MUNICIPALITY OF MORONG, RIZAL, Historical Data of Part 4 - Philippine Historical Data MUNICIPALITY OF MORONG, RIZAL, Historical Data of Part 4 - Philippine Historical Data

MUNICIPALITY OF MORONG, RIZAL, Historical Data of Part 4

Municipality of Morong, Rizal

PART IV

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI

About these Historical Data

[p. 21]

At mula noon, sa tuwing darating ang panahon ng tag-ulan, maging bumabaha o hindi man, ay maririnig natin ang ugong ng talon ng tubig, kaya't ang pook na iyon ay sa halip na tawaging maugong ay tinawag na "U-ugong" dahil sa ugong ng tubig na pagnganganlit ng nagagalit na higante.

2. U-UGONG

During the olden times, the people of Morong believed in many gods, like the crocodile, sun, stars, and many others. One of the gods worshipped by them was a giant named "Tapaw" and his wife. The couple lived between the forest of San Guillermo and the town. The people offered food every afternoon near the falls where they lived so that they would not become angry.

One day, a band of parents entered the town. The people were afraid, so they left the place and went to the mountain of May-ugat. Only one old man who was paralyzed was left.

After three days, the people went back to the town and, to their surprise, they saw the old man still alive. The old man related what happened during their absence.

He felt that a hard rain fell, making it impossible for the robbers who were yet in their boats to enter the town. The gods became impatient waiting for their food. They came out of their cave and shouted for their food. They found that there were no people in the town. They saw the robbers who were yet in their boats. The gods thought that those were the people of the town who wanted to escape. They threw big boulders at them. These stones became small islands. When, today, it is about to rain, the people will hear loud roars (ugong) coming from the place where their gods once lived, they say that those roars are signs of the anger of their gods.

[p. 22]

Since then, the people called the place Ugong-ugong, meaning the roaring sound of angry giant gods.

3. SAPANG KAY PIG-I

Alinsunod sa isang kasaysayan na muli't muling nauuulit ng mga matatanda noong unang panahon, ang pangalan ng sapa na "Kay Pig-i" ay nagsimula sa isang pangyayaring ganito na ganito ang pagkakabadya.

Si Andres, isang bagong tao, ay may likas na katalinuhan at katapangan, ay nag-iisang dumayo ng pagtaga ng buho na ang dala ay pitong kalabaw. Matapos siyang makapaghanda at malulanan ang kanyang mga hilahan ay lumakad sa sakay ang kauna-unahang kalabaw, at ang anim na nakabuntot sa kaniyang pahila.

Nang siya ay tatawid na sa sapa, malapit sa sitio ng "Ilagan," ang ginawa niya ay pinahinto ang kanyang kalabaw, kinalagan at siya ay nag-umpisang magluto para sa kanyang hapunan. Noon ay mag-iika apat na ng hapon. Matapos siyang magluto ay kumain, subali't nang siya ay kumakain ay siyang pagdating ng labingdalawang katao na mayroon ding pahilang buho at pinangungunahan ng kanyang kaagaw sa panliligaw na si Tulome. Sila ay nagkaka-agaw sa pag-ibig ni Edang, at simula pa sa kanilang pangingibig ay nagkaroon na sila ng mga samaan ng loob.

Dahil sa malaking poot ni Tulome ay pinasagasaan ang pahila ni Andres, kaya't ito ay nagalit. Binayaan niyang makalampas ang pahila, subali't makatapos makatawid si Tulome, ang mga ito ay nagtigil din at nagsikain, at matapos kumain ay nagtungo sa ilog upang uminom. Sa kanilang pag-iinuman ay nagsisigawan at parang tinutukso si Andres, at dahil doon ay hindi na makapagpigil si Andres. Binunot ang kanyang gulok at hinagad ng taga ang mga nagsisi-inom, at si Tulome ang siyang nahuling umahon

[p. 23]

at siyang naabutan ng taga sa pig-i. Inauwing may sugat si Tulome. Mula noon ay natawag na ang sapang ito ng Sapang Kay Pig-i.

