MUNICIPALITY OF LUCBAN, Quezon, Historical Data of Part 5 - Philippine Historical Data MUNICIPALITY OF LUCBAN, Quezon, Historical Data of Part 5 - Philippine Historical Data

MUNICIPALITY OF LUCBAN, Quezon, Historical Data of Part 5

Municipality of Lucban, Quezon

PART V

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V

About these Historical Data

[p. 42]

1. Nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa.
Man proposes, but God disposes.
2. Ang liksi at tapang ay kalasag sa buhay.
Swiftness and boldness are the shields of life.
3. Aanhin pa ang gamo kung patay na ang kabayo?
Better late than never.
4. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
Try and try until you succeed.
5. Daig ng agap ang sipag.
The early bird catches the worm.
6. Ang lumalakad ng marahan, matinik ma'y mababaw.
Look before you leap.
7. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
Look back before you go onward.
8. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
A part of the whole is better than none at all.
9. Pagkahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
There's no place like home.
10. Malayo ma't siguro, daig ang malapit na palso.
Slow but sure.
11. Ang hindi marunong magtipon ay walang hinayang magtapon.
Make hay while the sun shines.
12. Ang taong natutulog, ginto man ang mahulog ay hindi makapupulot.
A sleeping shrimp is carried away by the current
13. Magpakataas-taas man ang lipad, sa lupa rin ang bagsak.
Pride goeth before destruction.
14. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.
Not all that glitters is gold.
15. Pagka talagang palad ay sasampa sa balikat.
Luck knocks at the door.
16. Walang unang sisi sa unang pangyayari.
Repentance comes last.
17. Kung sa sarili ay masama, huwag gagawin sa inyong kapuwa.
Don't do unto others what you don't want others to do unto you.
18. Bago mo punahin ang sa ibang uling, ang sariling mukha'y tingnan sa salamin.
Examine yourself first before you notice others' mistakes.
19. Ang kabutihang ugali, lalong higit sa salapi.
Manners make a man.
20. Sa gitna ng digmaan, nakikilala ang bayaning tunay.
The valiant never tastes of death but once.
21. Mayamat ka ma't dakila, sa ginto'y sumasagana at di maglunas sa wala, dukha ka ring maralita.
A man's true wealth is the good he does in the world.
22. Ang hanap sa malayo, habang daa'y nabububo.
A rolling stone gathers no moss.

Proverbs and Sayings

1. Ang liksi at tapang ay kalasag sa buhay.
2. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
3. Ang pag-ilag sa kapahamakan ay siyang katapangang pinakikinabangan.
4. Ang taong natutulog, ginto man ang mahulog ay hindi makapupulot.
5. Magpakataas-taas man ang lipad, sa lupa rin ang bagsak.
6. Ang bato man ay matigas, sa patak ng ulan ay pilit maaagnas.
7. Ang magsalakot ay basa na ang tuktok.
8. Pagka talagang palad ay sasampa sa balikat.

[p. 43]

9. Kung sa sarili ay masama, huwag gagawin sa iyong kapwa.
10. Matalino man ang matsing ay napaglalangan din.
11. Patay man ang lupa, sa ilalim ay may lungga.
12. Ang kabutihang ugali, lalong higit sa salapi.
13. Ang taong mahirap na laging tahimik, ay daig ang mayamang laging sa panganib.
14. Ang pusong walang pag-ibig, katulad ng biolin, and kwerdas ay patid.
15. Ang tapat na kaibigan, sa gipit nasusubukan.
16. Gawaing hindi dinahan-dahan, karaniwa'y nasasayang.
17. Ang iyong kakanin, sa iyong pawis manggagaling.
18. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang sa tumanda.
19. Ano man ang gagawin, makapitong isipin.
20. Hindi lalaki ang bata kung di mahulog sa lupa.
21. Ang araw, bago sumikat, nakikita ang banaag.
22. Maipagkait ang yaman, hindi ang kahirapan.
23. Pag ang punla mo ay hangin, ay bagyo ang aanihin.
24. Minamahal habang mayroon, kung wala'y patapon-tapon.
25. Ang magtiis ng hirap, may ginhawang hinahangad. 26. Ang mukha ay salamin ng kaluluwa.
27. Ngayon tutukain, ngayon kakahigin.
28. Taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
29. Ang bihasang magtapon ay mahirap mag-ipon.
30. Kung anong mukha, siya ang gawa.
31. Kung ano ang tamis, siya ang pait.
32. Pag maugong ang dagat ay mababaw.
33. Salitang nabitawan di na mapagbabalikan.
34. Ang makipatol sa wala, ulol ang kahalimbawa.
35. Huwag kang makipaglaro sa kuting, baka ka kalmutin.
36. Kapag nayayapakan mo ang ulo sa anino, alas dose sa tanghali; pag tilaok ng manok sa madaling araw, alas tres ng umaga.

