MUNICIPALITY OF MACALELON, QUEZON, Historical Data of Part 5 - Philippine Historical Data MUNICIPALITY OF MACALELON, QUEZON, Historical Data of Part 5 - Philippine Historical Data

MUNICIPALITY OF MACALELON, QUEZON, Historical Data of Part 5

Municipality of Macalelon, Quezon

PART V

PART I | PART II } PART III | PART IV | PART V | PART VI

About these Historical Data

[p. 60]

The Origin of the Coconut
Ang Pinagmulan ng Niyog

May mag-asawang mamakaisa-isa ang anak. Ang kanilang bahay ay nasa kanilang tungyos ng bukid na malapit sa sapa. Isang araw, habang ang ama'y nag-aararo'y lumapit ang anak at humingi ng tubo. Sa pagsusumikap sa kaniyang gawain, sinabihan ang anak na sa ina humingi ng tubo na noon ay naglalaba ng damit sa sapa. Ang bata'y nagtumuling tumakbo sa ina. Pag sapit sa sapa'y kara-karakang humingi siya ng isang putol na tubo. Sa dahilang hindi ibig ng inang iwanan ang kaniyang gawa'y itinaboy ang anak sa ama.

Tatlong ulit, ang bata'y tabuy-taboy ng ama at ina. Sa tinamong pagod sa katatakbo, ang bata'y umupo sa lilim ng mangga na katabi ng pusngo umiyak ng kahambal-hambal.

Kaginsa-ginsa'y nakaramdam ng lindol ang nagsisipag na mag-asawa. Tumakbo sila sa pook na pinag-iiyakan ng bata nguni't bago sila nakalapit sa kinatatayua'y bumuka ang lupa at lalunlun ang bata. Ang mag-asawa'y naging matamlay. Bilang pag-aaliw sa sarili'y binakuran ang pook na iyon at dinilig nila araw-araw. Pagkalipas ng ilang araw, sumibol ang isang magana at kahanga-hangang halaman. Inilagaan nilang mabuti ito hanggang sa bumunga ng nakakawangki ng kanilang anak na may dalawang mata, isang bibig at may buhok. Ang mag-asawa na galak na galak ay tinawag nila iyon na unang niyog.

[p 61]

The Origin of the Negritoes and the Monkeys

In the early days, Satan was the foremost favorite angel of God. He was always at the side of our Lord in order to perform His commands.

One day, a devil influenced Satan in doing what God was doing; that was the creation of men. Satan got a piece of mud and threw it on the ground. Satan said the words which he heard from our Lord when he created Adam. The mud fell upon the branches of a tree while a portion of it fell into the earth. To his astonishment, he found out that the soil which fell into the earth became the first Negritoes, and the soil which clung to the branches of the tree became the first monkey.

Now, Satan is a devil for he was punished by God for his foolishness in creating men.

The Deaf Angel

Our rice grains today should have been as large as our heads had it not been for the deaf angel. How such a story came to be runs in this manner.

One day, our Lord sent sent an angel on an errand to take the grains of rice as big as our heads which we might plant. The angel who was to perform the command was somewhat deaf.

[p. 62]

The Origin of the Negritoes and the Monkeys
(Ang Alamat ng Aeta at Matsin)

Nang unang panahon si Satanas ay pinakamahal na anghel ng Diyos. Siya'y palaging nasa piling ng Panginoon upang maglingkod sa ano mang iuutos.

Isang araw ay tinukso ng demonyo si Satanas na gayahin ang Diyos sa paglalang ng tao. Kumuha siya ng isang kipil na lupa. Binasbasan niya ito at binulungan ng mga salitang narinig niya nang lalangin ng Diyos si Adan. Inihagis niya ang kinipil na lupa. Sumanyat sa mga sanga ng kahoy ang kinipil na lupa, nguni't ang isang bahagi'y nalaglag sa puno. Sa kanyang pagkamangha'y nakita niyang ang lupang nanangat sa mga sanga'y naging matsin at ang nalaglag sa puno'y naging Aeta.

Si Satanas ay isang demonyo na ngayon. Sinumpa siya ng Diyos sa kahangalan niyang paglalalang ng tao.

The Deaf Angel
Ang Anghel na Bingi

Ang butil ng palay natin ngayon ay sana'y kasinlaki ng ating ulo kundi sa kamalian ng anghel na bingi. Kung papaano nangyari ito'y ganito ang pagkakasalaysay.

Isang araw, ang ating Panginoon ay nagsugo sa isang anghel na dalahan tayo ng gangga-ulo natin ang butil upang ihasik.

