MUNICIPALITY OF LUCBAN, Quezon, Historical Data of Part 4
PART IV
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V
[p. 31]
ni Longino sa mahal na tagiliran ng Anak ng Diyos; ang malapad na panyong kinalimbagan ng tatlong mukha Niya; at kung ano-anong mahahalagang mga bagay na para sa kabuhayan at kamatayan lamang ng ating Panginoon.
Hanggang ngayon ay sinasabing ang nanggaling sa taluktok ng Bundok Banahaw ay nagbabalita tungkol sa mahiwagang Lupang Banal doon na wala na ngayon sa Herusalem, magbuhat pa nang masakop at mapasakamay ng mga di-binyagan ang Lupang Banal sa Palestina.
Mt. Banahaw is a mountain in the Province of Tayabas. There has been a legend and still, present day rumors that the Holy Land in Jerusalem had been transferred to Mt. Banahaw. It is said that the imprints of Our Lord during his journey to Calvary and all other signs of the Holy Life can be found in Mt. Banahaw.
Alamat ng Banahaw
Sa isang malaking bundok sa gitna ng pulo ng Luson ay maraming mag-aanak na nakatira. Kasama dito ang mag-asawang Lucban at Bayabas, na may isang anak na lalaki — si Limbas.
Sa mga naninirahan sa naturang bundok, si Limbas ay namumukod sa Lakas, sa tapang, at sa bilis. Sa kanyang panunudla ay bihirang usa, baboy-ramo, at malalaking ibon ang nakakaligtas.
Si Limbas ay naging bantog. Ang kaniyang katangian ay naging hantungan ng paghanga ng marami. Hanggang sa malayong pook ay nakakarating ang balitang kabayanihan ni Limbas.
Dahil sa biglang pagkawala ni Limbas, isang araw ay nanimdim nang gayon na lamang ang kaniyang mga magulang. Pagkalipas ng pitong araw ng pagkabalisa ng mag-asawa ay sa darating si Limbas na may dalang isang balutan ng sarisaring damit at pagkain.
Sa tanang buhay ng mag-asawa ay noon lamang sila nakakita ng gayong nag-iinamang damit at nagsasarapang pagkain. Sa pagtatanong na may halong paghanga ng mag-asawa ay ganito ang paliwanag ni Limbas:
May isa pong maginoong balbasin na sa akin ay nagpakilala. Sa maharlikang tahanan nito sa tugatog ng bundok, ako ay sumama. Doon, ang lahat ng mga hayop — gaya ng mga manok, pato, usa — ay puti ang balahi. Isinama ako nuong matanda upang maglakbay sa buong Luson.
"Bago po kami maghiwalay, ibinigay niya sa akin ang balutang ito upang ipasalubong sa inyo."
Yaong balutan ng damit at pagkaing pasalubong ni Limbas sa kaniyang mga magulang ang unang bigay ng engkantado. May bilin ito kay Limbas na kailangang humalik muna ng kamay sa kaniyang mga magulang bago niya iabot ang balutan sa kanila. Ang hindi paghalik ng kamay ay maaaring makapagbago ng anyo ng bagay na ipinagkaloob ng engkantado.
Tinandaan naman ni Limbas ang bilin ng engkantado.
Malimit mawala si Limbas nguni't muling bumabalik sa ikapitong araw. Hindi rin miminsang sa kaniyang pagbalik ay sarisaring kasuotan at pagkain ang kaniyang dala na nakakapagpasaya sa kalooban ng kaniyang mga magulang.
Minsan, sa pagbalik ni Limbas, isang balutan na maliliit na bolang ginto ang ipinagkaloob ng engkantado.
Dahil sa tuwa ni Limbas ay nakalimutan niyang humalik muna ng kamay ng kaniyang mga magulang. Karakaraka'y binuksan niya ang balutan, kasabay ng pagsabing: "Narito po ang ating kayamanan! Mga bolang ginto!"
Nguni't nabigo ang mag-anak. Di sukat akalain — dahil sa kanilang nakita ay napasigaw si Limbas ng: "Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Banahaw!"