Bago matuklasan ang orasan, ang mga tao ay tumuklas ng sari-saring mga paraan ng pagsasabi ng oras, kahit na hindi tiyak at hindi gasinong maaasahan. Ang ilang paraan na ginagamit sa pagsasabi ng oras ay ang mga ito:

(1) Sa pagtingin sa sariling anino.

Sa umaga ay humaharap ang tao sa araw kung ibig malaman ang oras. Kapag siya'y nagkaroon ng mahabang anino, ang ibig sabihi'y ikapito o di kaya'y ika-walo na sa umaga. Kung maikli ang anino, ang ibig sabihin ay malapit na ang tanghali o di kaya'y ika-sampo o ika-labing-isa sa umaga. Kapag ang anino'y nasa paanan na, ang wika nila'y tanghali na o ika-labing dalawa na sa umaga [tanghali].

Kung ibig malaman ang oras sa hapon, ang tao'y humaharap sa pook na nilulubugan ng araw. Kung maikli ang kanyang anino, ang wika nila'y ika-isa na ng hapon o kaya'y malapit nang mag-ikadalawa sa hapon. Kung mahaba-haba na ang anino, ang wika nila'y ika-tatlo o malapit na mag-ika-apat sa hapon. At kung ang araw ay unti-until nang lumulubog, ang wika nila'y mag-iika-anim na.

(2) Sa pamamagitan ng huni ng "kalangay," isang ibon.

Ang kalangay ay isang puting ibon na humuhuning matagal dalawang beses isang araw. Ang unang huni nito sa umaga ay nagsasabing ika-anim na sa umaga. Ang ikalawang huni nito ay sa hapon, na nangangahulugang ika-anim na sa hapon.

(3) Sa pagtingin sa mga pusa.

Ang ibang tao ay tumitingin sa mga mata ng pusa kung ibig malaman ang oras. Ang wika nila'y malapit na ang tanghali kung ang mga mata ng pusa ay bahagya nang naimulat. At kung ang mga mata nito'y unti-unti ng iminumulat ay wika nila'y hapon na. Malinaw at nakamulat na mabuti ang mga mata nito sa gabi.

[p. 44]

Ang tala-arawang ginagamit noong unang panahon, hanggang sa ngayon, ay ang "Kalendaryong Tagalog" na inilathala ni Honorio Lopez. Sa tala-arawang ito, na parang aklat, nakalathala ang mga araw sa bawa't buwan. Sa bawa't araw ay nakalathala ang mga pangalan ng mga "santo," banal na tao, na siyang tinutularan o kinukunan ng mga pangalan ng mga sanggol sa isinilang sa araw na yaon. Ang tala-arawang ito ay nagsasabi rin ng mga kapalaran ng mga tao, kapisanang pambansa at ng bansang Pilipinas.

MEASURING THE SPECIAL CALENDARS

Before the invention of the clock, our people devised means by which they could measure time, though not so accurate and reliable. Some of the means of measuring time were:

(1) By looking at one's shadow.

The person, at sunrise, faced the sun when he wanted to know what time it was in the morning. If he made a long shadow, it meant it's still early or a time which meant seven o'clock or eight o'clock. When the shadow got shorter, it meant it was nearing noon. At noon, the shadow was at his feet, for the sun was directly overhead.

To know the time from noon to sundown, the person faced where the sun set. If he made a short shadow, it meant it's near one o'clock to two o'clock. When the shadow got longer, it's nearing three o'clock to four o'clock. They often said it's six o'clock when the sun was at the horizon or at sunset.

(2) By listening to the chirping of the "kalangay," a bird.

The "kalangay," a white bird which resembles the parrot, chirps daily, but twice only. As the bird chirped early in the morning, the people said it's six o'clock. In the afternoon, the bird chirped again, and people said it's six o'clock in the afternoon [more correctly, evening].

(3) By looking at the cat's eyes.