[p. 63]

He took to us the present variety of rice which we eat instead of the big-sized rice which he instructed to take to the earth. When God came to know that he was not obeyed, he called the deaf angel and changed him into a carabao. God said, "From now on, you should help men plow their rice fields and carry or pull all heavy loads for them.

The Legend of the Mushroom

Once, there lived a beautiful princess who was very selfish and unkind. She was the only daughter of a powerful king. Her father gave her all the things she wished for. One day, the king bought her a beautiful white umbrella. She did not want anyone to touch the umbrella.

One afternoon, the princess laid down on her bed for a nap. Curious of the beautiful umbrella, the son of the gardener of the palace touched it. It happened that the selfish princess was already awake and she saw the umbrella touched by the lad. With extreme anger, she stood at the window and stoned the little boy with a pair of shoes. She fell down exactly on her umbrella. For just a wink, the princess, the lad, and the umbrella vanished. On the very spot where the princess disappeared, there grew a plant which was called mushroom. This plant looked almost exactly as the white umbrella of the princess. Such was the legend of the mushroom.

[p. 64]

Ang anghel na napag-utusan ay gamidyo bingi. Nagkari-ringgan ang anghel at ang dinala niya'y ang palay na maliliit ang butil. Nang malaman ng Diyos ang pagsuway sa kanyang utos ay tinawag ang anghel na bingi at ginawa Niyang kalabaw. Ito ang tagubilin ng Diyos, "Mula ngayon ay tulungan mo ang mga tao sa mga gawaing pagtataglay ng mga mabibigat na sala, paghihila, at pag-aararo ng mga bukirin.

The Legend of the Mushroom
(Ang Alamat ng Kabuti)

May isang magandang prinsesang napakasungit at walang habag. Mamakaisa-isang anak siya ng makapangyarihang hari. Ang lahat ng maibigan niya'y idinudulot ng kaniyang ama. Isang araw ay bumili ang hari ng puti at magandang payong para sa kanya. Ayaw ng prisesang ipahipo ang payong kanino man.

Isang hapo'y humimlay ang prisesa sa kanyang hihigan sa layuning umidlip. Sa paghanga ng anak ng maghahalaman sa palasiyo'y dinukdok ang magandang payong. Sa pangyayaring yao'y gising na pala ang masungit na prinsesa at nakita niyang hinipo ng bata ang kanyang payong. Dahil sa sukdol na pagkagalit, ang prinsesa'y tumindig sa may durungawan at hinagisan ang bata ng sapatos. Napahandusay ang prinsesa sa kinalalagyan ng kaniyang payong. Sa isang kisap mata'y nawala ang bata, ang payong, at prinsesa. Sa tiyak na pook na kinawalan ng prinsesa'y may sumipot na halaman. Ito'y ang kabuti na kawangki ng payong nga prinsesa. Iyan ang alamat ng kabuti.

[p. 65]

While Dogs are Angry with Wild Pigs

A long time ago, the dog and the pig were faithful "comadres." How they came to be enemies runs in this manner.

A pig who was pregnant invited her dog "comadre," who was also pregnant, to build their homes together where they would deliver their young ones. The mother pig said, "If I deliver earlier, I shall wait for you till all your puppies are strong enough. If you deliver earlier, I expect you to wait for me and my litter." The dog, who was indeed pleased with the offer of her "comadre," said, "You are indeed very kind, 'comadre.' I am at your service at all times. The two "comadres" began to build their houses together with very thick grass for nests or beds.

It did not take long and the two "comadres" delivered their young ones. Both of them were very happy. After two weeks, the litter was already very strong while the puppies had their eyes closes as yet. The litter invited their mother pig to go further. The mother consented. The dog and the puppies were left in the den. The dog called for her pig "comadre" but she would not answer. She was gone, deep in the thick forest. The mother dog said, "My children, from now on, whenever you see wild pigs, try to kill them. They should not be tolerated to spread that principle of dishonorable promise.

[p. 66]

Why Dogs are Angry with Wild Pigs
(Kung Bakit ang Aso'y Galit sa Baboy-ramo)

Nang unang panahon, ang aso at baboy ay matalik na magkumare. Kung bakit sila'y nagkagalit ay ganito ang mga pangyayari.