Buhat noon ay tinawag na Banahaw ang malaking bundok na nasa gitna ng Luson na kinatitirahan nina Limbas.
[p. 32]
At the foot of a great mountain in the central part of Luzon, there lived a number of inhabitants including Lucban and Bayabas, with their only son, Limbas. Limbas became famous for his courage, strength, and swiftness.
Limbas had once left his home, which brought grief to his parents. On the seventh day, he arrived with a bundle of food and clothes, which greatly amazed them.
He explained how he came to know an old hermit who brought him to his home at the mountain summit. That, upon his departure, the hermit had given gifts for them.
Yet, he was given word to kiss his parents' hands before giving [the] the gifts. That negligence of this might change the forms of the gifts endowed by the hermit.
Limbas had been true to the hermit's words. He paid him frequent visits. Upon his return from one of his visits, the hermit had given him little balls of gold. Limbas was so happy and because of extreme excitement, he had forgotten to kiss his parents' hands. All at once, the gold turned into anahaw.
Limbas shrieked at the sight of the anahaw for he could hardly believe what he was seeing.
"Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Banahaw!" were the only words he had uttered. Thus, the mountain was called Banahaw.
Ang Sampaguita
Dahil sa pagtataksil ng isang binata sa kaniyang dalagang pinangakuan ay nagkaroon ng marikit na alamat ang pambansang bulaklak ng ating lahi, ang sampaguita.
Sila'y nagsumpaang walang magmamaliw. Ang dalaga ay si Anita at ang binata ay si Ernesto. Kapuwa sila lumaki sa isang liblib na nayon, doon sa ang kagandahan ng kalikasan at ang kabanguhan ng mga bulaklak ay nakapagpapabango sa pusong tahimik, sa mga kaluluwang ang munting pangarap ay mabuhay ng may kapayapaan sa kapuwa at sa Dakilang Manlilikha.
Si Anita ay kasindikit ng takipsilim, ang kanyang buhok ay maitim na kawangis ng maitim na gabi kung lumalatag sa mga kabukiran; ang kanyang mga mata ay maiitim ding buhay na buhay; at ang kaniyang makipot na bibig ay sariwang-sariwa na kakulay ng bukang-liwayway kung namamanaag sa Silangan.
Si Ernesto ay isang makisig na binata, masipag, matipuno, at malakas. Ang kaniyang kilos ay may panggayuma sa mga anak ni Eba, at ang kaniyang mga titig ay nakapagpapakislot ng damdamin ng mga dalaga.
Kaya't si Ernesto ang siyang nagtagumpay sa puso ni Anita. Nagsumpaan sila, paulit-ulit na nagsumpaan sa lilim ng isang malagong puno, na ang malalapad at luntiang mga dahon ay na kayungyong sa isang batis sa gabi't araw ay may awit ng kalikasan.
"Natatakot akong bukas-makalawa ay malimot mo ako," ang minsan ay nasabi ng dalaga. "Ang kagandahan mong lalaki ay siyang batubalani na umaakit sa puso ng balana."
"Huwag kang mag-isip ng ganyan," ang nakangiting tugon ng binata. "Malilimot ko ang huminga, nguni't hindi ko malilimot ang sumpaan natin."
"At kung ako'y iyong malimot?" ang pag-uusig ng dalaga.
"Narito ang matulis na balaraw," ang buong kataimtimang sinabi ng binata, "sa sandaling ako'y makagawa ng paglililo ay makikitil mo ang aking buhay."
Inabot naman ni Anita ang patalim at pagkatapos titigan ay malungkot na nagsalita:
[p. 33]
"Hindi para sa iyong bahay ang balaraw na ito," ang kanyang sabi. "Kung ikaw ay mag-asawa sa ibang dalaga, yaon ay ituturing kong kaligayahan mo at kasawian ko naman. Ito ring patalim na ito ang aking gagamitin sa aking sarili."
Naghiwalay ang magkasintahan. Puno ng mga alalahanin ang kanilang mga puso. Bawa't isa'y nagtitibay na tutupad sa kanilang mga kapangakuan. Subali't talagang ang tadhana ay mapaglaro. Nang lumipas pa ang ilang araw ay nabalitaan na lamang ni Anita na ang kanyang iniibig ay napakasal sa ibang dalaga. Parang naipit ang kanyang lalamunan. Nagsikip ang kaniyang dibdib na waring ikakamatay niya ang ginawang yaon ni Ernesto.