Some people looked at the cat's eyes in knowing the time. They said it's nearing noon when the cats hardly opened their eyes. When the cat's pupils could easily be seen, the people said it's nearly sundown or a time which meant four to six o'clock. Cats widely open their eyes at night.

The special calendar used before and up to this time is a pamphlet-like calendar edited by Honorio Lopez. This is called as "Kalendaryong Tagalog." On each date, the names of saints are found with inclosures (as) of the fortunes and misfortunes. Usually, the names of children born on a day derive or get their names from the names of saints stated therein. This calendar foretells, too, incidents which may happen and gives, too, a foresight of what may be the result of some conflicting controversial issues as well as the controversies between ideologies.

Ang Alamat ng Lanzones

Ang matamis na bunga ngayon ng lanzones ay hindi nakakain noong unang dako, sapagka't yaon ay nakakamatay. Sa maraming bayan at lalawigan ng Luzon, lalo na sa Laguna na ngayon ay siyang may pinakamaraming inaaning lanzones, ang halamang ito ay halos nag-gubat, sapagka't nagtubo lamang sa tabing-daan, sa mga parang, at mga bukid.

Sinasabing may isang matandang pulubi na sa kalalakad sa mga kanayunan ay inabot ng matinding gutom at uhaw. Noon ay katanghaliang tapat at ang sikat ng araw ay nakapapaso, kaya't naisipan ng matanda na sumilong sa isang malagong puno na nahihitik ng magagandang bunga. Ang maliliit at naninilaw-nilaw na bungang yaon sa pagkahinog ay malabis na nakakaakit sa mga mata na napapagod at nagugutom na pulubi. Sapagka't hindi niya nalalaman kung ano ang punong yaon ay pumitas siya ng bunga at buong pananabik na kinain. Nasarapan naman siya sa lasa, kaya't

[p. 45]

nasiyahan siyang kumain nang kumain, datapuwa't pagkaraan lamang ng kalahating oras ay sumakit ang kaniyang tiyan; bumula ang kaniyang bibig; at noon din ay tinanghal siyang malamig na bangkay.

Nagkagulo ang maraming tao sa wala ng buhay na pulubi. Gayon na lamang ang kanilang takot sapagka't minsan pa nilang napatunayan na ang mga bunga ng lanzones ay tunay na lason.

Lumipas ang maraming taon at ang malungkot na pagkamatay ng pulubi ay halos nalimutan na. Gayon man, ang mga bunga ng lanzones ay pinangingilagan pa rin, sa paniwala ng mga tao na talagang lason at nakamamatay.

Subali't sa pook na yaon at sa lilim din ng mga punong lanzones ay isang magandang diwata na [unreadable]. Ang diwatang yaon ay hindi kilala ng mga taga-roon, at kung saan siya nagbuhat, ay wala silang nalalaman. May nagsasabing ang diwata ay isang nimpa na umahon sa batisan, may nagpapalagay namang ito ay sugo ni Apolo at anak ng marikit na Araw.

Sa gitna ng mga pagtataka ng mga tao ay nakita nilang ang marikit na dalagang yaon ay pumitas ng mga bunga at kumain nang kumain. Naghihintakutan ang mga nanonood sapagka't halos ilang sandali lamang at masasaksihan nilang walang salang siya'y mamamatay.

Datapuwa't lumipas ang maraming oras at [unreadable] ang kanilang paniwala . Ang mahiwagang babae ay patuloy pa ring nagbubukas ng mga hinog na bunga ng lanzones at sinasabayan pa ng matatamis na awit. Nakita nila na hindi man lamang dumaing ang diwata at nang mabusog na ay pumitas pa ng bunga at umalis. Sa [unreadable] ay inisip ng mga tao na siyasatin ang bunga ng lanzones. Sa bawa't bunga ay nakita nila na may kurot, gayong nang mga nagdaang araw ay wala. Sa ganyan ay isinaloob nila na ang kurot na yaon ay kurot ng birhen, at ang diwatang kumain ay walang iba kundi isang birhen na inalis ang lason ng lanzones sa pamamagitan ng kurot. Mula noon ay nagsikain na rin ng lanzones at mga tao at hindi na nakakamatay.

BAKIT

May ilaw na dala ang Alitaptap?
Kung gabi lamang lumabas ang Paniki?
Masakit kumagat ang Lamok?
May dalang bahay lagi ang Pagong?
Dalawa ang dila ng Bayawak?
Taging umaaligid sa ilaw ang Gamugamo?