Inanyayahan ng buntis na baboy ang kaniyang kumareng aso na buntis din noon sa paggawa ng dimon na kapuwa nila panganganakan. Ang baboy ay nagwika ng ganito, "Kung ako ang maunang umanak ay hihintayin kita hanggang sa lumakas ang iyong mga bilot. Kung ikaw naman ang maunang manganak ay inaasahan kong hinintayin mo naman ako at ang aking mga bulaw." Ang aso naman ay nasiyahan sa alok, at nagsabi ng ganito, "Napakabait mo kumare. Laan akong maglingkod sa iyo sa lahat ng panahon." Ang dalawang magkumare ay nagpasimula na sa paggawa ng kanilang dimon.

Hindi natagalan at ang magkumari'y kapuwa nanganak. Kapuwa sila lumasap ng sukdol na kasiyahan. Dalawang linggo ang lumipas at ang mga bulaw ay malalakas na, samantalang ang mga bilot ay pikit pa ang mga mata. Niyaya ng mga bulaw ang kanilang ina na lumayu-layo. Pumayag naman ang ina. Ang aso at ang mga bilot ay naiwan sa dimon. Tinawag ng aso ang kaniyang kumare, nguni't walang sumagot. Pumunta ang mga baboy sa alukok ng gubat. Sa galit ng ina ng mga aso'y ito ang tagabilin, "Mga anak ko, kailanmang makita ninyo ang baboy at patayin ninyo. Hindi dapat palaganapin ang pangakong-baboy."

[p. 67]

The Origin of "Bangkalas" Rice

In a certain village at the foot of Mt. Makiling, the villagers were greatly worried due to the lack of water supply on their ricefields. One afternoon, however, the oldest man in the village gathered all the villagers and requested them to join him in his prayers to plead to the Virgin Mary for rain to save their rice plantations. The prayer was heard and the wishes of the villagers were granted. The Holy Virgin pressed her breast and poured holy milk on the rice plantations to the amazement of the villagers. This gave them a good harvest. After the harvest, the people were surprised because the rice was so white that when cooked, it had a very pleasant smell, enough for them to eat without any viand.

The next season, the villagers met again the same weather condition — lack of rain in their ricefields. They prayed to the Holy Virgin and pleaded once more for rain. The Holy Virgin was so kind that the second prayer of the villagers was granted. She pressed her breast until no milk but blood came from it.

The villagers thanked the Holy Virgin for hearing their prayers. That season, they again had an abundant harvest. When they pounded the palay, they found out that the rice was red. Since then, we have this kind of rice which the villagers call "Bangkalas" due to its reddish color.

[p. 68]

The Origin of "Bangkalas" Rice
(Ang Alamat ng Bangkalas na Bigas)

Sa isang nayon sa paanan ng Bundok Makiling ay may mga taong-nayon na dinatnan ng malaking kalungkutan. Kailangan nila noon ang tubig upang mag-ani. Sa payo ng pinakamatanda sa nayo'y nanalangin sila sa Mahal na Birhen na bigyan sila ng ulan. Dininig ang kanilang panalangin. Hinilis ng Mahal na Birhen ang kaniyang suso. Winisikan niya ng gatas ang palayan ng mga taga-nayon. Nag-ani nang sagana ang mga tao. Ang kanin na inani nilang palay ay mabango at napakaputi na hindi kailangan ang pang-ulam sa pagkain.

Ang sunod na pag-aaniha'y dumanas din ang mga taga-nayon ng pananalat sa tubig. Dahil sa pangyayari'y nanalangin muli sila sa Mahal na Birhen upang padalahan sila ng ulan. Ang Mahal na Birhen ay mahabagin. Dininig ang kanilang panalangin. Hinilis muli niya ang kaniyang suso, nguni't wala nang lumabas na gatas. Dugo ang lumabas. Dugo ang iwinisik ng Mahal na Birhen sa halip na gatas sa palayan ng mga tao.

Nagpasalamat ang mga tao sa Mahal na Birhen dahil sa sagana nilang inani. Nguni't nang bayuhin nila ang palay ay nakita nila ang bigas ay mapula. Mula noo'y tinawag nila ang bigas na mapula sa pook na iyo na bangkalas.

(Bangkalas rice means unpolished rice.)

[p. 69]

[Note to the reader: Most of this page in the original file at the National Library of the Philippines Digital Collection is torn and, therefore, cannot be transcribed.]

[p. 70]

The Ear of the Earth
(Ang Tainga ng Lupa)

Sa nayon ng San Isidro, sakop ng bayan ng Macalelon, ay may isang pamukiring pag-aari ng yumaong punong bayang si G. Demetrio Pandeño. Sa pamukiring ito'y may isang pook na ayaw daanan ng tao at ng hayop. Sa sabi-sabi'y ang pook na iyo'y malambot sa lahat ng oras. Hanggang ngayo'y hindi pa bungkal ang pook na iyon.