Sa dilim ng gabi ay ang pangalan ng binata ang kaniyang nasasambit. Ang mahinhing liwanag ng buwan ay waring namamasdan niya ang masiyang mukha ng kaniyang kasintahan at ang babaing umagaw sa kaniyang kaligayahan.
Kaya't nagunita ni Anita ang matulis na balaraw na ibinigay ni Ernesto. Yaon ang sinabi niya sa kaniyang sarili, na kung ang kanyang irog ay mag-aasawa sa ibang dalaga ay hindi niya gagamitin ang balaraw na yaon kay Ernesto, kundi sa kaniya na ring sarili.
At isang gabing ang buwan ay nakabitin sa kaitaasan, si Anita ay patalilis na nanaog sa kanilang tahanan at nagtuloy sa lilim ng malagong punongkahoy na rati nilang pinag-uulayawan ni Ernesto. Pag dating sa pook na yaon ay inilabas ang kaniyang matulis na punyal. Lumapit siya sa nasabing puno at iniukit sa balat nito ang mga sumusunod:
"Sumpa kita!"
Maliwanag na ang ibig sabihin ng dalaga niyon ay "sumusumpa kita," nguni't iniklian na lamang niya upang huwag nang magtagal ang paghihirap ng kaniyang kalooban. Nang matapos na iukit yaon ay hinawakang mahigpit ang puluhan ng balaraw, tumingala sa langit, at pagkaraang makapag-ilanglang ng ilang pabulong na pangungusap ay itinaas ang hawak na punyal at buong diing isinaksak sa tapat ng kaniyang puso.
Nalugmok si Anita. Tinanglawan ng magandang liwanag ng naglalakbay na buwan ang isang katawang naliligo sa sariling dugo. Kinabukasan ay natuklasan ang kaniyang bangkay. Minabuti ng mga magulang na roon na rin ilibing ang kaniyang katawan upang maging pook na alaala ng isang pag-ibig na nasawi.
Nguni't ilang araw lamang ang nakalilipas doon din sa pinaglibingan kay Anita ay may tumubong halaman na ang mga bulaklak ay mapuputi na kawangis ng mga perlas. Ang kabanguhan ay mahinhin at nanunuot hanggang sa kaluluwa ng mga tao. At dahil sa nabasa nila sa katabing puno ang mga titik na "Sumpa Kita" na ginawa ni Anita ay tinawag nilang sampaguita ang mabangong bulaklak na ngayon ay kilala sa atin sa ganiyang pangalan.
The Sampaguita is the national flower of the Filipinos. Sampaguita is said to have been derived from the words "sumpa kita" or "I pledge," the sweet word of endearment used by people in love. According to the tale, there were two hearts who vowed to each other that they would be true to the end. The man failed to live up to his pledge. The disappointed girl, taking out a dagger that her love had given her in support of their vows, killed herself with the words "sumpa kita" to the end. Out of the burial place, there grew a plant with a beautiful white flower which had been named sumpa kita that later became sampaguita.
Collection of Popular songs
(Old Songs)
"Viva Lucbeña"
C - 3/4
Viva la rica Lucbeña
Y vivan los republicanos
Due la tierra Filipina
Con su sangre lo regaron
[p. 34]
Por Dios, Morenitas
No llores asi
Que tus lagrimitas
Me hacen penar, me hacen penar
Morenitas, morenitas
No llores asi
Par ti alver te triste
Me mate me mate ami.
Kundiman - 1896
2/4
Neneng, pakinggan mo
Kakantahin ko para sa iyo
Kinatha, ginawa, ng araw na
Ikaw ay wala, paglingap mo'y siyang
Masarap sa loob ko
Mangha'y namatay sa harapan mo
Huwag lamang malayo sa iyo.
Tapatin mo, poon ko kung 'yong nilingon
Ang pag-ibig na inaalay noong
Nagdaang panahon —
Maaawa ka Neneng, kung sinisinta
Laking hirap na dinadala
Niyaring puso nagdurusa.