Sinasabi na noong unang panahon ang mga hayop ay nakaka-usap ni Bathala. Dumating ang mga araw na ang mga hayop na ito ay walang awang pinupuksa ng mga tao, kaya't minabuti ni Bathala na sila'y pulungin lahat. Subali't sa nasabing pulong ay nangahuli [unreadable] sina Alitaptap, Paniki, Lamok, Pagong, Bayawak, at Gamugamo. Nagalit si Bathala dahil sa kanilang [unreadable] at sa pagkaantala ng pulong. Dahil diyan ay isa-isa silang tinawag ni Bathala dahil sa kanilang pagkakabalam. Tinawag sila ni Bathala at isa-isang tinanong kung bakit sila nangahuli. Ang unang lumapit ay si Alitaptap na nagsabi ng kaniyang katuwiran.

Ako po ay nakatira pa sa ika-labing tatlong bundok at kung gabi'y hindi ako makalipad sapagka't madilim at hindi ako makakita.

Mula ngayon ay masasambit sa katawan mo ang munting parol, ang nasiyahang sabi ni Bathala.

Ang sumunod naman na nagbigay ng kaniyang katuwiran ay si Paniki.

"Ako po ay nahuli sapagka't wala akong pakpak samantalang ang iba ay mayroon."

Ikaw ay lubhang mainggitin, gayon man ay bibigyan kita ng pakpak, nguni't ang parusa ko sa iyo ay hindi ka makakakita sa araw, kaya't sa gabi ka lamang makakalipad.

Ang ikatlong humarap sa Bathala ay si Lamok at siya namang nagsalita.

[p. 46]

Ako po'y sadyang nagpahuli sapagka't dahil sa aking kaliitan ay natatakot akong hamakin ng mga malalaking hayop.

"Aba," mula ngayon ang sabi ni Bathala ay magkakaroon ka ng isang mabisang pananggol. Ito ay isang matulis na karayom na maituturok mo kahit kanino at mahihithit mo ang kaniyang dugo.

Ang ika-apat na [unreadable] kay Bathala ay si Pagong, at ganito naman ang kaniyang dahilan.

Doon po sa aming bayan ay maraming magnanakaw na huwag di ka lamang malingat ay makukuha na ang iyong mga pag-aari. Ang ginawa ko po ay hinakot ko muna ang aking mga kasangkapan at inihabilin ko sa aking kumare. Iyan po ang dahilan kaya hindi ako nakadating agad.

Mabuting dahilan, sabi ni Bathala, kaya't upang huwag kang mawalan, mula ngayon ay dadalhin mo na ang iyong bahay kahit saan ka magtungo.

Ang sumunod na tinawag ay si Bayawak. Alam ni Bathala na totoong sinungaling ang hayop na ito, at nang kaniyang tanungin ay ganito ang sinabi:

Talaga po akong hindi dapat mahuli, sapagka't bukod sa ako'y malakas lumakad ay maaari pa akong maglamay dahil ako'y may dala-dalang ilaw.

Gayon pala, e ano at nahuli ka pa, ang pagalit na tanong sa kaniya ni Bathala.

Ang tunay na dahilan po ng aking pagkahuli ay ang gamugamo na nakisabay sa akin. Totoo po siyang napakabagal lumakad, at kung gabi ay takot na takot sa aking dalang ilaw. Iyan po mahal na Bathala ang dahilan.

Kapuwa kayo tatanggap ng parusa. Mula ngayon, ikaw gamugamo ay magpapakamatay sa liwanag ng ilaw, at ikaw naman ay magkakaroon ng dalawang dila upang masunod mo ang iyong kasinungalingan.

Pagkasabi niyon ay itinindig ni Bathala ang malaking pulong ng mga hayop sa gitna ng kanilang pagkatuwa.

LEGEND OF THE LANZONES

The luscious fruit of the lanzones, which has now become a rare seasonal delicacy, was a long time ago not edible and instead was poisonous. During the years gone by in so many towns and provinces in Luzon, particularly in Laguna where the lanzones are now produced in big quantities, lanzones trees grew wild and were seen everywhere.