Sapang Kay Pig-i

According to history which is always repeated by the old folks during the olden times, the name of the brook "Kay Pig-i" came about this way.

Andres, a brave and intelligent man, went to another place to cut "buho." He brought with him seven carabaos. After preparing all the necessary things in the sleds, he proceeded homeward. He road on the first carabao while the [remaining] six followed.

When he reached the barrio of "Iligan," he stopped his carabaos, untied them, and began cooking his supper. It was about four o'clock in the afternoon. While he was eating, twelve persons came with sleds filled also with buho. The man on the first carabao was Tulome, his rival. They were both courting Edang, a beautiful maiden of the town. Ever since their rivalry for the hands of Edang, they already had ill-feelings towards one another.

Tulome let his sled go over the sled of Andres. This angered Andres very much. However, he let this pass. Then, Tulome and his companions stopped at the river to drink. As they were drinking, they were shouting and seemed to be teasing Andres. Because of this, Andres was not able to control himself, so he got his bolo and ran after those who were drinking. Tulome was the last one to leave the place, so he was hit on the thigh (pig-i). Tulome was brought home with a wound, and so from that time on, the brook was called "Sapang Kay Pig-i."

[p. 24]

T I N A A N

Noong unang panahon ng mga Kastila na ang namamayani sa kaguluhan ay mga tulisan, isang pook na matayog at patag sa pagitan ng sitio ng Talaga at Malalim, ay siyang ginawang kuta ng mga tulisan.

Isang araw, ang pangkat ng masasamang loob na pinamumunuan ng isang kilabot na tulisan na nagngangalang "Halimao" ay nakabihag ng isang magandang dalaga na di umano'y anak ng kapitan sa kabugnog [?] na bayan. Ang dalagang ito ay maputi at may lahing Kastila. Ang mga mangdarambong ay pawang naakit sa kanyang kagandahan, kaya't sila ay pawang tinubuan ng pag-ibig, hanggang sa sila ay magkagalit at magaway-away.

Sa kanilang mga pagsusukatan ng lakas ay pawang naputi ang buhay, at dahil sa malaking takot ng dalaga ay nawalan siya ng ulirat at napahandusay sa isang duguang bangkay. Napuno ng dugo ang kanyang damit, at nang siya ay magkamalay ay nakita na niyang siya ay nag-iisa. Wala siyang malamang gawin, nguni't sa wakas ay ipinasiya niyang siya ay umalis doon at manusog ng landas. Nguni't bago niya ito ginawa ay hinubad niya ang kanyang damit babae at nagsuot lalake baga man ito ay dalaga at duguan.

Sa kanyang paglalakad ay hindi nagluat at nasumpungan niya ang mga ronda ng Guardia Civil, at nanag makitang siya ay tigmak ng dugo ay agad siyang nilapitan at tinanong.

"Binata, bakit ka duguan?" ang tanong ng puno ng mga kawal.

"Tina po lamang ito ng dugo ng mga tulisan," sagot agad ng babae.

"Ano? Tina ng dugo? At saan mo tininaan iyan?" ang sunod-sunod na tanong ng mga kawal.

"Diyan po lamang sa dakong iyan. Hali kayo at ituturo ko sa inyo ang tinaan." At sila ay lumakad hanggang sa marating ang pook na kinalalagyan ng mga bangkay ng tulisan. At mula noon ay ang pook na iyon ay tinawag na "Tinaan."

[p. 25]

T I N A A N

During the Spanish times, the bandits were the ones dominating the place. They had their stronghold on a high and level place between the barrios of Talaga and Malalim.