(b) Games:
Juego de Prenda
Ang pangalan ng mga lalake ay mga bungang kahoy
Ang pangalan ng mga babae ay mga bulaklak
Hari - Ang paru-paro ng hari'y lilipad at dumapo sa sampaguita
Sampaguita - Wala po rito.
Hari - Saan nandoon?
Sampaguita - Nasa santol po.
Santol - Wala po rito.
Sampaguita - Saan po nandoon?
Santol - Nasa pitimini po.
Pitimini - Wala po rito.
Atbp, hanggang may magkamali ng sagot. Ang magkakamali ay magbibigay ng prenda na tutubusin niya sa pamamagitan ng isang awit, talumpati, o laro.
Kapitang Bakod
Riddles:
(1) Munting bundok, hindi madampot. - ipot
(2) Mataas ang ibinitin kaysa pinagbitinan. - saranggola
(3) Aling ina ang sumuso sa anak? - dagat
(4) Bulsikat ni kaka, punong-puno ng lisa. - kalamansi o dayap
(5) Binatak ko ang baging, bumuka ang tabing. - payong
(6) Kabiyak na suman, magdamag kong binabantayan. - unan
(7) Malaon nang nagsusunod, hinde pa nag-aabot. - haligi
[p. 35]
(8) Madaling madalang buksan, sa pag-uuli ay nahihirapan. - itlog
(9) Halamang di nalalanta, kahit natabas na. - buhok
(b) Laru [Laro]:
Juego de Prenda
The names of boys are the names of fruits.
The names of girls are the names of flowers.
King - The butterfly of the king will fly and rested on a sampaguita.
Sampaguita - Not here.
King - Where is it?
Sampaguita - In a santol, sir.
Santol - Not here.
Sampaguita - Where is it?
Santol - In a pitimini, sir.
Pitimini - Not here.
The one who answers wrong will give a "pawn" which he will get by means of a song, a poem, or a game.
Captain Post
Many children are needed in this game. One of them will be "It." In a signal, the players will run. Then, "It" will run after them and they run to the posts near them for safety. "It" will look for the children who are not holding posts or who are far from posts. In case one is caught, then he will be the "It" then. And the game goes on.
10 Utos sa May Asawa
3/4
A- (1) Ang utos na una-una
Sa babaeng may asawa
B-Ibigin ang kasi at sinta Nang lalo sa lahat na. At bawal ang pakikinggan Bulong ng lalaking sino man Pagka't tanging katungkulan Mag-ingat ng puri't dangal. (2) Utos na ikalawa
Di dapat pagpahamakan
(3) Ikatlong utos naman
Ngalan ng kasi at hirang Sa anumang maibigan
Dapat nang bawalan
A-Ang pangangapit-bahay Gayon din ang pagpapasyal. (4) Igagalang tuwi na
Ang Panginoo't asawa
(5) Ika-lima'y huag suayin
Ito ang ika-apat baga Utos sa may asawa
Kagustuhan ng asawa'y sundin
At laging tatalimahin Kagustuha'y huag suayin. |
B- (6) Ikanim ay pangilagan
Sa di asawa'y pakasal
(7) Ika-pito'y pagpilitan
Mahigit na katungkulan Na ang kapalit ay - buhay
Sarili ay isimpan
A-At huag tutulutan Sa ibang lalaki'y ibigay. (8) Ikawalo ay tatandaan
Ng babaeng sino man
(9) Ika-siyam ay lilimutan
May bulaa't mapagbintang Na ang asawa'y may kaibigan
Ibang babae huag tingnan
B-At di dapat pagnasaan Ang isa ibang kagandahan. (10) Ika pulo'y di dapat
Sa di kanya'y maki-abat
Kaya binigyan ng dapat Sa sarili ay marapat. Sampung utos na lahat Kinauuwian iisa Umibig at tumalima Sa asawa't di sa iba. |
"Matang Mapamihag"
2/4
Ang balat mong kulay nakar Labing pula, ngiping perlas, Sa alipin mo't alagad Mata mong parang araw Parang bituing sumikat. Titig ng mata mo lamang Kahit patay mabubuhay. |
Ay Neneng, mata mo'y isilay Ng mata mong mapungay Ng mata mong mapungay Lunas ka at kagandahan Mapang-aliw sa manga Lulumbay. |
[p. 36]
O Magandang Loleng
O magandang Loleng
Masamyong bulaklak
Ikaw ang ligaya
Ng pusong may hirap
Itawid sa langit
Tingin mo banayad
Ang mahal mong lambing
Sa dusa'y panglunas.