So the story goes, there once lived an old beggar who, while wandering in the hinterland districts was overtaken by extreme hunger and thirst. It was high noon, and the old beggar was forced to take shelter under the shadows of the spreading branches of a lanzones tree laden with ripening fruits. As the man gazed upward, his eyes caught sight of the ripe fruits so that the man's hunger thirst all the more persisted. Without knowing what fruits they were and driven as he was by extreme hunger, he began to partake them of. He ate with gusto, its taste being so palatable. However, after a short time, he felt a severe stomach pain and his mouth was seen frothing. Death was almost instantaneous and, around his lifeless body gathered so many people awe-stricken and seized with fear. Once more, that confirmed their belief that the fruits of the lanzones were poisonous.

So many years passed and the unfortunate and lamentable death of the old beggar was almost forgotten, but still people avoided the fruits of the lanzones, believing that they were still poisonous.

However, on the same spot where the old beggar died, and under the shadows of those lanzones trees, there appeared one day a beautiful woman reclining unconcernedly. Nobody in the place knew her and from where she came, nobody could tell. Some said the beautiful woman was a nymph who emerged from a spring, while others said that she was the messenger of Apollo and daughter of the beautiful Sun. To the surprise and bewilderment of the people, they saw the beautiful woman gather the fruits of the lanzones and begin to eat them. With a feeling of fear and appre-

[p. 47]

hension, and perhaps with pity, they all the while thought that sooner of later, they would soon behold the lifeless body of that woman. Hours passed and their fear did not materialize. The mysterious woman continued to peel the ripe lanzones as she ate, and she hummed a beautiful song.

The people saw with their own eyes that nothing evil befell the woman, and before she left after satisfying herself, she still brought lanzones fruits with her. Because of what they saw, the people betook upon themselves to make a sort of investigation. They approached the lanzones trees and, to their amazement, they saw that every fruit was dented as if pinched, although they remembered very well that in the days gone by, such signs were not seen. They, therefore, concluded that it was the Virgin herself who made such an imprint on the lanzones fruits and that the beautiful woman they saw eating the fruits had been no other but the Virgin herself. The miracle of her touch had removed the poison from the lanzones fruits.

Since that time, the lanzones fruits have become edible and nobody died after eating them.

Ang Alamat ng Araw, Buwan at [mga] Bituin

Hindi pa natatagalang lalangin ng Diyos ang magandang langit na bughaw ay totoong napakababa at naaabot lamang ng kamay. Noon ay wala pa ang Araw, Buwan, at Bituin. Noon ay ilan namang ang naninirahan sa lupa at dito'y kabilang ang isang mag-asawang nabubuhay sa pagsasaka at sa pag-aalaga ng mga hayop.

Ang mag-asawang ito ay kilala sa kasipagan. Kapag nakakita sila ng kaunting liwanag na hindi alam kung saan nagbubuhat, pagka't wala pa silang nakikitang araw, ay magtutungo na sila sa bukid at gagawang walang puknat hanggang hindi sila makaramdam ng gutom. Araw-araw halos ay ganyan ang kanilang napagka-ugalian at sila'y kapuwa masaya at maligayang nabubuhay.

Nguni't may isang maipipintas lamang sa kanila, ang kakulangan sa paghahanda nila ng bigas. Kung dumarating ang oras ng pagluluto ay karakarakang kukuha sa bumbong upang magsaing.

Subali't isang hapong umuwi sila sa kabukiran ay gutom na gutom sila kapuwa. Pagdating nila ay nagmamadaling kumuha ng palay ang lalaki, isinilid sa lusong at hinaplit ng bayo. Ang babae naman ay gumawa ng kanilang [unreadable] nagpatay ng manok at pagkatapos ay isinalang sa kalan at ginatungan.

Samantalang nagliliyab ang kalan at lumikha ng magandang usok ay naisipan ng babae na isabit ang kaniyang suklay at ang mahabang kuwintas sa mukha ng langit. Ang lalaki naman ay nagkangkakahoy ng pagbabayo sapagka't ibig niyang makapagsaing agad.

Datapuwa't sa kaniyang pagmamadali at pag-uubos ng lakas sa pagbabayo ay malimit na sumuko ang dulo ng kanyang halo sa langit, at dahil doon ay nabigyan siya ng kaabalahan. Dahil sa kaniyang kayamutan ay padabog siyang nagsalita:

"Napakababa naman ng langit na ito! Manong tumaas ka ng tumaas at nang hindi ako maabala sa aking pagbabayo!"