One day, a group of bad men headed by a fierce bandit named Halimaw captured a beautiful lady. She was said to be the daughter of a captain in the neighboring town. She had a white complexion and was of Spanish descent. All the bandits were attracted by the beauty of the girl, so they all fell in love with her. These feelings towards the girl caused plenty of trouble.

They fought with one another until all of them died. The lady was very much frightened, so she fell unconscious over a bloody cadaver. Her clothes were filled with blood, and when she came to her senses, she found out that she was alone. She did not know what to do. But at last, she decided to go away and follow the trail that she saw. Before she did this, she took off her clothes and wore a man's apparel even if it was bloody.

After a short time, she came across some civil guards and, when they saw her with blood, they questioned her.

"Gentleman, why are you bloody?" asked the leader.

"This is only dyed with blood of the bandits," answered the girl.

"What? Dyed with blood? And where did you dye that?" questioned the soldier.

"Not far from this place. Come with me and I will show you the place where this was dyed."

The girl led the civil guards to the place. There, they saw the dead man all wet with blood.

From that time on, the place had been called "Tinaan," meaning "dye." [More correctly, a place for dyeing.]

[p. 26]

5. "SAKAY - EN"

Ayon sa kasaysayan na narinig sa mga matatanda sa una, ang pangalan ng "Sakay-en" ay nagmula sa salitang "Sakay Ining," at ganito ang mga pangyayari:

Noong unang panahon, ang Morong ay hindi pa ito at iilan pa ang mga Kastila na nakararating dito maliban sa Kura Paroko, at iilan pa lamang ang mga bahay. Isang hapon, samantalang nagpapasyal ang kura sa may dakong palayanin ay nakatanaw ng magnuno na may akay na kalabaw at tatawid sa sapa, at dahil sa ang sapa ay may tubig ay umakyong sasakay ang matanda, nguni't siyang pagtatanong ng kura ng ganito รข€”

"Hoy, Tanda, anong pook ito?"

Dahil sa ang matanda ay may kahinaan ang tainga ay hindi waring napansin ang tanong ng kura, kaya't siya ay nagpatuloy ng pagsakay, at ang sabi ay ganito:

"Sakay-in" sa halip na masabi niyang "Sakay-Ining" dahil sa kanyang pagkabahin.

Sapagka't akala ng kura ay ang pangalan ng pook na iyon ay "Sakay-in," ay mula noon ay tinawag na ang pook o sapang iyon na Sakayin, at nitong bandang huli ya naging "Sakayen."

SAKAY - EN

The word Sakayen came from the word "Sakay Ining" (Tagalog translation of come and ride, child). The story runs this way:

During the olden times when Morong was not yet like this, there were a few Spaniards here aside from the parochial priest, and there were only a few houses. One afternoon, the priest took a walk in the fields near a brook. In the far distance, he saw an old man and a girl holding the rope of a carabao leading homeward. They were to cross the brook. The priest went near the old man who was about to ride on the carabao with his

[p. 27]

grandchild, when the priest asked this question:

"Old man, what place is this?" The old man did not hear him for he was hard of hearing. He jumped on the back of the carabao and told his grandchild to do likewise and said, "Sakay." (Tagalog translation of ride.) He was about to add "Ining" when he sneezed loudly and uttered the sound "in" only.

The priest concluded that the words spoken by the old man were the answer to his question. From that time on, the place was called "Sakay-in," and later it was called "Sakayen."

[p. 28]

6. Ang Alamat ng Araw,
Buwan, at Bituin

Noon ay ilan lamang ang naninirahan sa malapad na lupa, dito'y kabilang ang isang mag-asawang nabubuhay sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop. Ang mga hayop noon ay maamo, lalo na ang mga ibon na pantay tao lamang kung lumipad sa mga maliliit ding punongkahoy at mga halamang ang mga sariwa at luntiang dahon ay halos nakikipaghalikan na rin sa marikit na pisngi ng mababang langit.

