit na iwa.
| Sometimes, kindness or pity kills. |
B -
1. Baboy: (pig)
Baboy na pagala-gala, lama't taba ay masama.
| The meat and fat of stray hogs are bad. |
2. Bakod: (fence)
Walang mataas na bakod sa taong natatakot.
| There is no high fence to a frightened person. |
3. Bakod: (fence)
Huwag kang pumasok sa bakuran kung hindi mo ibig ika'y masakupan.
| Do not seek employment if you do not like to be controlled. |
4. Baga: (cinder)
Mag-ihaw hanggang may baga nang di magsisi kung abo na.
| Take the opportunity of roasting while there is cinder so that you may not regret when it becomes ashes. |
5. Bagoong: (fish sauce or paste)
Ang bagoong, takluban man, pilit na aalingasaw.
| Even if spoiled fish paste/sauce is covered, its polluted odor escapes. |
[p. 35]
6. Bahay: (house)
Ang bahay na walang tao, tuluyan ng sinu-sino.
| An unoccupied house is a bivouac for anybody. |
7. Balita: (hearsay)
Anya'y ang balita'y bihirang magtapat, magkatotoo ma'y marami ang dagdag.
| Hearsay is seldom true and if ever there is truth, there is much exaggeration. |
8. Balita: (hearsay)
Ang balita'y kaya madalas tumaba, ay gawa ng dilang dulas magbalita.
| Hearsay becomes exaggerated because of the slippery tongue. |
9. Basa: (reading)
Ang taong mapagbasa, mahinahon kung magbadya.
| He who often reads talks with prudence. |
10. Batalan
Kapag nasunog ang batalan, kabahaya'y nararamay.
| If the washroom is burned, the whole house will be affected. |
11. Batis: (stream)
Ang nakatabi sa batis, makikinabang ng lamig.
| He who lives near a stream profits from its coolness. |
12. Bato: (stone)
Ang batong pagulong-gulong, walang lumot na matipon.
| A rolling stone gathers no moss. |
13. Bato: (stone)
Ang giting na bato'y pilit mahuhukay sa tika-tikatik na patak ng ulan.
| Continuous droplets of rain erode hard rocks. |
14. Bayabas: (guavas)
Bayabas mang bubot, biyaya rin ng Diyos.
| A disfigured guava fruit is also a gift from God. |
15. Bayo: (pound)
Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka nang maluto'y iba ang kumain.
| I pounded and cooked the rice and when it was cooked, somebody ate it. |
16. Bibig: (mouth)
Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib.
| What the mouth utters is what the heart dictates. |
[p. 36]
17. Bigas: (rice)
Bigas na ayaw humilab kung isaing, ilugaw mo't hihilab din.
| Rice which does not expand much, if you cook in porridge form, will multiply. |
18. Bihin: (seed)
Pag ang binhi ay magaling, sumama ma'y gagaling din.
| A good person may make mistakes but he will become good again. |
19. Bigla: (temper)
Ang taong pabigla-bigla, pati bata'y nakakasira.
| An adult who loses temper will get into trouble even with children. |
20. Biyaya: (grace)
Ayaw ko ng biyayang alok, ang ibig ko'y biyayang abot.
| I don't like offered graces; I like graces that are given. |
21. Biyaya: (gift)
Biyaya at handog, mabisang panghimok.
| A gift heartily given gains favor. |
22. Biyaya: (wealth)
Ubos-ubos biyaya, mausisa'y wala.
| Wealth squandered results to poverty. |
23. Buhangin: (sand)
Kung maglalako ka ng buhangin, taga aplaya'y huwag aalukin.
| If you will peddle sand, never ask those who live along the shore to buy. |
24. Buhay: (life)
Sa dalampasigan nitong buhay natin, may katotohanang mahirap dayain.
| In the course of life, there are facts that are difficult to cheat. |
25. Bukas: (tomorrow)
Bukas, kung makalipas, sa linggo kung makalampas.
| If you fail to do a thing you say will be done tomorrow, you will say it will be done next week. |
26. Bulaan: (liar)
Ang taong bulaan, kapatid ng magnanakaw.
| A liar is a brother to the thief. |
27. Bulsa: (purse)
Ang bulsa ng mayaman ay parating kulang.
| The purse of the rich is always overdraft. |
[p. 37]
K -
1. Kaaway: (enemy)
Ang pag-ibig sa kaaway, siyang katapangang tunay.
| The love for one's enemy is the true bravery. |
2. Kaban: (trunk)
Kapag nakabukas ang kaban, natutukso kahi't banal.