Sa iyo nanghiram si Venus ng ganda
Ang titig mo at sila'y ng madlang ligaya
Ngiti mo sa tamis ay walang kapara
Ang hinhin sa iyo'y natipong lahat na.
"Awit na Pampatulog sa Bata"
Maya-maya nama'y kita'y gigisingin.
Ang igigising ko'y halina't kumain
Halina bunso ko't lalamig ang kanin.
Kundiman of 1800
Nagpatya ng hayop, niknik ang pangalan
Ang taba po nito ay ipinatunaw
Lumabas na langis siyam na tapayan.
Ang balat po nito ay ipinakorte
Ipinagawa kong silya't taborete
Ang uupo dito'y kapitang pasado
Kapitang lalaking bagong hahalili.
Doon po sa aming bayan ng Malabon
May nakita akong nagsaing ng apoy
Palayok ay papel, gayon din ang tungtong
Tubig na malamig ang ipinanggatong.
Doon po sa aming bayan ng San Roque,
May nagkatuwaang apat na pulubi.
Nagsayaw ang pilay, kumanta ang pipi,
Nanood ang bulag, nakinig ang bingi.
"Nabasag ang Banga"
mo ginalaw, di sana nabasag ang
banga kong tangan.
may gawa.
lamang at nang ako ay hindi makagalitan.
[p. 37]
"Pasiando Una Mañana"
Pasiando una mañana
Por las calles de la Habana.
La morena trinidad (2x)
Estredos las ojetaron (2x)
y presar se lo llebaron
de orden de la autoridad.
Por que si que robar coragones
Se dedican tus ojos gachones
//: Ellos con los que ati te de latan
y al ber los me atan
Con mucha verdad ://
Ella dijo salomera
Si me saca su merced
Cuando pase, por su bera
Mis ojitos, su rare.
Ya no hase mas, que el cuento a cabo,
No se como fue, que al ques lo saco
Perdonando las gustas y faltas que
en seras pago.
Niñas Bellas
3/4
Salid niñas bellas
Salid del balcon
Alegres cantemos
Sal si la sal fa mi re do.
Do do ta do el mosura do
Reci las an comparable re
Mi natura albidable mi
Vamos a bella ventura fa.
Solo repeti te quiero si
La ti do del corazon la
Si lo repetir te quiero si
Sal si la sal fa mi re do.
"Ilaw"
O ilaw sa gabing tahimik
Wangis mo'y bituin sa langit
O tanglaw sa gabing tahimik
Larawan mo Neneng nagbigay
pasakit - pasakit.
Tindig at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.
Buksan mo ang bintana at iyong dungawin
Nang mapagtanto mo ang tunay kong pagdaing.
"Old Music Teachers of Lucban"
1. Maestrong Goyong - (Gregorio Manrique) Bandmaster, orchestra leader, and church singer.
2. Vicente Abcede - Bandmaster and church singer.
3. Raymundo Racelis - Maestrong Mundo-Orchestra leader.
4. Goyong Bangue - Bandmaster.
5. Jose Abcede - Bandmaster, orchestra leader, and composer of songs for the zarzuelas. He composed the piece "Simoy Banahaw!" It became popular that the Phil. Constabulary Band played the piece at the Luneta. It was conducted by Captain John Loving, a negro, conductor of the Philippine Constabulary Band.
6. Vicente Cadiz - Bandmaster orchestra leader, and church singer. He had been a member of the 1st Philippine Constabulary Band. He composed a piece, "Naty," and it was played at the Luneta by the Constabulary Band, conducted by Captain Tresnido.