Ang mag-asawang ito ay kilala sa kasipagan. Kapag nakakita na sila ng kaunting liwanag na hindi nila malaman kung saan nagbubuhat, pagka't wala silang nakikitang araw, ay magtutungo na sila sa bukid at gagawang walang puknat hanggang sa kumalam ang kanilang sikmura at makaramdam sila ng gutom. Araw-araw halos ay ganyang ang kanilang napagka-ugalian, at sila'y kapuwa masaya at maligayang nabubuhay.

Nguni't sa kabila ng kanilang kasipagang yaon, ang isang maipipintas lamang sa kanila ay ang kakulangan sa paghahanda nila ng bigas, alalaong baga, kung dumarating ang oras ng pagluluto ay karakaraong mayroon silang makukuha sa bumbong upang maisaing agad. Ang kanilang katuwiran marahil ay sagana naman sila sa palay at mga ulam, at ano mang oras na ibig nilang magluto ay makapagbabayo agad ang lalaki, at makapaghahanda naman ang babae.

Subali't isang hapong umuwi sila mula sa kabukiran ay patang pata ang kanilang katawan at gutom na guto sila kapuwa. Pagdating nila sa maliit na kubo ay nagmamadali nang kumuha ng palay ang lalaki, isinilid sa isang pandak na lusong at hinaplit ng bayo. Ang babae naman ay gumawa na ng kanilang maiuulam, nagpatay ng matabang manok at pagkatapos ay isinalang sa kalan at ginatungan.

Samantalang nagliliyab ang kalan at lumilikha ng magandang usok ay naisipan ng babae na isabit ang kanyang suklay at ang

[p. 29]

mahabang kuwintas sa mukha ng marikit na langit. Ang lalaki naman ay nagkakangkakahog ng pagbabayo, sapagka't ibig niyang makapagsaing agad.

Datapuwa't sa kanyang pagmamadali at pag-uubos ng lakas sa pagbabayo, ay malimit na sumuko ang dulo ng kanyang halo sa langit, at dahil doon ay nabibigyan siya ng kaabalahan. Dahil sa kanyang kayamutan ay padabog siyang nagsalita:

"Napakababa naman ng langit ito! Manong tumaas ka na ng tumaas at nang hindi ako naaabala sa aking pagbabayo."

Sukat sa kaniyang sinabing yaon upang magulumihanan silang mag-asawa, sapagka't noon din ay nakita nilang matuling tumataas ang langit na tangay ang suklay, ang kuwintas at pati na ang kalan na noon ay nagniningas. Mula noon, bawa't gabi ay nakikita ng mag-asawa ang ga suklay na buwan kung nangangalahati, ang mga bituin na nagsabog ng langit, at kung araw naman ay ang nagbabagang tanglaw ng Daigdig. Inisip nila na ang apoy ay naging araw, ang suklay ay naging buwan, at ang mga butil ng kuwintas ang naging mga bituin.

The Legend of the Sun, Moon, and Stars

This is the legend that tells how the sky came to be so high, and where the sun, moon, and stars came from.

According to an old story of long ago, the sky was so close to the earth that it was not easy for the people to do their daily work. So, they wished that the sky would move up. This wish was granted, and as the sky moved upward, it carried along with it a comb, a necklace, and a burning stove. According to the story, these became the half-moon and the stars and the sun.

[p. 30]

7. Ang Punong Saging

Dalawang alamat na magkasing-uri ang matutunghayan
natin ngayon: kung bakit ang halamang Saging ay nag-
karoon ng ganyang pangalan.

Huwag sana kayong mangingilo o matatakot man kung malaman nating ang halamang saging ay nagbuhat pala sa kamay ng isang tao, at nanggalng din pala naman sa kamay ng isang "lamang-lupa."