| An open trunk tempts even a holy man. |
3. Kagitna: (liter)
Ang maghangad ng kagitna, isang salop ang mawawala.
| He who craves for a liter loses a ganta. |
4. Kahoy: (wood)
Ang kahoy na naging baga, pariktan ma'y madali na.
| Wood that has turned to charcoal easily burns. |
5. Kahoy: (wood)
Ang kahoy na kilo't buktot, hutukin habang malambot; kapag lumaki't tumayog, mahirap na ang paghutok.
| A tree that is crooked and disfigured can be corrected easily while young and soft; when it matures, it will be difficult to shape it. |
6. Kahoy: (tree)
Ang kahoy na babad sa tubig, sa apoy ay huwag ilapit; kapag nadarang ng init, sapilitang magdadalit.
| Wood soaked in water should not be placed near the fire for it will burn when the heat dries it. |
7. Kaibigan: (friend)
Ang tapat na kaibigan, sa gipit nasusubukan.
| A friend in need is a friend indeed. A true friend can only be proven when one is in danger. |
8. Kalabasa: (squash)
Lumalakad ang kalabasa, naiiwan ang bunga.
| The squash creeps while the fruit is left behind. |
9. Kalabaw: (carabao)
Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
| The carabao is whipped when it is intended for the horse. |
10. Kalingkingan: (small finger)
Ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan.
| The pain of the small finger is felt by the whole body. |
11. Kamay: (hand)
Kapag magaan ang kamay, mabigat ang tiyan.
| If your hands are busy, your stomach is heavy. |
[p. 38]
12. Karanasan: (experience)
Ang karanasan ay ina ng karunungan.
| Experience is the mother of wisdom. |
13. Karangyaan: (luxury)
Bawa't taong nawiwili sa malabis na karangyaan, natututong ipagbili ang sarili niyang dangal.
| He who habituates in luxury learns to sell his honor. |
14. Karayom: (needle)
Madalas makita'y butas ng karayom kaysa malaking butas ng palakol.
| We often see the hole of a needle rather than the big hole of an ax. |
15. Kariktan: (beauty)
Kadalasa'y ang karikta'y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli noong ibig ipahamak.
| Beauty is oftentimes used as the trap to capture those who may be led to misfortune. |
16. Kasamaan: (evil)
Kasamaan pag labis ang naganap na pinsala ay mahirap na katkatin na damdamin, puso't diwa.
| The evil which has done great harm is difficult to erase from one's feelings, heart, and thought. |
17. Katawan: (body)
Ang iyong katawan, di sasala't mamamatay; gayon din ang ibang bagay; ginto't pilak, kayamanan, at lahat ay matutunaw.
| Your body will surely perish and disappear like gold, silver, and wealth which melt. |
18. Katawan: (body)
Kapag ang katawan ay malakas, Diyos ay di man matawag; kapag dinapuan ng lagnat, santo't santa
| When a man has a strong body, he never thinks of God. When he has fever, he calls for all the saints. |
D -
1. Dalaga: (maiden)
Tumatanda ang dalaga kapag pinagtataksilan; pag binata ang tumanda ay may lihim na dahilan.
| A young woman becomes an old maid because of disappointment; a man becomes a bachelor for unknown reasons. |
[p. 39]
2. Dalangin: (prayer)
Pag taimtim ang dalangin at pagtawag sa Maykapal, lumalayo ang panganib at masamang kaisipan.
| If your prayer and call to the Almighty is sincere, danger and evil thoughts are driven away. |
3. Daliri: (finger)
Lima mong daliri sa asim isaksak, at hindi aantak kapag walang sugat.
| Your five fingers soaked in your substance will not feel the pain if there is no wound. |
4. Dalita: (hardship)
Matututuhan lamang natin na batahin ang dalita, hindi tayo malululong na gumawa ng masama.
| If we will just learn to suffer hardships, we will not be induced to evil. |
5. Dalita: (sacrifice)
Sa kabila ng dalita, ang ginhawa'y nakahanda; gayon ang tao sa lupa, marami'y ang pagluha, pitong lumbay isang tuwa.
| Victory is the outcome of sacrifice. |
6. Damo: (grass)
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?
| Of what use is the grass if the horse is already dead? |
7. Dayap: (lemon)
Ang dayap na walang katas, pigain ma'y walang lalabas.
| A lemon without juice, even if squeezed will give out nothing. |
8. Daya: (deceit)
Madadaya mo ang tao sa kilos na pakunwari, nguni't hindi kailangan ang sumbat ng iyong budhi.