7. Severino Cadiz - Orchestra leader and singer. Like his brother, he had been a member of the 1st Philippine Constabulary Band. He had rounded [gone around] Europe and parts of the Asian continent as a musician. He and
[p. 38]
his brother Vicente had played in the "World Exposition" held in St. Louis City, U.S. in 1904 - with the First Philippine Constabulary Band. He is the organizer of the original "Paques Orchestra."
8. Froilang Babat - Bandmaster and orchestra leader.
9. Gabriel Nañagas - Composer of several musical pieces, some of which are being sung in some Public Elem. Schools:
(1) Mutya ng Silangan (2) Paggalang sa Watawat (3) Himig Banahaw |
(4) Partenchass (5) Mambo Nañagas |
Puzzles and Riddles
2. Tubig naging putik, putik naging bato, batong naging piso. (pakaskas)
3. Walang pintong pinasukan, nakapasok sa looban. (kaisipan)
4. Duwag ako sa isa, matapang ako sa dalawa. (tulay)
5. Pisong hindi magasta, pisong malakas kumita. (lipong ng pari)
6. Pinawalan ang bibig, pinagkuskusan ang puwit. (prinsa sa damit)
7. Bahay ni Santa Ana, punong-puno ng bala. (papaya)
8. Ang itinanim ay itinapon, ang pinagtamna'y nilamon. (manok)
9. Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay namulaklak. (apuyan)
11. Tagain mo't gapok, ulitin ko'y tigas, buksan ko'y dagat. (niyog)
12. Tatlong magkakapatid, singpuputi ng dibdib. (kalan)
13. Isang butil na palay, punong-puno ang bahay. (ilaw)
14. Iisa, ang pangalan ay lima. (limatik)
15. Manok kong puti, nagtalon sa pulasi. (hugas-bigas)
16. Umanak ang birhen, itinapon ang lampin. (puso ng saging)
17. Isang halaman, tatlo ang pangalan. (gabi, lain, at paklang)
18. Balahibo sa loob, balahibo sa labas, balahibo hanggang wakas. (labong)
19. Hindi apoy, hindi tao, kuhang-kuha ang kilos mo. (anino)
20. Ako'y may kasama sa paghingi ng awa, hindi ako umiiyak, siya'y lumuluha. (kandila)
Puzzles and Riddles
2. Alisto ka pandak, naito na si mabigat. (pot)
3. Hinalo ang nilugaw, nagtakbo ang inihaw. (boat)
4. Iulos ko'y tuyo, bunotin ko'y natulo. (dipper/tabo)
5. Nagsaing ang pusong, nasa ibabaw ang tutong. (scabies)
6. Dalawang bolang sinulid, abot hanggang langit. (eyes)
7. Dala ko siya, dala niya ako. (wooden shoes)
8. Dalawang pamupoy nagpapanghabol. (legs)
9. Yaong nang yaon, walang nahahayon. (aluyan)
11. Bahay ni San Gabriel, libot ng baril. (pig pen)
12. Bahay ni Santa Ana, puno ng bala. (papaya)
13. Hingit ang bagin, nagkakasagang matsin. (bell)
14. Papel na berde, tintang puti, plumang bali. (apog, ikmo, pangkuhit ng apoy)
15. Natindig ay walang paa, naluha ay walang mata. (candle)
16. Hindi hari, hindi pari, nagdadamit ng sarisari. (sampayan)
17. Dalawang pirit, nanimbang sa siit. (earrings)
Bugtong : Riddles
2. Lumuluha'y walang mata, lumalakad, walang paa. panulat
3. Ha-pula, ha-puti, eskuwelahang munti. itlog
4. Dalawang balon, hindi nalingon. dalawang tainga
[p. 39]
6. Malayo pa ang sibat, nganga na ang sugat. bibig na sinusubuan
7. Palaging kinukunan, hindi naman nilalagyan, di maubos ang laman. balon
8. Hindi hayop, hindi tao, nakatatakbo. makina
9. Walang puso ay may puso, walang isip ay may isip, nagsasaya't nagtuturo, lumuluha't nagagalit. panitikan
11. Maliit ang matang malaki sa tasa, walang hindi nakikita. usisero at usisera
12. Maliit ang bibig, sapak sa tainga, parang komedyanteng kakara-karansa. daldalero't daldalera