Isang araw ay may taong masiyasat na napadaan sa pook na iyon. Napatapak siya sa pook na iyon na tinutubuan ng damo at napalubog siya nang hanggang hita. Nakaahon din siya. Kumuha siya ng kawayan upang arukin ang lalim ng putik. Binunot, lininis and tinandaan niya ang lalim ng ibinaon na kawayan. Pagkatapos nito'y itinapon niya ang kawayan sa damuhan. Ang kawayan ay bumaon hanggang sa mawala. Umuwi na naman ang tao na walang ano man.

Isang araw, ang taong masiyasat ay pumunta sa nayon ng Santa Maria, sakop ng Hiñgoso, sa ngayo'y bayan ng General Luna. Siya noon ay bibili ng isda sa mga mangingisda sa aplaya. Sa pagsapit niya sa aplaya'y nakita niya ang tinandaan niyang palutang-lutang na kawayan na itinapon niya sa kinabalausang putik sa nayon ng San Isidro. Siya'y nanggilalas kanya't tinaglay niya ang kawayan sa San Isidro. Nang dumating siya sa nayong iyo'y sinalaysay niya ang pangyayari. Ang mga taong nayo'y nagsabing ang bulaos na lupang iyo'y tainga ng lupa. Ano mang bagay na itapon sa lungga ng pook na iyo'y bubulwag sa aplayang pinakamalapit doon.

Hanggang ngayo'y inaangking banal ang pook na iyon at sino ma'y ingat na ingat dumaan o lumapit dahilan sa panganib na sila ay lumubog.

[p. 71]

The Legend of the Sky, Moon, Stars, Seas, and Rivers

Angalo and Araw were the first human beings that existed on earth. Angalo's head almost touched the sky because of his gigantic height. Angalo and Araw had but one eye each. When Angalo walked, the earth shook.

Angalo was the creator of the world as commanded by God. He dug big pits in the earth and his urine created the first seas and rivers. He spat and his saliva became the first man and woman. They were placed in a bamboo and thrown into the sea. This bamboo drifted with the waves until it landed in the Ilocos Region. Thus, they were the first man and woman in this place. Later, Angalo created the sky, the moon, the sun, and the stars.

The Skull of the Aeta

The early people believed in anitos. The skull of an Aeta was held as sacred. In order that nobody would steal from a house, the owner of it would secure the skull of an Aeta. He would baptize it and it had a particular name of a person. He would pray for the departed soul for eight nights. At the ninth night, he would hang the skull in front of the ladder of his house. A whip must be accompanying him. If someone tried to rob the house, the soul would whip him until he ran away.

[p. 72]

The Legend of the Sky, Moon, Stars, Seas and Rivers
Ang Alamat ng Buwan, Bituin, Dagat, at Ilog

Si Angalo at si Araw ang kauna-unahang nilalang na nanirahan sa lupa. Sa taas ni Angalo'y halos humayon sa langit. Si Angalo at si Araw ay tig-isa lamang ng mata. Kung lumalakad si Angalo'y yumayanig ang lupa. Siya'y lumikha ng mga bundok. Siya rin ang dumukal ng lupa at ang kaniyang ihi ang naglikha ng mga ilog at dagat. Ang kaniyang dura ang naging unang babae at lalaki. Ang mga ito'y isinilid niya sa tukil. Naanod ang tukil na ito at napadpad sa dalampasigan ng lupang Ilokano. Iyon ang pinagmulan ng unang babae at lalaki sa pook na iyon. Sa wakas ay nilalang ni Angalo ang langit, buwan, araw, at mga bituin.

The Skull of the Aeta
Ang Bungo ng Aeta

Noong araw, ang mga tao'y naniniwala sa mga anito. Ang bungo ng Aeta'y inaangkin nilang banal. Upang ang sino ma'y hindi makapagnakaw ng ano man sa tahana'y ito ang ginagawa. Humahanap ng bungo ng Aeta ang may-ari ng bahay. Binibinyagan niya ang bungo na hango sa pangalan ng isang tao. Pagdarasalan niya ang bungo sa loob ng walong gabi. Sa iya-siyam na gabi'y ibibitin niya ang bungo sa tapat ng hagdanan. Bibigyan niya ng yantok ang bungo upang magsilbing pamalo. Ang sino mang magtangkang magnakaw sa bahay na iyo'y karakarakang papaluin ng Aeta hanggang sa tumakbo at makatawid sa sapa o sa ilog.