Sukat sa kaniyang sinabing yaon upang nagulumihan silang mag-asawa sapagka't noon din ay nakita nilang tumataas ang langit na tangay ang suklay, ang kuwintas, at pati ang kalan na noon ay nagniningas. Mula noon, bawa't gabi ay nakikita ng mag-asawa ang ga-suklay na buwan kung nangangalahati, ang mga bituin na nagsabog sa langit, at kung araw naman ay ang nagbabagang tanglaw ng daigdig. Inisip nila na ang apoy ang naging araw, ang suklay ang naging buwan, at ang mga butil ng kuwintas ang naging [mga] bituin.

[p. 48]

The sky was so close to the earth that it was not easy for the people to do their work. So, they wished that the sky would move up. This wish was granted and, as the sky moved up, it carried along with it the comb, the necklace, and the burning stove. According to the story, these became the half-moon, the stars, and the sun.

Saan Nagmula ang Unang Bulkan sa Pilipinas?

Sa isang pulo ay may isang matandang totoong makapangyarihan at siyang sinusunod ng mga tao. Ang bawa't utos niya ay buong ingat na tinatalima ng kaniyang mga nasasakupan, palibhasa'y mabuti at matalino naman ang kaniyang pamamahala.

Isang araw ay pinulong ng makapangyarihang matanda ang lahat ng kaniyang kabig.

"Mga minamahal na nasasakupan ko," ang malakas na pahayag niya, "Pinulong ko kayo ngayon upang sa inyo'y sabihin na mula sa araw na ito ay ipinagbabawal ko na ang sino mang magtungo o umakyat sa itaas ng bundok na yaon." At itinuro niya ang luntiang bundok na hindi kalayuan sa kanilang pinagpupulungan.

"Tandaan ninyo at sundin ang aking pagbabawal na ito," ang wakas ng matanda.

Ang madla ay sumagot ng "Opo" at itinaas ang kanilang mga kamay bilang patotoo at sumpa na tatalimahin ang utos ng kanilang puno. Walang ano-ano ay bigla na lamang naglaho ang matanda sa kanilang mga mata, kaya't sila'y nagsipangilalas.

Maraming araw ang lumipas at ang makapangyarihang matanda ay hindi na nila nakita. Gayon man, sa loob ng mahabang panahon ay nabubuhay naman sila nang payapa't sagana.

Sa [unreadable] ng panahon ay nalimutan na nila ang pagbabawal ng kanilang puno, at dahil sa kanilang malaking pananabik na malaman ang anong hiwaga ng bundok yaon, sila'y nagsi-akyat sa taluktok ng bundok na nasasabi.

Gayon na lamang ang kanilang paghanga nang makita nila sa itaas pala ng bundok na yaon ay may isang malaking guwang na punong-puno ng mga kayamanan.

Halos nasilaw ang kanilang mga mata sa mga perlas, rubi, topasyo, esmeralda, diyamante, brilyante, at mga ginto.

Subali't habang sila'y nangawiwili at nagagalak na manood sa katakut-takot na kayamanang yaon na ang marami sa kanila ay naghangad pang lumusong upang kumuha, ay bigla na lamang nilang narinig ang malakas at makapangyarihang tinig ng matanda na [unreadable]:

Sinuway ninyo ang aking utos. Magkakaroon ng lindol, ng kidlat, ng kulog, at ng malakas na unos," at halos hindi pa natatalos ang pangungusap ng matanda ay umugong na ng katakut-takot at noon din ay sumabog ang bundok.

Magbuhat noon ay nagpasalin-salin ang pangyayaring yaon at ang nasabing bundok ay siyang tinatawag na unang Bulkan sa Pilipinas.

- - - - - -

It is said that the first volcano in the Philippines came out as a punishment for the people who did not obey the order of their great chief. The great chief ordered the people to live happily in the rich valley but never to try to approach the towering mountain in the distant forest. However, after a short time, due to curiosity, the people forgot his warning and went to see the mountain. When they did so, there the first volcano came to erupt.

[p. 49]

PART THREE - OTHER INFORMATION

1. Information on books and documents treating of the Philippines and the names of their owners. None.

2. The names of Filipino authors born or residing in the community, the titles or subjects of their works, whether printed or in manuscript form, and the names of the persons possessing them.