| You can deceive people by pretentious actions, but you cannot cheat your own conscience. |
9. Diyos: (God)
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
| Grace is in the hands of God while work is in the hands of man. |
10. Diyos: (God)
Maalam ang Diyos sa nasisirang paragos.
| God knows what to do with a broken sled. |
11. Diyos: (God)
Banday baga ang Diyos, maghuhulog ng baluyot sa taong nakabaluktot?
| Will God give food to the lazy? |
[p. 40]
12. Duda: (doubt)
Ang taong madinudahin ay maginawa-gawain.
| A man who is suspicious of others doing evil is usually the one practicing evil. |
13. Dukha: (poor)
Mahanga'y dukhang tahimik sa mayamang maligalig.
| A poor man who lives in peace is preferable to a wealthy man who lives in trouble. |
G -
1. Gahaman: (greed)
Sa taong gaham-gahaman, lumalayo ang kapalaran, ninanasa'y di makamtan.
| Fortune moves away from a greedy person. His wishes don't come true. |
2. Gata: (coconut milk)
Gatin natin nang gatin ang niyog na mura, wala kang hihinting na lalabas na gata.
| Even how much you squeeze a grated young coconut, you cannot produce the desired milk. |
3. Gawa: (work)
Ang taong walang gawa, nag-iisip ng masama.
| An idle man thinks of evils. |
4. Gawa: (work)
Ang gawang pinamihasnan, mahirap mong kalimutan.
| Vice is difficult to forget. |
5. Gawa: (work)
Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang sa tumanda.
| Work acquired when one is young is carried on through old age. |
6. Gawa: (work)
Kapag ang gawa'y dali-dali, pagkasundo'y yari.
| Work hurriedly done does not last long. |
7. Gawi: (habit)
Ang gawi sa pagkabata, dala hanggang tumanda.
| Habits formed while young are carried on through old age. |
8. Giliw: (friend)
Ang taong may pakitang-giliw, huwag sisiguro't kaaway na lihim.
| Persons showing to be friendly should not be assured for they are your secret enemies. |
[p. 41]
9. Ginhawa: (ease, wealth)
Kung giginhawa nga't tungong naninimdim, mabuti pa'y dukha na taas ang tingin.
| Poverty with honor is preferable to ill-gotten wealth. |
10. Grasya: (grace)
Ang tumatanggi sa grasya, lumalabo ang mata.
| A person who rejects graces darkens his sight. |
11. Guro: (teacher)
Sa puso ng gurong lubhang matimpiin, may tibok ng pusong nananatiling lihim.
| A teacher who keeps a secret in his heart is very serious in his dealings. |
12. Gusi: (jar)
Maunti man ang gusi kung bago't matibay, daig ang malaking basag na tapayan.
| A small new jar is better than a big broken one. |
13. Gusto: (likes)
Ang hindi mo gusto'y siyang lumalapit; ang iyong gusto'y lumalayong pilit.
| What you do not like comes close to you, and what you like stays away. |
H -
1. Hakbang: (step)
Mahanga pa'y hakbang-hakbang, sa takbong nakapapagal.
| Half steps are preferable to fast and tiresome running. |
2. Halaman: (plant)
Ano mang halamang lumaki sa tubig, daho'y malalanta munting di madilig.
| Plants grown in water become wilted when not watered. |
3. Haligi: (post)
Kung pumipili ka ng hahaligihin, huwag isang tunglan ang iyong putihin, yaong maliit ma'y kawayang bayugin, hindi mababali sa dakdak ng hangin.
| When you get a post of a bamboo, select the matured one which, although small, can withstand the strong blowing of the wind, unlike the big-sized soft one which cannot. |
[p. 42]
4. Hamak: (triviality)
Ang hamak na bagay kahi't walang saysay, may kabutihan ding pagkakagamitan.
| A trivial thing has its own use. |
5. Handa: (preparedness)
Ang taong nakahanda ay hindi nabibigla.
| A man who is always prepared is not caught unaware. |
6. Hanap: (earnings)
Ang hanap sa malayo, habang daa'y nabububo.
| Money earned in a distant land is spent on the way home. |
7. Hapdi: (pain)
Matitiis ang hapdi, ang kati ay hindi.
| We can withstand the pain but not the itch. |
8. Higop: (sipping)
Ang paghigop at pagdura, di mo sabay magagawa.