[p. 73]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF MACALELON

The present official name of the town is Macalelon. Earlier than August 19, 1787, Macalelon was discovered by Don Domingo de la Cruz, who was requested by the capitan of Gumaca to look for the two most famous persons of the said town. The first group of persons he met residing therein were the Visayans sheltering under a big shady tree. When Don Domingo de la Cruz asked what the name of the settlement was, he replied that some people called it "Makalelom." "Maka" means great and "lilom" means shade. Because they were Visayans, they muttered Makanlong. The meaning of "ma" is (there is) and "kanlong" (shade). From that time, this town was called Makalelon. The spelling was changed to Macalelon by the Spaniards.

The early settlers of Macalelon belonged to two distinct groups which were in existence as early as 1765. One group was in Pinagbayanan, headed by Don Luis Inocentes; and the other was in Maaliw, which is called Gasgasin, a part of the barrio of Ibabang Tubigan led by Don Manuel Acacio. Don Domingo de la Cruz was credited with making the two groups united, and from such a union sprang the present town of Macalelon.

From this united group, a Visayan, suggested to Don Domingo of a good place for a town which would be safe from the Moros who often came and plundered many places. This Visayan —

[p. 74]

said that he knew of a make-forget or wonderful place near the sea, for when he set his traps to catch wild chickens, the fowls did not fly down from the tree to attack his decoy. Instead, they kept on crowing till noon on the top of the tree, ignoring and completely forgetting his traps. This place was called "Makalimot," meaning forgetfulness. Don Domingo thought that the story was true, so he managed the transfer of the settlement from Pinagbayanan to the present location of this town. Hence, Macalelon might have originated also from "Makalimot." This holds true because whoever comes to stay in Macalelon, he or she forgets to return to his or her native town. If one happens to be single, he or she marries a native and lives permanently in this town.

Date of official establishment and recognition by the Spaniards - August 19, 1787.

Founder - Don Domingo de la Cruz, Manuel Acacio, Lorenzo de Ramos, and Salvador Toribio.

List of Tenientes Mayor and Capitanes Municipal, Presidents or Mayors:

N a m e
1. Manuel Acacio
2. Lorenzo de Ramos
3. Salvador Toribio
4. Domingo de la Cruz
5. Pascual Matisa
6. Lorenzo de Ramos
Y e a r
1788-1789
1790
1791
1792
1793
1794-1795

[p. 75]

N a m e
7. Mariano Asuncion
8. Domingo de la Cruz
9. Francisco de San Andres
10. Buenaventura de la Cruz
11. Mariano Asuncion
12. Antonio Matias
13. Andres de la Cruz
14. Domingo Francisco Garcia
15. Domingo de Sto. Niño
16. Manuel de Rivero
17. Pascual Joseph Matias
18. Santiago de la Cruz
19. Mateo de los Santos
20. Buenaventura de la Cruz
21. Diego de San Juan
22. Antonio Matias
23. Gregorio Francisco Salvador
24. Juan de Santos Rosa
25. Carlos Romeres
26. Gregorio Francisco Salvador
27. Pascual Joseph Matias
28. Pascual Natividad
29. Manuel de Rivero
30. Buenaventura de Sto. Domingo
31. Matias de Leon
32. Diego de San Juan
33. Pascual Natividad
34. Buenaventura de Sto. Domingo
35. Eugenio Morales
36. Luciano Manuel de los Santos
37. Matias de Leon
38. Buenaventura de Sto. Domingo
39. Pablo de San Juan
40. Juan Bernardino
41. Manuel de San Luis
42. Juan de Santa Rosa
43. Juan Bernardino
44. Pascual Natividad
45. Nicolas Anacleto
46. Francisco Salvador de Rivero
47. Juan Bernardino
48. Francisco Adriano
49. Pedro de la Cruz
50. Juan Roberto de la Cruz
51. Juan de San Agustin
52. Nicolas Anacleto
53. Juan Enriquez
Y e a r
1796
1797
1798
1799
1800
1801
1802
1803
1804
1805
1806
1807
1808
1809
1810
1811
1812
1813
1814
1815
1816
1817
1818
1819
1820
1821
1822
1823
1824
1825
1826
1827
1828
1829
1830
1831
1832
1833
1824
1835
1836
1837
1838
1839
1840
1841
1842

PART I | PART II } PART III | PART IV | PART V | PART VI

Historical Data of the Municipality of Macalelon, Province of Quezon, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post