LUCBAN AUTHORS TITLES OF WORKS PERSONS POSSESSING THEM
1. Silverio Eleazar, Sr. a. Pami-ananan
b. Ang Luneta
c. Principe Ramiro
Isabel Eleazar
2. Zosimo Badiola
3. Emilio Zurbano
a. Sa Bingit ng Kasawian
a. Bulaklak ng Lukban
Burned
Burned
4. Marcelino Abuel a. Kalbaryo ng Isang Ina
b. Pompon ng mga Alay sa Mahal na Birhen
c. Ararong Ginto
Marcelino Abuel
5. Gabriel J. Nañagas (a) Ebanghelin
(b) Mutya ng Silangan
(c) Himig ng Banahaw
Gabriel J. Nañagas
6. Pantaleon Nantes (a) Tala at Kasaysayan ng Bayan ng Lukban Pantaleon Nantes
7. Zosimo Resurreccion (a) Ang Kalikasan Burned
8. Zosimo Nanad (a) Mga Pusong Lumuluha
(b) Landas ng Tagumpay
(c) Pusong Mapaglihim
Zosimo Nanad
9. Jesus R. Salvosa (a) Mga Butlig ng Panahon
(b) Kupido
Conrado N. Salvosa
10. Dr. Juan Nañagas (a) UP March
(b) Filipino Physicians
Pacita Nañagas
11. Zosimo Maderal (a) Talatinigang Tagalog
(b) Ang Kalaykay
(c) Mutya ng Banahaw
Burned
12. Balbino Nanong (a) Buhay Pa Rin Ako
(b) Sa Libis ng Palad
Burned
13. Fr. Antonio Radovan
14. Salvador Deveza
(a) Dambana at Diyos
(b) Sakana
Fr. Antonio Radovan
Burned
15. Venancio Saliendra (a) Ang Niyog
(b) Ang Magbubukid
Venancio Saliendra
16. Gabriel Esquieres (a) Makasalanan
(b) Banal
Gabriel Esquieres
17. Crispulo Salvatierra
18. Eriberto Abutal
19. Consolacion E. Elma
20. Atilana A. Palacio
21. Cleotilde S. Venzuela
(a) Inang Pilipinas
(a) Ang Bayan Ko
(a) Bituin sa Langit
(a) Mabangong Rosas
(a) Ang Batis
Burned
Eriberto Abutal
Consolacion E. Elma
Atilana A. Palacio
Cleotilde S. Venzuela
22. Agripino Nantes (a) Ang Magbubukid
(b) Matamis na Wika
(c) Ang Nonong Tulisan
Agripino Nantes
23. Hermogenes Quevedo (a) Semana Santa
(b) Dimas
(c) Hiyas ng Kalikasan
Hermogenes Quevedo
24. Vicente Beltran (a) Mga Dakilang Tao Natin
(b) Kahapon at Kasalukuyan
Burned
25. Marcelino Caja (a) Inang Mahal Burned
26. Elias Nañola (a) Ang Bagin
(b) Ang Anak ay Anak
(c) Ang Batas
Elias Nañola
27. Juan Clomera (a) Gagamba
(b) Dapit-Hapon
Juan Clomera
28. Lope Salvatierra (a) Habeas Corpus Lope Salvatierra
29. Aurelio Zurbano (a) What Has Been
(b) Natalia
Aurelio Zurbano
30. Bernardo Alivio, Sr. (a) Dakilang Pagkakasala
(b) Dapit-Hapon
(c) Sec E Tur Ad Astra
Bernardo Alivio, Sr.

[p. 50]