| Sipping and spitting cannot be done at the same time. |
9. Hinala: (suspicion)
Kung ano ang hinala, siyang ginagawa.
| What you often suspect others of doing is what you are doing yourself. |
10. Hininga: (sigh)
Buntung-hiningang malalim, malayo ang nararating.
| Sighing reaches far. |
11. Hipon: (shrimp)
Ang hipong natutulog, tinatangay ng agos.
| A sleeping shrimp is carried away by the current. |
12. Hirap: (hardship)
Kapag ang hirap ay sasal na, bisperas na ang ginhawa.
| If hardship is at its height, it is a sign of success to come soon. |
13. Hirap: (hardship)
Ang nagtitiis ng hirap, may ginhawang hinahangad.
| One who withstands hardships is aiming at success. |
14. Hirap: (hardship)
Ang hirap ay lagi, ang ginhawa ay dagli.
| Hardship is constant while enjoyment is ephemeral. |
15. Hiya: (wise)
Sa taong may hiya, ang salita'y panunumpa.
| A word to the wise is a sworn statement. |
[p. 43]
I -
1. Ibig: (love)
May pag-ibig na kung minsa'y hindi ipagtapat, at ang pag-ibig na ito'y siyang dalisay at wagas.
| There is love that cannot be expressed, and this love is considered sincere and lasting. |
2. Ilag: (evasion)
Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.
| Evading the enemy is true bravery. |
3. Ilog: (river)
Ang lalim ng ilog kung nais masukat, arukin ng tikin sa halip ng malas.
| To know the depth of a river is to measure it by means of a pole and not by mere sight. |
4. Ilawan: (lamp)
Aanhin pa ang bagong ilawan kung hindi rin sisindihan?
| What should you do with a new lamp if it will not be lighted? |
5. Ina: (mother)
Kung sa iyong ina'y wala kang pitagan, ina pa kaya ng iba ang iyong igalang?
| If you do not respect your own mother, how much respect can you give to somebody's mother? |
6. Inggit: (jealousy)
Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.
| A man who is very jealous of others never feels happy himself. |
7. Isda: (fish)
Ang isda'y sa bibig nahuhuli, ang tao'y sa pagsasabi.
| Fish is caught through its mouth and a person through his speech. |
8. Itak: (bolo)
Walang matalas na itak; mapurol kung nakasakbat.
| There is no sharp bolo; it is dull when it is its scabbard. |
L -
1. Labi: (lips)
Ang labi ng katotohanan ay matatag kailanman.
| The lips of truth withstand adverse conditions at all times. |
2. Labi: (lips)
Makikilala sa labi ang palanganga at hindi.
| The lips of a person will show if he chews buyo or not. |
[p. 44]
3. Labong: (bamboo shoot)
Pagpatak ng ulan, tutubo ang labong; makikilala na ang gagawing bumbong.
| When the rain falls, bamboo shoots grow. From the shoots, one can tell which can be made into shoots for fetching water. |
4. Lakad: (walking)
Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
| A thorn penetrates deep into the feet of one who walks fast. |
5. Lalaki: (man)
Walang magaling na lalaki pag nasubok sa pagtae.
| There is no alert man if he is caught unprepared. |
6. Lalaki: (man)
Ang lalaking pangahas, tandaan mo't siyang duwag.
| A man who is showy of his bravery is a coward. |
7. Lalaki: (husband)
Pag ang lalaking asawa ay may malaking kagagawan, sa kapilas nitong puso'y mapaggawa ng dahilan.
| A faithless husband usually betrays his wife. |
8. Ligaya: (happiness)
Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha.
| There is no happiness on earth unless showered with tears. |
9. Liklik: (hiding)
Magliklik ma't natatanaw, subali'y mangabulusan.
| It is better to pass on an open way than on a hidden path where you are seen just the same. |
10. Limot: (forgetfulness)
Ang taong nakalilimot, naniniig sa pagtulog.
| A forgetful person lies in deep sleep. |
11. Lipad: (flight)
Lumipad ka man nang lumipad, sa lupa ka rin lalagpak.
| No matter how high you may fly, to the earth you will fall. |
12. Loob: (mind)
Ang loob mo ma'y malanta, dilig-diligin mo tuwina.
| When your mind seems to wilt, try to water it always. |
13. Lubha: (utmost)
Isang hindi akalaing malubha ang ibinunga, nguni't isang kalubhaang nakayari ng ligaya.
| Something unexpected produces the utmost results, and the results produce the utmost pleasure. |
PART I | PART II } PART III | PART IV | PART V | PART VI