13. Pitong itso'y nang manganga, namatay ang nagngangata. pitong wika
14. Magpakalayo-layo ng libot, sa pinanggalingan din ang pasok. prusisyon
15. May pagkaing hinahabol, di makain ng di gutom. ostiya o pormas
(1) Dalawang mabilog
Malayo ang abot. (mga mata)
|
Too far, it can reach With two round objects. (eyes) |
(2) Isang sinyora
Hila-hila ang saya. (palaka)
|
A young princess Dragging along her skirt. (frog) |
(3) Kalamay ni Kaka
Hindi mahiwa. (tubig)
|
My brother's cake Can't be sliced with a knife. (water) |
(4) Kung araw ay natutulog
Kung gabi'y naglilibot. (kuwago)
|
It sleeps at daytime But wanders at night. (owl) |
(5) Alisto ka, pandak
Daratnan ka ng mabigat. (dikin)
|
A big round object But can carry a heavy weight. (dikin) |
(6) Isang bumbong na gugulong-gulong
Naging manggagamot pagbangon. (ihip)
|
A rolling bamboo joint Helps one in heed of fire. (ihip) |
(7) Walang puno, walang sanga
Hitik na hitik ng bunga. (bituin)
|
Without trunk nor branches Fruits about in numbers. (stars) |
(8) Maitim na parang uwak
Maputing parang busilak
Walang paa'y nakakalakad At sa hari'y nakikipag-usap. (sulat) |
Black like a crow And white as crystal Walks though without feet And talks to a king as usual. (letter) |
(9) Nagtago si Pedro
Labas ang ulo. (pako)
|
He hid his body but the head can be seen by everybody. (nail) |
(10) Malalim bawasan
Mababaw kung dagdagan. (tapayan)
|
So deep as I draw out the contents And very shallow as I add something. (jar) |
(11) Isang supot na uling
Naruon at nakabitin. (liputi)
|
A bag of charcoal Hanging in the air. (blackberries) |
(12) Ako'y may kasama gabi at araw
Sa apoy ay hindi masunog,
Sa ilog ay hindi malunod. (anino) |
I have a companion day and night Neither can it be burned in fire Nor drowned in the water. (shadow) |
(13) Takot sa isa
Hindi takot sa dalawa. (tulay na kawayan)
|
Afraid of one, But not of two. (bamboo bridge) |
(14) Suot ko'y putian
Puso ko'y dilaw. (itlog)
|
Yellow is my heart And white is the outside part. (egg) |
(15) Hindi madangkal, hindi madipa,
Pinagtutuwangan ng lima. (karayom)
|
Not an inch long It needs fire to work on. (needle) |
[p. 40]
(16) Baston ni Adan
Hindi mabilang. (ulan)
|
Canes of Adan Cannot be counted by anyone. (rain) |
(17) Hindi hayop, hindi tao
Walang gulong ay tumatakbo. (agos ng tubig)
|
It is not people nor animal And it runs along without a wheel. (flowing water) |
(18) Ako'y nagtanim ng isip
Sa ilalim ng tubig
Dahon ay makikitid Bunga'y matutulis. (palay) |
I planted a seed At the bottom of the sea The leaves are narrow The fruits are pointed. (palay) |
(19) Isang butil na palay
Puno ang bahay. (ilaw)
|
A grain of palay Fills a house. (lamp) |
(20) Kain nang kain
Wala namang bituka at ngipin. (gunting)
|
It eats and eats, But it has no teeth nor intestines. (scissors) |
(21) Hindi pari, hindi hari
Nagdadamit ng sari-sari. (sampayan)
|
Not a priest nor a king But wears clothes of many kinds. (clothesline) |
(22) Si amama ay nagtungo sa sabungan
Ang kanyang paa ay naiwanan. (bakas)
|
My grandfather went to the cockpit He left his feet. (footprints) |
(23) Bahay ni San Gabriel
Libot ng baril. (banlat)
|
House of St. John [Gabriel] Surrounded with a gun. (pigpen) |
(24) Dala ko siya
Dala niya ako. (chinelas)
|
I carry him He carries me. (slippers) |
(25) Naito na si kaka