LUCBAN AUTHORS TITLES OF WORKS PERSONS POSSESSING THEM
31. Roman Veluz (a) Dalawang Kasal
(b) Naligaw
(c) Ang Ating Ama Namin
Roman Veluz
32. Benjamin Racelis (a) Mahiwagang Manliligaw
(b) Ang Batas
Benjamin Racelis
33. Ricardo Palacio (a) Pilipinas Ricardo Palacio
34. Amado Zeta (a) Ang Ating Lahi
(b) Lukban
Amado Zeta
35. Dra. Ursula M. Chanco (a) Alamat ng Lukban Dr. Ursula M. Chanco
36. Ricardo Cocadiz (a) Ang Paaralan
(b) Magulang at Guro
Ricardo Cocadiz
37. Anacleto Calimutan (a) Paala-ala Burned
38. Filemon Saliendra (a) Ang Batis
(b) Ang Buwan
Burned
39. Jovenal Veloso (a) Kung Umibig ang Pilay
(b) Landas ng Tagumpay
Burned
40. Isidro Nantes (a) Katarunangan
(b) Harana sa Bukid
Isidro Nantes
41. Fr. Brigido Nantes (a) Sigaw ng Katarunangan
(b) Ang Bayle
(c) Ako'y Magpapari
Fr. Brigido Nantes
42. Fr. Gregorio P. Salvatus (a) Lukban
(b) Ang Kampana
(c) Traje de Baile
Fr.Gregorio P. Salvatus
43. Zosimo Suares
44. Isagani de Asis
45. Vito Avila
(a) Evening Rose
(a) Sa Hagdanang Bato
(a) Kayumanggi
Zosimo Suares
Burned
Burned
46. Wenceslao Magsadia (a) Ex Seminarian
(b) Ganti-Ganti Katuwiran
Wenceslao Magsadia
47. Panahon Rada (a) Ang Kabuti
(b) Si Rizal: Ang Martir
Panahon Rada
48. Geminiano Rada (a) Kalikasan Geminiano Rada
49. David Nañez (a) Ang Palaka
(b) Arsenia Francisco
(c) Dambana at Bilangguan
Asuncion Obleada
50. Nemesio Valle (a) Kristong Tagalog
(b) Kabataang Manggagawa
(c) Dambana at Bilangguan
Nemesio Valle
51. Fidencio Nantes (a) Buwan sa Tag-Araw Fidencio Nantes
52. Macario Flores (a) Dalawang Tagumpay
(b) ALAX - Balagtasan
Macario Flores
53. Roman Deasis (a) Dapit-Hapon Roman Deasis
54. Gemiliano Pineda (a) Tulisang Pugot
(b) Haring Midas
(c) Bahag-Hari
Gemiliano Pineda
55. Eduardo V. Rañola (a) Teresita
(b) Huling Sandali
(c) Ang Multo sa Nayon
Eduardo V. Rañola
56. Cipriano Dealino (a) Panata
(b) Harana
Cipriano Dealino
57. Ramon Ab. Salvatus (a) Butil ng Ginto
(b) Pag-ibig sa Bandila
(c) Cleopatra
Ramon Ab. Salvatus
58. Conrado N. Salvosa (a) Gantimpala
(b) Nang Umibig si Tirso
(c) Dalawang Landas
Conrado S. Salvosa
59. Filemon Villaverde (a) Ikaw, Sila, at Ako
(b) Landas ng Santa Rita
Tirso Villaverde
60. Paz B. Pineda (a) Isang Paang Hikaw
(b) Kaya Pala
(c) Ang Aking Kuya
Paz B. Pineda
61. Filemon Baldovino (a) Tata Poten vs Mang Damian
(b) Huwag Kang Pumatay
(c) Inang, Patawaring Mo Ako
Filemon Baldovino

[p. 51]

LUCBAN AUTHORS TITLES OF WORKS PERSONS POSSESSING THEM
62. Moises Abulad (a) Ang Sariling Atin
(b) Moonlight Rose
Moises Abulad
63. Valente Racelis (a) Matamis na Biro
(b) Barrio Festival
Valente Racelis
64. Antonio Rañola
65. Milo Deveza
66. Avelina Ofreneo
(a) This Mortal Coil
(a) Ang Lumpo
(a) Pagtitika
Antonio Rañola
Milo Deveza
Avelina Ofreneo
67. Juanito Quevada (a) Pag-Ibig, Dambana, at Diyos Juanito Quevada
68. Bening Quevada (a) Bulaklak ng Pagpapakasakit Bening Quevada
69. Felix Baldeo (a) Pagsisisi Felix Baldeo
70. Ana Q. de la Cruz (a) Forgive Me
(b) Treacherous Ambition
Ana Q. de la Cruz
71. Lucy Quevedo (a) Kahapon, Ngayon, at Bukas
(b) Ang Tingting
Lucy Quevedo
72. Amelia Chanco (a) A Child's Dream
(b) Rain and Wind
Amelia Chanco
73. Melecio Deauna (a) Isang Talinhaga
(b) A Nightmare
Melecio Deauna
74. Justo Nañagas (a) Hiram na Kagandahan Justo Nañagas

PART I | PART II | PART III | PART IV | PART V

TRANSCRIPTION SOURCE:

Historical Data of the Municipality of Lucban, Province of Quezon, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post