Aging ang magandang pangalan ng binata at Huwana naman ang malambing na tawag sa dalaga. Sa nayon ng Kalyos sa tabi ng isang gubat ay doon naninirahan ang isang pag-asawahan na walang naging anak kundi si Huwana. Nang magdalaga si Huwana ay marami ang humanga sa kanyang kariktan, at isa na rito ang makisig na binatang si Aging. Sina Aging at Huwana ay madali namang nagka-ibigan, at magiging napakatamis sana ang kanilang pagmamahalan kundi sumalungat ang mga magulang ng dalaga, lalo na ang matandang lalaki. Malimit na sabihin ng ama ni Huwana na huwag nang paakyatin sa kanilang tahanan si Aging. Subali't kahit ano ang kanyang gawing pagbabawal ay malimit din niyang datnan sina Huwana at Aging sa pag-uulayaw.

Isang gabi ay dumating ang matandang lalaki mula sa kanyang pagsasaka na sukbit sa kanyang baywang ang isang matalas na gulok. Hindi pa siya nakaaakyat ng bahay ay namataan na niya ang kamay ni Aging sa pasamano ng kanilang bahay na mababa naman. Biglang sumulak ang kanyang dugo at pagtapat sa kamay ng binata na noon ay nakalawit pa ng bahagya ay tinabas niya ng taga. Nalaglag ang kamay ng binata, at sa laki ng pagkagulat ay kumarimot ng takbo at hindi na nila nakita. Si Huwana ay nanaog at nagpanangis sa kamay ng kanyang kasintahan. Nang wala na siyang maisip gawin ay kinuha niya ang putol na kamay at ibinaon sa kanilang looban upang maging alaala niya.

Kinabukasang magbubukang-liwayway ay maagang nanaog ang

[p. 31]

ama ni Huwana. Ano ba't nang siya'y magtaas ng mga mata ay nakita niya na may tumubong halaman na malapad ang dahon at may mga bungang hinog na madilaw at katulad ng mga daliri ng tao. Sa gayon ay napasigaw siya, sabay tawag sa kanyang anak.

"Huwana! Huwana!" ang kanyang tawag. "Ano bang halaman ang bigla na lamang tumubo sa ating looban?"

Nakita nga naman ni Huwana ang bunga ng halamang yaon at naalala niya na roon ibinaon ang kamay ni Aging. Dahil sa ang laman ng kanyang isip ay ang pangalan ng kasintahan, nasabi niyang:

"Iyan po si Aging! Ang kamay ni Aging..." Mula noon ay tinawag na nilang si Aging at hanggang sa kinalaunan ay naging Saging ang halamang nasabi.

Ang pangalawang salaysay ay nag-uulat naman ng pagsisintahan nina Ana at isang napakagandang lalaki na bigla na lamang lumapit kay Ana nang ito'y minsang naglalaba sa batis. Gayon na lamang ang tuwa ni Ana at nang magpahayag sa kanya ng pag-ibig ang binata ay madali niyang sinang-ayunan. Buhat noon ay nagmamahalan na sila, nguni't kung malaki man ang pag-ibig ng binata ay lalong napakalaki ang pagmamahal ni Anan. Datapuwa't isang gabi ay dumalaw kay Ana ang nasabing binata at sa malungkot na tinig ay ipinagtapat niya sa kanyang kasintahan na siya ay hindi isang tunay na tao na may buto at may laman, kundi isang "lamang-lupa," kaya't siya'y nagpaalam na sa kanyang irog upang huwag nang hintayin pang muli.

Sa laki ng pag-ibig ni Ana ay hinawakan sa kamay ang binata, at sa kahigpitan ng hawak na yaon at sa pagpipiglas naman ng binata ay naiwan ang kamay nito, at ang binata ay nawala. Si Ana ay napa-iyak noon din at ibinaon ang kamay na yaon, nguni't kinabukasan ay nakita niyang tumubo ito at naging isang halaman na ang mga bunga ay katulad ng mga daliri

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V | PART VI

TRANSCRIPTION SOURCE:

Historical Data of the Municipality of Morong, Province of Rizal, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post