May sunong na dampa. (salakot)
|
Here comes my brother Carrying his house on his head. (salakot) |
(26) Sino sa mundong ibabaw
Ang mga nabuhay at namatay
Nguni't kailanman ay hindi Isinilang. (Eva at Adan) |
Who are they, They lived and died But were never born. (Adam & Eve) |
(27) Mga magkakaibigan,
Hindi makagawa kung iilan. (alis)
|
A group of friends, when few Can't do things. (broom) |
(28) Dahong pinagbungahan
Bungang pinagdahunan. (pinya)
|
Leaves from which fruits sprout And from fruits leaves grow. (pineapple) |
(29) Isang bayabas [mukha]
Pito ang butas. (bayabas)
|
A guava [face] With seven holes. (guava) |
(30) Mataas ang ibinitin
Kaysa pinagbitinan. (saranggola)
| |
(31) Nagdaan ang tagak
Naghati ang dagat. (sinaing)
|
When the heron passed, It made the water in the sea empty. (cooking rice) |
(32) Ito na si bayaw
Dala-dala'y ilaw. (alitaptap)
|
Here comes my brother-in-law Carrying a light in a lamp. (firefly) |
(33) Manok kong pula
Umakyat sa sampaguita
Nagpakita ng ganda. (araw) |
My red hen climbs the sampaguita And makes all things beautiful. (sun) |
(34) May ulo, walang tiyan
May liig, walang baywang. (botelya)
|
Without a head and without stomach, It has a neck but no waist. (bottle) |
[p. 41]
(35) Heto-heto na
Napuputot, walang dala. (kuba)
|
Here comes, here comes With his body bent Without a weight. (humpback) |
(36) Naituna, naituna
Hindi mo pa nakikita. (hangin)
|
Here he comes, here he comes But you cannot see it. (wind) |
(37) Isang salaping pera
Hindi magasta-gasta. (lipong ng pari)
|
A silver peso piece But can't be spent. |
(38) Hindi ano
Hindi kuwan
Berdeng balat Pulang laman. (pakwan) |
It is a thing And something else The cover is green And red is the inside. (watermelon) |
(39) Nag-aral ka ng pitong taon
Anong ibon ang umipot
Sa harap ng Panginoon? (kandila) |
You studied for seven years What bird has thrown off waste, In front of they Master? (candle) |
(40) Binubungan, tinangkilan
Sa ibabaw tumahan. (saddle)
|
It is roofed and framed But lives upstairs. |
(41) Ipininta'y hindi iginuhit
Nayari'y hindi inisip. (mukha)
|
It is drawn and carefully observed When finished, it has a nice shape. (face) |
(42) Walang mata'y lumuluha
Naghahatid ng balita. (fountain pen)
|
Without eyes, it sheds tears And to someone sends news. |
Mga Salawikain
2. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang.
3. Sa larangan ng digmaan, ang bayani nalalaman.
4. Pagkawala ng liwanag, walang batikang bayawak.
5. Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, at nang maluto na'y iba ang kumain.
6. Kapag ako ang may alak, nakakabaysok ang lahat.
7. Ang mata'y itingin, bibig ay tikumin.
8. Sa taong masamang bibig, marami ang nagagalit.
9. Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib.
11. Sinungaling ang ilong, bibig ang marunong.
12. Makigaya ka man sa isang may-biyenan, hindi ka bibigyan kung di ka magsakit.
13. Ang biglaan kung dumating, kung lumayas ay bigla rin.
14. Tripilya na kung wala, bihilya pa kung sagana.
15. Ang panalo'y parang isda, unang huli ay bilasa.
16. Sa mahal magbili, barat na mamimili.
17. Ang bumibili ng mahal, siyang namumurahan.
18. Kung sinong binata yaong alimura, karahila'y siyang bubugbog sa kanya.
19. Kapag masakit ang biro, nagpaparugo ng puso.
PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V
TRANSCRIPTION SOURCE: